Chapter 3
"Shiya? Next week daw sabi ni Luis pangit" paalala sa'kin ni Lara
Tinanguan ko naman siya saka ko nakitang pumasok na sa elevator.
While I am checking the papers na ibinigay sa akin noong isang katrabaho ko kanina, naririnig ko sa hindi kalayuan na parang kilig na kilig ang iilan sa mga babae habang tumitili ang mga ito.
"Ang ganda mo today, Eunice." Familiar ang boses.
"You look hot, Andrea"
Haaays. Ang landi talaga.
"Hi baby Shi--" Si Luis habang ngiting ngiti na nakatingin sa akin.
"Good mood ako today, Mr. Vasquez. So please, 'wag mo akong bwisitin" inunahan ko na siya.
"Ang sakit mo naman sa heart, baby" saka umaktong nasasaktan habang nakaturo sa may dibdib niya.
"Huwag mo akong artehan, Luis. Lilipad talaga sa'yo ang mga ballpen na 'to" saka siya inirapan.
Bakit ba kasi nakakapasok ang lecheng to rito? Office hours ngayon at buti pinapayagan siyang pumunta rito. Eh nanggugulo lang naman siya lagi.
"Be gentle naman sa'kin baby." Saka siya kumagat labi.
Wala namang pasabi na binato ko sa kaniya ang mga ballpen na ginagamit ko pero mabilis niya itong naiwasan.
"Isang panlalandi mo pa, lalabas ka talagang bali bali ang buto mo. Try me, Luis" pagbabanta ko sakaniya pero parang wala lang sakaniya.
Napansin ko rin na nakatingin na sa amin ang iilang mga employees pero ng makita nila akong nakatingin rin sa kanila ay kaagad silang bumalik sa mga trabaho nila.
"Parang wala tayong pinagsamahan, baby bff ah. Ipapaalala ko lang kasi yung meet natin next week. Hindi ka kasi nagreply eh" Nakangiting sabi niya.
"Eh bakit ba kailangan mo pa akong puntahan dito ha!?" Galit na asik ko sa kaniya.
"Ikaw lang ba ang pwede kong puntahan dito?" He asked while grinning. "Them also." Saka ininguso ang mga babaeng employees na kulang na lang ay kapusin ng mga hangin dahil sa sobrang kilig.
"Tigilan mo sila, Luis. Sinasabi ko talaga sa'yo"
"Chill baby bff. Lalo kang huma-hot niyan eh" pagpapakalma niya.
Akmang ibabato ko sa kaniya ang ibang highlighter sa tabi ko ng biglang magsitayuan ang mga kasamahan ko rito.
"Good morning, Sir Denise." Magalang at sabay sabay nilang sabi.
Napaharap naman ako kaagad saka binati kaagad si Sir. I saw Luis in my peripheral vision na nakangisi lamang.
"Tito Denise! It's nice to meet you po" sambit niya saka nagmano rito.
What!? Magkakilala sila!? Kailan pa!? Kaya pala ang daling makapasok ng asungot na 'to dito eh.
Nagtataka naman ako na nagtitilian ang mga babae rito habang nakatingin sa likod ni Sir Denise. Ngunit yumuko lamang ako at hindi na iyon pinansin pa.
"Hey there, Luis. Nice to meet you too. Buti at napadalaw ka?" Sir Denise asked.
Tumingin naman siya sa'kin saka ngumiti.
"Just here para dalawin ang pretty bff ko, Tito. Si Aleshiya" nakangiting sagot niya.
"Ohh really? That's nice. Enjoy and you're wlecome here as always." Maikling sagot ni Sir habang nakangiti.
Ginantihan lamang siya ng ngiti ni Luis saka lumapit sa akin.
"By the way" Tumingin naman kami sa kaniya. "This is my son, Lexus Matthew Carson. He is your next boss."
Kaagad na hinanap ng mga mata ko ang lalaking isa sa mga nagdulot ng sakit sa akin in the past.
I saw him, smiling to everyone. Naririnig ko rin ang pagbubulungan ng iilan sa mga katrabaho ko. Bawat sinasabi ng mga ito ay pinupuri siya, mapa-babae o lalaki man.
I can feel my tears. Anytime ay babagsak ito but I have to be strong just this time. Kailangan kong maging propesyonal at isantabi ang emosyon na kanina pa gustong kumawala.
Naramdaman ko naman ang paghawak ni Luis sa isang kamay ko saka marahang pinisil pisil iyon.
"You okay?" He mouthed.
And I just nodded just to give him assurance that I am fine.
Hindi niya alam. Hindi nila alam na si Lexus Matthew Carson ang ikinwento ko sakanila. Hindi nila alam na si Matthew ang ex na kinukwento ko sakanila.
Nag-angat ako ng tingin at ganon na lamang ang panghihina ko ng nakita ko ang madilim na awrang bumabalot sa mukha ni Matthew habang nakatingin sa magkahawak na kamay namin ni Luis.
Wala sa sariling inagaw ko bigla ang kamay ko kay Luis saka ipinasok sa pocket ng pants na suot ko.
"Fuck" mahinang mura ko saka yumuko na lamang.
YOU ARE READING
Loving You Back
RandomAleshiya Nicole David is an independent woman. She's already 20 years old. Before, she's a happy-go-lucky person, approachable, and kind but after the tragedy and nightmares came to Aleshiya's life, she became distant and cold to every person she's...