Chapter 3

18 3 0
                                    

Chapter 3

Ellie's Point of View

Ilang saglit pa ay nakarating na ang sasakyan nila Mom sa kinalulugaran ko ngayon. Mabilis silang lumabas sa kotse at agad na napatakip si Mom sa bibig niya nang madatnan ang hitsura ko.

Naramdaman naman agad ng lalaking nakahuli sa akin ang pagdating nila Mom kung kaya't agad din siyang umayos sa pagkakatayo. Hinatak niya ako at nananatili ang mahigpit niyang pagkakahawak sa mga braso ko bago niya ako hinarap kina Mommy.

"Bitiwan mo ang anak ko!—"

Susugod na sana si Dad sa lalaking nakahawak sa akin ngunit saktong dumating ang limang sasakyang humahabol sa kanila kanina.

Mabilis ang reflexes ng lalaking 'to at nang makalapit si Dad sa kaniya para ambahan siya ng suntok ay nasapo niya agad ang kamay ni Dad at pinigilan ito sa ere.

Hindi naman nakapalag si Dad dahil halos sampung baril ang mabilis na tumutok sa kaniya. Napasigaw naman si Mom sa nakita niya.

Sampung mga Aetherium's security agents kasi ang lumabas sa sasakyan at natagpuan ang mga pangyayari. Alerto nila kaming pinalibutan upang wala nang makatakas pa.

Mariin na lamang akong napapikit.

"Orion!" Narinig kong pagtawag ni Mom kay Dad. Hindi naman na nakatiis si Mom at agad na nilapitan si Dad na nakikipagtagis ng tingin sa lalaking nakahawak sa akin.

Hinablot ni Mom si Dad at mabilis na itinaas ni Mom ang mga kamay niya. Si Dad naman ay halatang galit pa rin ngunit itinaas niya ang isa sa mga kamay niya at mabilis na niyakap ang nalilito nang si Calli gamit ang isa niya pang kamay.

"Mr. Williams, alam mo ba kung anong maaaring ipataw na kaso sa 'yo ng Aetherium matapos ng ginawa n'yo?" Tanong ng isa sa mga security agents na babae. Sa tingin ko ay isa siya sa may matataas na katungkulan.

"Hindi n'yo 'ko puwedeng kasuhan! Anak ko si Ellie, anak namin si Ellie at hindi n'yo siya puwedeng kunin sa amin!" Sigaw ni Dad. Pilit naman siyang pinakalma ni Mom.

Awang tinignan ko na lamang sila at kahit na pilitin kong igalaw ang mga braso ko ay mahigpit talaga ang pagkakahawak sa akin ng lalaking 'to. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit diretso pa rin ang tingin niya kay Dad na masama pa rin ang tingin sa kaniya.

"We understand what you feel, Mr. Williams. She is your daughter, but she is now one of our special subjects. But that doesn't mean that she'll be put in danger. You have to understand that she is one of the most important people inside this city, and she has to fulfill her mission." Pagsabat ng lalaking nakahawak sa akin.

Malalim na lamang akong napahinga.

Bakit ba isa pa ako sa mayroong ganitong abilidad?!

"Fulfill her mission?! Pero hindi naman pinili ng anak ko na magkaroon ng ganiyang misyon at kung—kung alam lang sana namin noon ay naprotektahan ko na sana ang anak ko laban sa inyo!"

Naghi-hysterical na si Dad sa galit at awang-awa na ako dahil hindi na rin alam ni Mom kung paano siya pakakalmahin.

"Mr. Williams, let's talk about this in private. We're causing a lot of trouble here right now." Muling sabat ng officer na babae.

"Ibigay n'yo sa amin ang anak namin para makaalis na kami at matapos na 'tong gulong 'to. Hinding-hindi ko hahayaang mapunta siya sa mga kamay n'yo!"

Muli kong pinilit na kumawala sa pagkakahawak sa akin ngunit bahagya niya akong hinatak at pinaharap sa kaniya. Ngayon naman ay kami ang nagtatagis ng tingin.

"Let me talk to my Dad." Iritable kong sambit ngunit wala man lang akong nabakas na kahit na anong emosyon sa mukha niya.

"You can talk to him." Maikli niyang sagot na siyang mas nagpaalab ng inis sa akin.

Beyond The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon