“May dayo,. Ilang araw ko na siyang napapansin na pagalagala dito, masama ang kutob ko., tapos nitong nagdaang araw may naamoy akong dugo ng ibang tao sa kamay niya.” Wika ni Ramon.
Pagdating nila sa bungad ng pamilihang bayan ay tumigil muna sila sa center island ng kalsada.
“Mang Ramon, san ba dyan?” Tanong ni Lando.
“Sandali.” At sinuyod ng paningin ni Ramon ang kahabaan ng harapan ng pamilihang bayan
“Ah, ayun! Sa tapat ng dating tindahan ni Aling Gloria.” Sabay turo ng nguso ni Ramon.
Pagtingin nga nina Dante at Lando sa tapat ng saradong tindahan ay may nakita nga silang lalaking nakaupo sa gutter ng kalsada., may bilao at basket at nagtitinda ito ng daing at tinapa.
“O pa’no, maiwan ko na kayo, kayo nang bahala diyan?” Paalam ni Ramon sa dalawa.
“Sige po Mang Ramon, ingat po! At nauna nang umalis si Ramon sa lugar na iyon.
Kumuha naman ng bote sa kanyang belt bag si Lando. Ang boteng iyon ay naglalaman ng isa sa walong langis na hindi nauubos.
Kapag naipahid ang langis na iyon sa kahit anong bagay ay lumilikha ito ng chemical reaction, at kapag nahawakan ng isang aswang ang bagay na napahiran ng langis ay magdudulot iyon ng matinding pangangati sa kanyang katawan. Isang paraan para malaman nila kung aswang nga ang isang tao kahit hindi pa ito nagpapalit ng kanyang anyo.Kumuha ng isangdaang piso si Lando at pinahiran iyon ng langis at pagkatapos ay nilapitan nila ang lalaki.
“Pre, magkano itong isang plastic ng tinapa ninyo?” Tanong ni Lando.
“Beinte singko lang boss!” Sagot naman ng tindero.
“Ah sige, bigyan mo nga ako ng apat.”
Kumuha naman ng plastic ang lalaki at nilagyan ng apat na balot ng tinapa tapos ay ibinigay iyon kay Lando. At nang iabot ni Lando ang bayad at nahawakan iyon ng tindero ay natigilan siya., tapos ay agad nitong binitawan ang perang papel.
Napatingin ng masama ang tindero kay Lando. At makalipas lang ang ilang saglit ay nangati na ang buong palad ng tindero at kinamot niya ang kanyang kamay ng maigi., tapos noon ay naramdaman niyang gumapang ang kati mula sa kanyang mga kamay hanggang sa buo niyang braso, sa leeg, sa mukha at hanggang sa buo na niyang katawan.
“Anong ginawa mo?! Hahh!” mahina ngunit pagalit na sambit ng lalaki Habang hindi niya malaman kung saan niya ilalagay ang kamay dahil sa tindi ng pangangati ng buo niyang katawan.
“Gusto mo bang mawala yan?” Tanong ni Lando.
Tumango naman ng mabilis ang tindero.
“Sumunod ka sa amin.”
Nagpunta sila sa isang eskinita malapit lang sa lugar na iyon. Bumili naman si Dante ng isang litro ng soda at binuksan iyon pagkatapos ay hinulugan niya ito ng isang bagay na kasing laki ng munggo para pangontra sa epekto ng langis ni Lando.
Pagdating ni Dante sa eskinita ay ibinuhos niya ang soda sa buong katawan ng tindero pagkatapos noon ay unti-unti nang umalwan ang pakiramdam niya.
“Taga saan ka?” maangas na tanong ni Lando.
“T-taga San Simon.”
“Wala na ba ang Mercado sa San Simon at dumayo ka pa dito para magtinda? Ang layo ng San Simon dito ah?!”
“T-teka, ano bang kasalanan ko sa inyo? Bakit nyo ako ginaganito?” mangiyak-ngiyak na ang tindero.
“Aswang ka hindi ba?” tanong ni Lando.
“O-oo pero wala naman akong ginagawang masama ah, nagtitinda lang naman ako.” Sagot din ng tindero.
“Anong malay namin, baka ginagamit mo lang yang paninda mo para makahanap dito ng mabibiktima.”
At hindi nakasagot kay Lando ang lalaki.
“Pasalamat ka at umaga ngayon., alam mo bang may paraan kami para tanggalin sana ang binhi mo.”
Nanlaki ang ang mga mata ng lalaki dahil sa narinig., dahil ang alam niya ay mamamatay siya kung tatanggalin ng pwersahan ang binhi ng isang aswang.
“Kunin mo na iyang paninda mo at umalis ka na., ayoko nang makita pa yang pagmumukha mo dito, HA?!” Malakas na boses muli ni Lando sa tindero. Sabay tingin kay Dante na nasa kanyang likuran at nakangising kumindat ito.
Dahil sa bigotilyo at matapang na mukha ni Lando na parang kontrabida sa mga pelikulang pilipino, tangkad na 6”1, matipunong pangangatawan, at laki ng kanyang boses, ay walang tao ang hindi masisindadak sa kanya. Ngunit ang totoo ay tunay na mabait si Lando, hindi barumbado, maalalahanin at palaging iniisip ang kapakanan ng kanyang kapwa, mapakaibigan man ito o kaaway, tao man o halimaw.
Mabilis na dinampot ng tindero ang kanyang basket at umalis na siya sa Silanguin.
At bago naman makaalis ng tuluyan sa palengke sina Lando at Dante ay nakita nila si Julian (Julian Robles, 48) na nakaupo sa bangketa at nagtitinda din ng sariwang isda, kahilera ang iba pang mga nagtitinda. Nilapitan ng dalawa si Julian.
Si Julian ay residente din ng Silanguin., mangingisda sa umaga, halimaw naman pagkagat ng dilim. Kilalang aswang sa kanilang lugar ngunit hindi siya magalaw dahil hindi naman siya namemerwisyo sa kanilang bayan.
Dahil na din sa kanyang itsura., dahil napakalaking tao din ni Julian., mas matangkad at mas malaki pa ang katawan niya kaysa kay Lando., wala siyang buhok at may pagkasingkit ang kanyang mga mata, malaki na may katabaan ang katawan niya at may kalakihan din ang kanyang tiyan.
Isang mabuting mamamayan sa Silanguin ngunit kinatatakutan naman ng ibang mananabas sa ibang nayon. Minsan na ding nagkaharap at nagkasagupaan sa ibang bayan sina Dante at Julian ngunit hindi nagawang tanggalan ni Dante ng binhi si Julian dahil sa lakas nito at mabilis itong nakatakas.
“Mang Julian, kamusta po? Bati ni Dante.
“Mang Julian, mukhang inaalat ata tayo ah?” wika naman ni Lando.
Dahil nakita nilang walang bumibili sa mga paninda ni Julian kahit nakikita na ng mga mamimili na gumagalaw pa at sariwa ang mga isdang binebenta niya.
“Anong kailangan ‘nyo? Hindi nyo ba nakikitang naghahanapbuhay ako? Tanong ni Julian habang nakatitig ng masama sa dalawa.
“Relax lang mang Julian, sinabi ko naman po sa inyo dati pa, na hindi tayo magkalaban kapag nandito tayo sa Silanguin. Tinitingnan ko lang po itong paninda ninyo, wala padin kasi kaming ulam mamayang tanghalian.” Wika ni Dante.
“Manang, bakit hindi kayo bumibili ng mga isda ni Mang Julian? Tingnan ‘nyo o, sariwa at gumagalaw pa itong mga isda ‘nya?” mungkahi naman ni Lando sa ibang mga mamimili.
“Ay naku! Ayoko! Mamaya ‘dyan mahawa pa ako sa taong ‘yan, mahirap na.” Sagot ng matandang babae kay Lando.
“Mang Julian, magkano po ba itong kabayas ninyo?” Tanong ni Dante.
“isangdaan isang kilo” sagot ni Julian.
“Ah, sige po Mang Julian, bigyan nyo po ako ang isang kilo.”
Naglagay naman si Julian ng mga isda sa planggana at tinimbang ito., Tapos ay iniabot kay Dante ang plastic na may mga isda.
“Eto po ang bayad mang Julian.” Sabay abot ni Dante ang bayad niya.
Ngunit hindi agad tinanggap ni Julian ang pera.
“ah? Bakit po?” nagtatakang tanong ni Dante.
“Nakita ko ang ginawa ninyo sa taong nagtitinda ng tinapa.” Wika ni Julian.
“Hehehe, ‘wag po kayong maglala mang Julian, wala naman pong lana yan.” Paliwanang ni Dante.
Nagaalangan pang hawakan ni Julian ang pera ngunit di kalaunan ay kinuha din niya ito at hindi nga nangati si Julian. Pagkatapos noon ay umalis na sa palengke ang magkaibigan.
BINABASA MO ANG
STAB Episode 2
ParanormalSomeone is spreading a new breed of evil seeds more powerful and deadly than its predecessors. This is a story about a group of men called "Mananabas". Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growin...