Chapter 2

6 1 0
                                    

Chapter 2

2 weeks have passed. I became busy sa office dahil ang daming mga dapat i-file at ayusin na mga papeles.

Hindi ko na rin nakita si Luis after the last incident kasama ang babae niya. Bahala siya roon.

"Shiya? Sabay na tayong mag out ha?" Si Lara.

"Sge. Aayusin ko lang ang mga gamit ko. Pakihintay na lang ako sa baba" saad ko saka siya nginitian.

"Okie dokie. Maraming boys na naman sa dadaanan." nakangiting tugon niya saka na lumabas.

Iniripan ko na lamang siya saka pagak na tumawa.

Habang nagaayos ako ng gamit, bigla na lang nag vibrate ang phone ko kaya kaagad na naman na sinilip ko iyon.

Napakunoot ang noo ko ng makitang si Luis ang nag text.

"Ano nanaman kayang kailangan ng bwisit na 'yon? Himala at nagparamdam ang hinayupak" bulong ko sa sarili saka na ito tinignan.

To: Ugly Yuckie Luis

Hoy! Buhay ka pa ba!? Kita tayo next week ah. See you, baby!

Kadiri talaga ang hayop na 'to kahit kailan. Hindi ko alam bakit ko siya naging crush. Ang kapal kapal ng mukha.

Hindi ko na lang muna siya ni-reply-an. Saka na.

Nang matapos ko ng maayos ang mga gamit ko ay bumaba na ako dahil hinihintay na ako ni Lara.

Habang pababa ay may naririnig pa akong nagchi-chikahan. Tila parang mga kinuryente sa sobrang tuwa at kilig na nararamdaman.

"Hoy mga Accla! Ang anak na raw ni Sir Denise ang maghahandle ng company at ipapakilala raw siya sa'tin next week" kilig na kilig na sabi ng isang babae habang inaayos ang kilay nito.

"Narinig ko nga rin yan siz! Balita ko ay yummy si Sir" saka sila sabay sabay na nagngitian.

Jusko sila!

"Grabe aakitin ko talaga siya kung may chance ako!" Singhal ng isa na mukhang ini-imagine pa ang gagawin nito.

Nakita ko na lang na hinampas siya ng isa niyang kasama saka na lumabas pababa.

Grabe na talaga. Nagiging talandi na naman sila lalo pa't kung gwapo at macho talaga ang pinaguusapan.

Pagkababa ko ay kaagad na kumaway sa akin si Lara.

"Ang tagal mo gurl! Ang daming dumaan na pogi kanina rito. Sayang talaga!" Isa pa 'tong bruha na ito eh.

"I told yah, Lara. Don't have time for that. Saka na." Walang emosyong sabi ko sakaniya

"I-try mo lang beh! Malay mo naman diba!? Jusko 25 kana beh. Tumatanda na tayo!" Pangaral niya sa'kin "Kapag may nakita talaga ako, pangalan mo agad ang ibibigay ko!" dagdag niya pa.

"Wag na. I'm not interested, Lara" saka ako tipid na ngumiti sakaniya

"Ah basta! Para naman may chance kang madiligan" makahulugang sambit niya habang itinataas baba ang isang kilay niya. "Iisipin ko talagang hindi ka pa nakaka get over sa unggoy mong ex kaya ka ganiyan"

Pinanlakihan ko naman siya ng mata pero tinawanan lang ako ng gaga.

"Kadiri ka talaga! Past is past" maikling tugon ko saka siya inirapan.

Ohh God. Help me, please. Kung hindi ko lang 'to kaibigan baka naihagis ko na 'to sa Pacific Ocean eh.




Loving You BackWhere stories live. Discover now