CHAPTER 2: SECTION SELECTION

47 18 2
                                    

[SKYLAR]

"GIRLS, COME ON. GISING NAAAA!!!"

Malakas na sigaw ni Aqui na agad namang gumising ng diwa ko.

"Gosh, Aqui! 6:20 A.M pa lang, oh! 8:00 A.M pa 'yung start!" Naiiritang sabi ni Kia habang nag-uunat.

"Ngayong araw malalaman kung saang section tayo. We need to be early!" Sabi ni Aqui.

"Kailangan natin ng tamang pahinga para mamaya. Sana ginising mo na lang kami ng 6:30-"

"Shut up na, Kia. Bumangon ka na lang d'yan. Tutal ang agad mo din naman natulog kagabi." Pagputol ni Aqui sa sinasabi ni Kia.

Napa-irap naman si Kia. Ang cute nila mag-away, haha.

"Arat na, Sky. Baka makatulog ulit ako, BWAHAHA." Natatawang sabi ni Ivy. 'Pag 'di kasi 'yan bumangon kahit gising na s'ya, makakatulog ulit s'ya hangga't nasa kama pa s'ya.

7:00 A.M, nakaligo, nakabihis, nakapag-toothbrush at naka-ayos na 'yung mga gamit namin. Almusal na lang kulang. Sabi ni Aqui, sa canteen daw kami kakain ng almusal. Actually gutom na gutom na talaga kami kasi nga ang aga-aga kaming ginising ni Aqui, kaya nagmamadali kaming pumunta sa canteen.

Ang cute ng uniform ng school na 'to. Dark blue 'yung coat, white 'yung blouse, ta's light blue stripes necktie for girls and dark blue skirt. 'Yung socks naman ay light gray ta's may dark blue line sa may itaas, 'yung sapatos naman ay black shoes.

Pagkadating namin sa canteen, akala ko uupo kami du'n sa pinakamalapit na upuan sa entrance

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Pagkadating namin sa canteen, akala ko uupo kami du'n sa pinakamalapit na upuan sa entrance. Infairness, malaki 'yung canteen nila, kaysa canteen sa normal schools.

Di ko alam kung sino o ano 'yung hinahanap nila Aqui at Kia, pero isang minuto ang nakalipas nang may lumapit sa amin na lalaki.

"Huy, Aqui. Andu'n lang kami, oh!" Sabi nung lalaki sabay turo du'n sa tatlong lalaki na naka-upo sa isang table.

"Malay ko ba. Edi sana kanina pa kayo lumapit." Naiiritang sabi ni Aqui.

"Tara na." Maiksing sabi ni Kia.

OMG, ang cute din ng school uniform ng boys. Dark blue din 'yung coat, white polo and dark blue with light blue stripes and dark blue pants, ta's black shoes.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Star AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon