Samatala...Sa isang malayong nayon nang mga oras ding yaon...May isang napakalaking kalabaw na tumatakbo sa malawak na koprahan.
Ang kalabaw na ito ay isang aswang at tinutugis siya ng tatlong mananabas. Ngunit lingid sa kaalaman ng mga mananabas ay may nakasunod din sa kanila na isa pang aswang at palundag lundag ito sa itaas sa ibabaw ng malalagong puno ng mga niyog.
Inabot din ng ilang oras ang habulan sa pagitan ng mga mananabas at ng kalabaw na iyon, Hanggang sa marating ng kalabaw ang dulo ng koprahan. Isa itong napakataas na bangin at ang nasa baba nito ay mabatong dalampasigan.
Nilingon ng kalabaw ang kanyang likuran at nakita niyang naroon na at napapaligiran na siya ng tatlong mananabas., armado ng ibat ibang uri ng mga gulok at tabak. wala na siyang matatakbuhan.
Sa oras na iyon ay nagbalik sa pagiging tao ang kalabaw.
Nang walang anu anoy mula sa mga puno ng niyog ay may tumalon na isang napakalaking tao at binagsakan nito ang mananabas na nasa gitna. Agad na binawian ng buhay ang mananabas na iyon.
Dahan dahang namang tumayo ang malaking taong iyon...si Julian
Sinuntok ni Julian ang mukha ng mananabas na nasa kanyang kaliwang panig, napabulagta ito at nagtalsikan ang mga ngipin at dugo niya sa lupa.
"Wag kang gagalaw!" wika pa ni Julian sa mananabas na sinuntok niya.
Paglingon naman ni Julian sa kanyang kanan ay biglang may tumaga sa kanya., ngunit mabilis na naisangga ni Julian ang kanyang kanang braso.
Napatigil ang lalaking tumaga nang Makita niyang hindi naputol ang kanang braso ng kalaban., bumaon lang ng kaunti ang tabak na inihataw niya.
Agad na dinampot ni Julian ang braso ng lalaki na may hawak ng tabak at inihambalos niya ito sa lupa. Habang nakahandusay ang mananabas ay hinawakan ni Julian ang mukha nito, pagkatapos ay dirurog niya ang buong ulo nito gamit lang ang kanyang mga kamay.
Nilingon muli ni Julian ang Isa pang mananabas na sinuntok niya., nakita niyang gumagapang ito papalayo sa kanila. Napansin ni Julian na may nakarolyong lubid sa beywang ang mananabas na dinurog niya, agad niyang kinuha ang lubid at pagkatapos ay nilapitan niya ang lalaking gumagapang.
Nang mapatingin naman sa paligid si Julian ay may napansin siyang malaking bato. Tinapon ni Julian ang lubid at dinampot niya ang napakalaking bato tapos ay nilapitan na ang lalaking gumagapang at ibinagsak ang malaking bato sa kaliwang binti ng mananabas. Nagtalsikan sa paligid ng mananabas ang kanyang dugo.
"Sinabi ko nang wag ka nang gagalaw!" Wika pa ni Julian.
Nagsisisigaw sa sakit ang mananabas na iyon., Sinubukan pa niyang tumakas ngunit hindi niya matanggal ang malaking bato na nakadagan sa kaliwa niyang binti. Pagkatapos noon ay kumalma si Julian.
Dahan dahan naman siyang nilapitan ng aswang na iniligtas niya.
"kaibigan maraming salamat! Utang ko sa iyo ang aking buhay." Laking pasasalamat nalang ng aswang kay Julian dahil kung hindi sa kanya ay napatay na siya ng mga mananabas.
"Ikaw ba ung kalabaw kanina?" Tanong ni Julian.
"Oo, ako nga. Maraming salamat kaibigan, sabihin mo sa akin kung ano at paano ako makakaganti sa nagawa mo sa akin, ano ang gusto mo?" Tanong ng lalaki.
Nilingon ni Julian ang lalaki at sinagot ito.
"Ang binhi mo!" Sagot ni Julian.
Nagulat nalang ang lalaki nang bigla siyang sakalin ni Julian at iniangat siya nito mula sa kanyang kinatatayuan. Agad na pinahaba ng aswang ang kanyang mga kuko at pinagkakalmot niya ang braso na nakakapit sa kanyang leeg ngunit parang balewala kay Julian ang mga tinamong sugat at hindi niya ininda ang sakit.
Idiniin pa ni Julian ang pagkakasakal sa aswang., hindi na magawang sumigaw ng malakas ang aswang dahil sa malaking kamay na nakakapit sa kanyang leeg.
Maiiksi ang mga kuko sa kamay ni Julian ngunit sa lakas ng kanyang pwersa ay madali lang niyang naibaon ang kanyang kamay sa tiyan ng aswang na iyon., Tumirik ang mga mata ng aswang sa sakit habang hinahalukay ni Julian ang buong tiyan niya.
Parang may hinahanap si Julian sa tiyan ng aswang na iyon, at di kalaunay napangiti siya. Nakapa na niya at nahawakan ang hinahanap niya.
Pagkatapos ay dahandahang tinanggal ni Julian ang kanyang kamay sa tiyan ng aswang... hawak ang itim na binhi nito. Buhay pa ito at gumagalaw, may kakaunti at maninipis na buhok na nakakapit ang ilan sa lamangloob ng lalaki.
Nang matanggal na ni Julian ang binhi ay mistulang ikinampay ng mabilis ang mumunti nitong mga pakpak na parang gustong umalpas nito sa kamay ni julian,. Nang tuluyan na ngang makuha ni Julian ang binhi ay binitawan na niya ang walang buhay ang aswang na sinakal niya.
"Hindi nararapat sa iyo ang kapangyarihan binhing ito" wika ni Julian sabay lulon ng binhi.
Magkahalong takot at pagkalito ang naramdaman ng nakahandusay na mananabas matapos niyang masaksihan ang mga pangyayaring iyon. Di kalaunan ay nawalan ng malay ang mananabas dahil sa dami ng dugong nawala sa kanya.
Nagpahinga at naupo muna si Julian sa malaking bato na nakadagan sa mananabas. Halos isang oras din siyang nakaupo doon at hindi gumagalaw. Mayamayay naramdaman ni Julian na mabilis na pumintig ang kanyang puso at kumulo ng maigi ang kanyang tiyan. Tapos ay sumuka siya ng dugo at napakarami noon. Nagising naman ang mananabas ng marinig ang ingay ni Julian habang sumusuka.
Pagkatapos niyang sumuka ay napangiti si Julian. Sinilip niya ang mananabas at nakita niyang gising din ito., Ang ginawa ni julian ay tinanggal niya ang batong nakadagan dito. At nang tuluyang makaramdam ng gutom si Julian ay agad niyang sinakmal at kinain ang mananabas na iyon.
Kakaiba si Julian sa karamihan ng mga aswang dahil hindi lang iisang parte ng lamang loob ang kinakain niya sa isang tao., halos lahat ay kinakain niya. Ang Hindi lang niya kinakain ay ang buto at bituka ng isang tao.
At isa pang pagkakaiba ni julian ay hindi lang isang binhi ang nasa loob ng kanyang katawan ngayon., Tatlo na ito.
Pagkatapos ngang kumain ni Julian ay halos wala nang pagkakakilanlan sa naging biktima niya, dahil luray luray na ito nang kanyang lubayan.
Tumigil ng sandali si julian at pinakiramdaman ang sarili. Mayamaya ay yumuko at dumapa siya at natuto siyang magpalit ng anyo.
Naging isang napakalaking itim at mabangis na kalabaw si Julian.
****** Itutuloy******
BINABASA MO ANG
STAB Episode 2
ParanormalSomeone is spreading a new breed of evil seeds more powerful and deadly than its predecessors. This is a story about a group of men called "Mananabas". Vampires, Ghouls, and Witch hunters scattered all over the country. Driven by poverty and growin...