“Ano bang ginagawa nyo dyan?! Kanina pa kayo ‘dyan ah? Disoras na ng gabi, ang ingay ingay ‘nyo! Hindi nyo ba alam na nakakabulahaw na kayo?!” may kataasan at pagalit na wika ng lalaking iyon.
“Ah, manong hindi naman kami maingay ah? pinipilit nga namin na wag magsalita ng malakas eh.” Katwiran ni Lando.
“Manong, pasensya na po kung nakakaistorbo kami ang totoo po ‘nyan ay nagta-trabaho po kami.” Paliwanag ni Dante.
“Anong trabaho e kanina pa nga kayo nakaupo dyan?” Malakas na boses pang muli ng lalaki.
Nagbukas naman ng kanyang bintana ang katapat na bahay ni Celso nang marinig ang pagtatalo.
“Pre anong problema jan?” tanong pa ng kapitbahay ni Celso.
“Pasensya na pre, nakakaistorbo daw kami dito sa kapitbahay ninyo.” Paliwanang ni Lando.
Sunod naman na nagbukas ng pintuan si Celso at sinilip ang pagtatalo sa ilalim ng kanilang bahay.
“O, Lando, anong problema?” tanong ni Celso
“Ah, wala ito pre., nagrereklamo kasi itong kapitbahay ninyo na maingay daw kami, maingay ba kami pre?”
“Hindi, hindi naman.” Wika ni Celso at napabaling naman siya ng tingin sa lalaki.
“Manong, pasensya na po kayo kung medyo nakakaistorbo ang mga iyan, ang totoo po ay nagtatrabaho po ang mga iyan.
“Trabaho? Saan ka nakakita ng trabaho na nakaupo sa magdamag at ngkwekwentuhan lang?” Malakas muling wika ng lalaki.
“Mananabas po ang mga iyan at binabantayan nila ang bahay namin!” Paliwanag ni Celso sa lalaki.Nagulat naman ang lalaking iyon sa narinig kay Celso. Napansin naman ni Dante na nanlaki ang mga mata ng lalaki ng malaman niyang mananabas pala ang mga kaharap niya.
“Oonga mga mananabas sila kaya pasensya na ulit pre ha. Wika ng kapitnahay ni celsoHindi nmn malaman ng lalaki ang kanyang isasagot at dahan dahan siyang napaatras papalayo sa kanila. At nang tingnan ng maigi ni Celso kung sino ang lalaking iyon...
“Sandali, mawalang galang napo, sino po ba sila?” Tanong ni celso.
“Oo nga, cno kaba? Parang ngyon lang kita nakita dito ah!?” Wika naman ng kapitbahay ni celso.
Nagtaka at nagkatitigan sina Lando at Dante. Natandaan din ni Dante na ilang beses niyang napansin na nakailang ulit na nagpabalik balik doon ang taong iyon habang nagkwentuhan sila ni Lando.
Sa pagkakataong iyon ay nagmamadali nang lumakad papalayo sa kanila ang lalaki.
Hinabol pa ng tingin ng magkaibigan ang lalaki at sa paglikong pagliko nito sa isang eskinita ay walang sabi sabi at magkasabay silang tumakbo at hinabol nina Lando at Dante ang lalaki
“Ano bang mga problema ng mga iyon?” nagtatakang sambit ng kapitbahay ni celso.
“Naisip mo din pala ang naiisip ko?” Wika ni Dante.
“Oo, hindi nila kapitbahay ang taong iyon, baka siya na ang hinihintay natin.” Sagot nmn ni lando
“Oo pero, wag muna tyong magpakasiguro.”
Nang marating ng magkaibigan ang eskinita Kung saan lumiko Ang lalaki ay wala na iyon, ngunit hindi agad sila sumuko., naghiwalay sila at hinalughog pa nila ang bawat sulok ng baranggay na iyon, ngunit wala talaga silang makita.
Tumigil muna si Dante at naghabol ng hininga dahil sa pagod.
Ngunit Hindi pa siya tuluyang nakapagpahinga ng tawagin siya ni Lando na nasa main road na.
“DANTE DITO! Sigaw ni Lando.
Agad nmng sumunod si Dante.
Nakita ni Lando na mabilis na naglalakad sa kalsada ang hinahabol nila. Malayo na. Napalingion nmn ang lalaki sa kanyang likuran at nang makita niyang may humahabol sa kanya ay kumaripas din siya ng takbo.
Malalayo ang agwat ng bawat streetlight sa kalsadang iyon, may parteng maliwanag Ang daan at may parte din na madilim, puno din ng damo ang gilid ng kalsada at may mahaba at barbwire na bakod sa gilid at marami ding matataas na halaman doon.Mayroon din silang madaraanang grupo ng mga baka na nakaharang sa kalsada., ang iba ay nanginginain ng damo sa gilid, ang iba ay nakahiga pa sa gitna ng kalsada, at ang iba naman ay nalatayo lang.
Nang makita ni Lando na tumakbo din ang lalaki ay mas lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagtakbo at naiwan Niya ng bahagya si Dante. Ngunit pagdaan ng lalaki sa madilim na parte ng kalsada kung saan naroon din ang mga baka, ay bigla itong nawala sa paningin ni Lando. Ngunit ngpatuloy padin sa pagtakbo ang magkaibigan at nilampasan nila ang grupo ng mga baka. Sa pagkakataong iyon ay tumigil na din sila nang pagtakbo nang hindi na nila nakita ang hinahabol nila.
“Sayang?!” Wika ni Lando habang nakahawak sa beywang at hinihingal pa.
BINABASA MO ANG
STAB Episode 2
ParanormalSomeone is spreading a new breed of evil seeds more powerful and deadly than its predecessors. This is a story about a group of men called "Mananabas". Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growin...