Chapter 5

1 1 0
                                    

Chapter 5


"Hoy!" 

"Ayy gago ka!" Gulat na sambit ko.

Tinawanan lang ako ni gaga. Akmang hahampasin siya sa braso pero mabilis itong nakailag.

"Para kang sinasapian diyan. Kanina ka pa bulong nang bulong." Natatawang sabi niya.

Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa ko. Kailangan kong matapos ngayon para makauwi ako ng maaga. 

"Nagmamadali much?" Pangaasar niya pa.

"Wala ako sa mood, Lara." Seryosong sagot ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko.

"Halata." Natatawang asar niya saka na ako iniwan.

Narinig ko naman na tumunog ang cellphone ko kaya naman binuksan ko kaagad ito. Here we go again sa makulit na lalaking ito.

To: Ugly Yuckie Luis

You free later?  I'm sad :<

Anong trip na naman nito sa buhay. Ang saya saya niya lang kanina eh. Bipolar ata 'tong isang 'to eh. 

I just replied 'Yes' para tumigil na siya. Pagkasent ko ay wala pang isang minuto, tumunog ulit ang cellphone ko.

To: Ugly Yuckie Luis

I'll pick you up sa office around 5pm. No buts. See yah, baby ;)

Abnormal talaga 'to. Anong 5pm? Bahala siyang maghintay. Parehong pareho sila ng pinsan niya. Teka, bakit ba nasali 'yon.

Binilisan ko na lang sa paggawa at inayos ang dapat tapusin. Baka mamaya pumasok pa sa loob ang asungot na 'yon. Nakakahiya na ang mga pinaggagawa niya rito. Ang hilig manlandi ng mga babae porke gwapo.

Habang tinatapos ko ang mga papeles ay hindi ko namalayan na 5 pm na pala. Nakita ko ring madami ng missed calls si Luis sa akin. Napaka impatient talaga nito. Dali dali ko namang inayos ang mga gamit ko paunti-unti para kaagad akong makaalis mamaya. 

"Here is the Marketing Department. Lahat ng nandito ay masisipag." Rinig na rinig ko ang boses ni Sir Denise.

Tama naman ang sinabi niya. Sinulyapan ko ang kausap niya at nakitang nakabuntot sa kaniya ang dalawa.

Wow, bagay. 

"The one who manage this department ay si Ms. Aleshiya." Nabigla ako ng itinuro ni Mr. Carson kung nasaan ako ngayon.

Sir naman! Pwede namang wag ng sabihin 'yon eh. Nakita ko naman ang pagtitig sa akin ni Lexus. Hindi nakaligtas ang pag irap ng katabi niya ngayon sa akin. Bitch.

"Shiya, baby!" Nagulat ako sa lakas ng boses ni Luis.

Tangina talaga. 

"Ohh Tito Denise, hi." Bati niya rito.

Bakit kasi pinayagan ang ugok na ito rito. Office hours tapos bigla bigla na lang sumusulpot. Mahilig din manglandi.

"Luis! We meet again." Natatawang sabi ni Sir Denise. 

"Oh, pinsan! Long time no see ah" Tsaka nakipag bump pa kay Lexus. Feeling close rin ang abnormal na ito.

"Hi, Miss beautiful" Ngiting baling niya sa kasama nila. Angelica.

Binati naman siya pabalik nito na ngiting ngiti rin. 

"What brings you here again?" Takhang tanong ni Sir Denise.

"Ahh, susunduin ko lang Tito si Shiya."Saka nakangiting bumaling sa akin.

"H-hello po." I simply said while smiling awkwardly.

"Are you two dating?" Kunot noong tanong ni Lexus.

"No, Sir!"

"Yes, pinsan"

Ohh God. Help me sa hinayupak na ito.

"You two are bagay" Biglang sabat ni Angelica saka plastic na ngumiti.

"Ohh, I know right!" Pag sang-ayon ng walang hiyang Luis.

Pinanlakihan ko naman siya ng mata ngunit nginitian niya lamang ako. Great! Gusto ko siyang hampasin ngayon at ibaon sa lupa!

"Btw, Tito. Since tapos naman na sa work si Shiya. May I take her out? May date po kasi kami." Kunwari ay nahihiyang tanong niya.

Ang kapal ng mukha!

"Ohh sure! Enjoy sa date niyo." Nakangiting sabi ni Sir Denise.

"Did you hear that, baby?" Tanong niya sa akin saka lumapit.

Pasimple ko naman siyang kinurot sa tagiliran.

"Humanda ka sa'kin!" Pabulong na banta ko sakaniya.

Umalis na kami roon at hindi na sila nilingon pa.

"I'm always ready, baby." Saka ako kininditan.

Nagpaalam na ako saka hinila ko na siya paalis doon. Baka kung ano pa ang masabi ng malanding nilalang na ito.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Loving You BackWhere stories live. Discover now