CHAPTER 5SUMALUBONG sa akin ang malakas na hangin at ang tunog ng hampas ng dagat. Malaki ang ngiti ko habang nakapikit habang pinapakinggan ang kalmadong hampas ng dagat.
"Pasensya kana Senyorita kung naistorbo ka ni Peter." mahinang saad ni Aling Patricia.
Mabilis akong umiling. "Hindi po. Actually po, tulad din po ng gusto ninyo para kay Peter na sulitin ang bakasyon nagpl-plano din po ako, kaso hindi ko po alam kung paano ko susulitin ang bakasyon ko..." kasi ang gusto ko lang naman ay makasama si Kyle. Pero mukhang ayaw ng tadhana.
"Magpapasalamat pa nga ako sa inyo at kay Peter dahil napasama po ako dito sa plano ninyo."
Mahinang tumawa si Aling Patricia. "Kami nga ang magpapasalamat dahil pumayag kang sumama sa amin, Senyorita."
"Aling Patricia wag na po ninyo akong tawaging Senyorita dito. Nasa labas na po tayo ng hacienda."
Tumawa ang ginang dahil sa sinasabi at bumalik ang atensyon sa paglabas ng gamit na nilalagay sa lamesang gawa sa kawayan. Mula sa cottage nagtanaw ko si Peter at Ama niyang si Mang Joel.
"Senyorita ka parin kahit sa labas ng hacienda, 'nak. Mabuti at pumawag si Senyorito Xandro."
Bumaling ang tingin ko dito na ngayon ay nakangiti lang itong nakatitig sa'kin.
"Himala nga po. Pero kayo po ata ang naging dahilan bakit po ako mas napasama dito, dahil alam po ni Kuya na mabubuting tao po kayo."
"Walang taong hindi mabuti sa taong mas mabuti pa sa inyo, Senyorita. Ang pamilya ninyo ang pinakamabuti na kilala namin Senyorita, kaya sino kami para hindi suklian ng kabutihan 'yon. Nakakalungkot lang sa nangyari kay Senyorita Beatrice at Senyorito Alasdair."
Isang malakas na hangin ang yumakap sa'kin. Napaiwas ako ng tingin kay Aling Patricia nang makita ko pagsisi ng mga mata nito. Alam kong hindi niya sinasadyang masambit 'yon.
"Patawad Senyorita hindi ko sinasadyang--"
"Okay lang po. Matagal na po yung nangyari."
Pero hanggang sa amin ay parang kahapon lang nangyari 'yon. Isang trahedyang hindi makakalimutan namin.
Nabasag ang saglit na katahimikan namin nang pagdating ni Peter at si Mang Joel sa cottage. Nagpaalam na muna ang kay Peter na pumunta sa comfort room para magpalit ng pamalit na pagligo.
Sakto sa pagpasok ko sa comfort room ay pagtunog ng phone ko. Sinulyapan ko ang sarili sa salamin bago yumuko para kunin ang phone sa dalang bag.
My forehead creased when I saw Kyle's name on my phone screen. Another text galing uli sa'kanya kaya napaisip ko bigla.
Titignan ko ba ang text niya o hindi? Napakagat ako sa ibabang labi at napabuntong hininga. Hindi naman siguro siya magagalit kung hindi ako makaka-text pabalik sa'kanya. At hindi naman siguro masama kong basahin ko lang ang text niya, right?
Humugot ako ng malalim na hininga bago tignan ang text niya.
From: Kyle
Mag-enjoy ka d'yan, Senyorita!
From: Kyle
Wag kang masyadong pumunta sa malalim, Alexa.
Bigla akong natigilan sa nabasa. Paano niya nalaman? Gusto kong mag-text at i-tanong sa'kanya kung paano niya nalaman pero pinipigilan ko ang sarili.
Ilang minuto kong tinitigan ang screen ng phone ko bago ko in-off at pinasok sa bag ko. Umiiling nalang ako bago napag-isipan na magbihis. Lumabas ako sa comfort na may suot na white short shorts at black swimmers shirts.
BINABASA MO ANG
Loving A Star (Montenegro Series # 2)
RomanceThomas Kyle Montenegro has a dream to become a singer. He's just a poor boy wishing to be a star. But he didn't stop from dreaming because of his supportive girl bestfriend name Alexandra Gail Del Vega a girl who has a secret feelings for him. A gi...