Keith Yvez's Point of View"Sakit ng ulo ko," Atungal ni Paolo ang narinig ko pagpasok ko palang ng store, tinignan ko naman siya at nakitang seryoso ito na masama talaga ang pakiramdam niya.
I went to our room where our things are located, kinuha ko naman ang lalagyanan ng mga gamot ko. Bakit ako meron nito? Nasanay na ako dahil sa pag aalaga ko kay Lola, nilalagay ko nalang kase sa iisang lalagyanan ang gamot niya para hindi na ako hirap na kalkalin kung saan man ako hanapin. Mabuti nalang lagi ko itong dala, mahirap na at baka magkasakit ako bigla. Hindi pa pwede ngayon, hindi pwede bukas at sa susunod na araw. Hindi pwede. Ako lang inaasahan ni Lola.
Kumuha naman ako ng gamot sa sakit ng ulo at lumabas na para ibigay agad kay Paolo. Kinalbit ko naman siya at binigay sa kaniya, he smiled a bit and thank me. Ininom niya naman agad kahit walang tubig, nakangiwi ko nalang siyang tinignan.
"Huwag ka muna kaya magtrabaho ngayon? Baka mapagalitan ka ni Maam, sige ka." Pananakot ko at sinimulan na ayusin ang mga bagong luto na tinapay para ilagay sa estante na nasa gilid. Kahit ako natatakam sa trabahong pinasok ko, pero eto na talaga gusto ko eh. Galante naman boss namin, binibigyan pa kami ng consideration bilang working student. Mabuti nalang at dito ako dinala ng hangin.
He scoffed and shake his head. Tinulungan niya pa ako pero hindi talaga pwede na may sakit na nagtrtrabaho dahil pagkain ang nakapalibot sa amin, pinalo ko ang kamay niya.
"Paolo, makinig ka nga. Pagkain 'to oh, hindi ka naman tanga para ikalat sakit mo diba?" I scolded him. Hindi na inisip kung nasaktan siya dahil sa sakit ko magsalita.
He groaned. "Hindi nga ako magkakasakit, uminom na ako!"
Umiiling iling naman akong binaling ang atensyon ko sa ginagawa. "Ah bahala ka, kapag hindi ka pa umuwi ngayon, sasabihin ko agad kay Maam 'to," I said with finality and shook my head in disappointment. Hindi naman talaga pwede, mas okay na ang sigurado at nagiingat.
"Fine! Uuwi muna ako, babalik ako bukas!" Aniya at tumalikod sa akin. I shake my head once again and let him do what he wants. Matagal na kami magkaibigan ni Paolo, simula pumasok kami pareho dito sa bakeshop. Wala rin siyang araw na hindi ako inaasar sa mga babaeng nakikita niya na bibili dito, harap harapan ba naman ako nirereto. Ako napapahiya sa mokong na 'to.
***
"Good morning, Maam!"
Bumaling naman ako sa pintuan habang hinahanda ang pagkain na binili ni Paolo bago siya umuwi. Nakita ko naman na nasa pintuan ito habang hawak hawak ang pintuan para papasukin ang customer. May pumasok na babaeng kulot kulot ang buhok, nginitian pa nito si Paolo bago nilibot ang tingin sa loob. Nasakto pa na kumanta ang beautiful angel ni bazzi nang dahan dahan itong pumasok. Bakit feeling ko nag slow mo ang paligid? Hindi ko maalis tingin ko. Parang ayaw ko pumikit, tila mahalaga ang bawat oras na tumatakbo. Nangingibabaw ang amoy ng tinapay, pero nakakahalina ang kaniya.
She's wearing white t-shirt with jumper shorts and white shoes. Ang itim at alon alon nitong buhok ay maayos na nakalagay sa likod nito habang tumitingin siya ng mga tinapay na nasa estante. Dali dali naman tinulungan ni Aica; ang isa sa mga kasama namin dito para tulungan siya mamili. Parang bata itong nanlalaki ang mata, bahagyang nakaawang ang bibig at tipid na ngumingiti dahil sa nakikita.
Bukod sa umaalon niyang buhok ang napansin ko. Kapansin pansin din ang freckles nito sa mukha, parang natural na talaga sa kaniya ang kaputian ng balat niya. Maliit ang mukha nito, may katamtamang pula ang labi at ang mga mata nito ay parang nangungusap at namumungay. Isang tingin pa lang, parang nakakita ka ng diwata na lakas makakuha ng atensyon. She looks pure and innocent.
Para siyang natutuwa sa nakikita niya, ang cute. Tuluyan na ako napatigil sa pagtingin nang makita ko si Paolo na may ngisi sa labi at naka arko pa ang kilay dahil sa ginagawa ko. Pairap kong iniwas ang tingin sa kaniya at padarag na binigay ang binili niya sa braso niyang nakatuko sa harapan ko kung saan ako naka assign ngayon bilang cashier.
"Ang ganda no?" He said with an amused smile plastered on his face. Tila nang aasar pero halata na nanghihina naman ito, nakakairita pa rin 'to kahit may sakit.
"Umuwi ka na, magpagaling ka-"
His eyes widen a bit but he managed to put a malicious smile on his lips. "Grabe ka naman mag care bossing!"
Nakakairita 'to. "Pakialam ko sa'yo, may pake ako sa customer hindi sa'yo. Umuwi ka na nga, makahawa ka pa!" Umiling iling pa ako at tinulak na siya para paalisin. Bahagya pa 'tong natatawa pero nginisian nalang ako bago tinuro ang babae sa gilid at lumabas na ng pintuan. Sayang, hindi ko man lang napakyuhan saglit.
Saka ko lang napansin na nasa harapan ko na siya kaya kinuha ko na ang binili niya at binalot sa paper bag, napasulyap ako saglit at nakitang nagtitingin pa ito ng iba habang magkahawak ang dalawa niyang kamay sa likuran niya. Ano kaya pangalan niya? I shoved my thoughts right away, trabaho atupagin mo Keith. Hindi kung ano ano.
"200 maam."
She nodded and kinuha ang pera sa wallet na hawak niya kanina pa. Pati wallet niya, crochet made pa. Kulay pink din at mukhang strawberry. Hindi ko na napansin masyado ang keychain nito pero ang isa sa nahagip ng mata ko ay 'yung bagel na keychain. Ang cute.
"Keep the change po, thank you!" Mahinhin na sabi niya sabay kuha ng paper bag at dali daling umalis. Hindi ko na tuluyan naibigay ang sukli niya na dapat ibibigay ko kahit sinabi niya na keep the change.
"Ilagay mo nalang dito, Keith. Madalas niya nilalagay sa donation box 'yung sukli niya!" Singit ni Aica nang makita na hawak ko pa rin ang sukli niya sa 500, ang laki naman ng binigay niya..
Nag alangan naman ako ilagay pero nilagay ko pa rin sa donation box na nilagay dito ni Maam Maven para sa mga Aita at mga bata na ulila na nasa bahay ampunan malapit lang dito sa lugar namin. Hindi ko alam na nag lalagay siya dito, minsan ko lang kase siya mapansin dahil hindi naman ako morning shift lagi. Uh, that's nice.
Her personality is consistent over the months. She's the most down-to-earth, kind, and gentle woman I ever knew. That was my first impression of her.
Her parents must be proud of their daughter.
★ ☆
YOU ARE READING
something about love
Novela Juvenil♡! ✧ an epistolary novel francine barbara & keith yvez