Chapter 4
Teka! Bakit ba ako affected much? Eh wala naman ng kami.
"Do you wanna go outside?" Bulong ko kay Luis.
Lumapad naman ang ngiti niya pagkarinig sa sinabi ko. Hinila ko siya palabas ng building. Nang nasa baba na kami ay nginitian ko siya ng sobrang tamis.
"If you wanna be alone with me, you can directly tell me na lang Shiya." Nakangising sabi niya.
"Ang kapal kapal talaga ng budhi mo, Luis!" Angal ko sakaniya. "Inaya kita rito kasi gusto kong umalis kana. Panira ka ng araw. Hinatid na kita oh"
"Gr-"
"You're welcome Luis. Bye!" Then I winked at him saka na pumasok ulit sa building.
Bago magsara ang elevator ay nakita ko pa ang gulat na reaksyon niya dahil sa ginawa ko. Nginitian ko lang siya. Bahala ka sa buhay mo!
"Shiya! Kanina ka pa hinahanap ni Sir" bungad sa akin ni Lara pagkalabas ko ng elevator.
"Ohh gosh!" Saka nagmadaling lumabas.Naalala ko nga pala yung documents na hinihingi niya sa akin noong isang araw pa. Ang epal naman kasi ni Luis bakit ngayon pa pumunta. At kaya pala madali lang makapasok ang magaling na babaerong 'yon dahil Tito niya ang boss ko.
Kinuha ko kaagad ang nakapatong na folder sa desk ko saka na nagmadaling pumunta sa office room ni Sir Denise. Habang nasa elevator ay naririnig kong nagbubulungan ang mga kasabayan ko about sa lalaking 'yon.
Siya? Ang magiging bagong boss ko? Nakakainis! Sa dinami dami ng pwedeng maging new boss ay bakit siya pa? PWede namang si Luis na lang. Kaya ko pang tiisin ang panlalandi non at pangaasar sa akin, pero siya? Hell no!
Pagkabukas ng elevator ay dali-dali akong tumakbo. Sinbaihan ko rin yung secretary ni Sir Denise na may ibibigay lang akong mga documents na kailangan niya. Bago ako pumasok ay kumatok muna ako ng tatlong beses saka pinihit ang door knob.
"Good Morning, Sir Denise" Saka siya nginitian. Nagaalangan pa ako kung babatiin ko ang anak niya at ang kasama nitong babae. Sa huli ay binati ko pa rin. Hays. Be professional Aleshiya!
"Good Morning, Sir Lexus" Tsaka tipid na nginitian. He looks matured and lalong gumanda ang built ng katawan aaminin ko. No feelings attached and involved ha. "Good Morning, Ma'am!" Nagaalangang bati ko naman.
"Angelica. Angelica Rose Ramirez" Ngiting pagpapakilala niya.
I don't know but I suddenly felt na hindi totoo ang ngiti niya? Hmm, plastic. I guess?
"Aleshiya Nicole David po." Simpleng sagot ko saka siya tipid na nginitian
"Are those the documents na hinihingi ko sa'yo, Shiya?" Tanong ni Sir Denise dahilan para mapalingon ako sakaniya.
Nginitian ko naman siya saka tumango. Inabot ko na sakaniya ang folder na kinuha naman niya kaagad.
"How are you, Sh-" Nagulat ako ng biglang magtanong si Matthew. I mean Lexus.
"Oh you two knew each other?" Nakangiting tanong ni Sir Denise.
"Hindi po, Sir."
"Yes, Dad"
Nasisiraan na ba 'to ng bait!? Ipapahamak niya pa ako eh. Nakita ko naman na nag-iba ang awra ng kasama niyang babae. I knew it. What a fake creature. While Sir Denise is more likely curious right now. Thinking kung ano ba ang totoo.
"Hindi po, Sir. Ngayon lang po kami nagkita." Tipid na sabat ko.
Napansin ko naman ang pagbabago ng reaksyon ni Lexus. Manigas ka riyan!
"Hmm, yeah" He coldly said and smiled bitterly.
"Great job for this, Ms. Aleshiya. You can go now" Sir Denise said to me.
"Okay po. Thank you, Sir." Nakangiting usal ko. "Nice to meet you Sir and Ma'am." Baling ko sa dalawa saka nagmadaling umalis.
YOU ARE READING
Loving You Back
RandomAleshiya Nicole David is an independent woman. She's already 20 years old. Before, she's a happy-go-lucky person, approachable, and kind but after the tragedy and nightmares came to Aleshiya's life, she became distant and cold to every person she's...