Chapter 4

10 1 0
                                    

Chapter 4

Ellie's Point of View

"Our training will last for a month, where each day we'll have tasks, and our only rest day will be Sunday. Each day, we'll do two hours of regular body exercise, five hours of training, and two hours of meetings with the head scientists who will guide us, and give us all the information, piece by piece, about our mission. The rest of our time will be our free time to take a rest or sleep."

Nakahilera kaming apat sa sofa habang nasa harapan naman namin si Jacques. Ayon kay Dra. Van Halen, si Jacques daw ang magiging 'leader' ng grupo namin dahil siya ang pinakaunang agent na napunta sa pangangalaga ng center lab. Hindi naman kataka-taka dahil mag-nanay silang dalawa at baka noon pa lang ay talagang alam na ng center lab na isa si Jacques sa mga gaya namin.

"Nice, nine hours of work everyday," bulong ni Sage. Sinulyapan ko naman siya at nginitian niya lang ako.

"We will be starting our first day tomorrow, so for now, you can take a rest and save up all your energy for tomorrow's activities. That will be all for now, you're all dismissed." Dugtong muli ni Jacques.

"Thanks, Jac." Unang tumayo si Maxene at nginitian pa si Jacques na tanging pagtango lang ang isinagot sa kaniya.

Ang weird naman ng babaeng 'to. Parang ang sungit niya pagdating sa amin pero kay Jacques ay mukha siyang maamong tupa.

"Ellie, can I help you with your baggages?" Napalingon ako sa nagsalita. Si Matteo. Mabilis ko naman siyang nginitian at tumango.

"Alam mo ba kung nasaan ang kwarto ko?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya at binuhat na ang maleta at small bag ko na parang papel lang ang bitbit niya.

Samantala hirap na hirap ako sa paghatak niyan kanina dahil ang bigat. Buti na nga lang at 'yung agent na naghatid sa akin ang nagbitbit ng mga 'yan bago kami makarating dito.

"Sama ako sa inyo," sabat ni Sage at inakbayan ako. Tinanguhan ko rin siya.

Bago kami makaalis sa sala ay napatingin pa ako sa naiwang tao roon. Nakasandal siya sa cabinet habang magka-krus ang mga braso at seryosong nakatingin sa amin.

Bahagya naman niya akong tinaasan ng kilay pero iwinaksi ko na lamang ang tingin ko sa kaniya dahil tinawag din ako ni Matteo.

"Thank you," matipid kong sambit nang makarating na kami sa kwarto ko. Ibinaba naman ni Matteo ang mga bagahe ko.

"No problem! Be comfortable with us, Ellie. We want to be your friend," ngiting tugon ni Matteo. Nginitian nila akong dalawa ni Sage.

Mukhang silang dalawa lang ang magiging kaibigan ko rito. Pero okay na ako roon.

"Iwan ka muna namin, hmm? Para maayos mo muna 'yung mga gamit mo. Pero bumaba ka mamaya, sabay tayong mag-dinner," dagdag naman ni Sage. Tinanguhan ko naman silang dalawa at nagngitian pa kami bago ko sila panooring magtungo sa kani-kanilang mga kwarto.

Isinara ko naman na ang pinto ng kwarto ko at naupo sa kama.

Sinulyapan ko ang kwarto ko. Hindi siya kalakihan pero hindi rin ganoon kaliit. Sa magkabilang parte ng puting kama ay may bed side table at cabinet. Sa tabi naman ng bed side table ay naroon ang malaking bintana kung saan tanaw ko ang labas ng gusali.

Ang ganda rito. Hindi ko maiwasang manibago. Napakalayo kasi ng hitsura nito sa lugar na kinalakhan ko. Medyo nami-miss ko tuloy ang bahay namin.

Okay lang kaya sina Mommy roon?

Nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit ko. Inilagay ko ang mga damit ko sa cabinet at isinalansan ko rin ang iba ko pang mga gamit sa vanity table.

Nang matapos ay nag-vacuum din muna ako ng sahig. May sariling banyo ang kwarto ko kaya naligo muna ako at nang matapos ako ay nagpasya akong tumayo sa harap ng bintana habang nagpapatuyo ng buhok.

Beyond The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon