Chapter 6

10 2 2
                                    


Chapter 6

Third Person's Point Of View

Naging mabilis ang mga pangyayari nang magbukas ang gate ng tunnel. Agad na nakalabas doon ang sasakyan nina Jacques na siyang pinagmulan ng malakas na ingay na agad namang narinig ng mga corpsewalkers.

"Your speed, Jacques. They're coming!" Sigaw ng tao sa kabilang linya ng cognilink. Naging atentibo naman si Jacques at agad na pinaharurot ang sasakyan.

"Oh, God!"

Mabilis na tinanggal nina Ellie at Maxene ang tingin nila sa binoculars nang marinig ang sigaw ni Sage. Nanatili namang atentibo sina Matteo at Jacques sa pagmamaneho papunta sa ruta kung saan walang mga corpsewalkers.

"What happened?" Tanong ni Maxene habang nahahati ang atensyon niya sa pagtingin sa binocular at kay Sage na nakahawak sa bibig.

"They're coming... They're coming... It's so loud... I hear so many things," natatarantang wika ni Sage at napatakip sa tenga niya. Hinawakan naman siya ni Ellie sa magkabilang braso.

"Fuck, make it faster, Jacques! There's lots of them chasing us!" Sigaw naman ni Maxene. Nanatili namang seryoso ang tingin ni Jacques sa harapan habang mayroong mga pinipindot sa control board ng sasakyan.

"Kumalma ka, Sage. Huwag mo silang pakinggan, makakaalis din tayo rito," pangungumbinsi ni Ellie. Natataranta na rin siya at medyo nanginginig dahil hindi niya na rin alam kung ano ang dapat niyang gawin.

Malalim siyang humugot ng hininga at pinilit na pakalmahin ang sarili niya.

"Ellie, look for a passage where we can easily get onto. I can't find a way for us to escape this shit," pag-uutos ni Jacques na nananatili ang atensyon sa harap.

Hindi naman tumugon si Ellie at agad na tumingin sa paligid ng sasakyan. Mas magiging madali kasi sa kaniya ang paglinga sa paligid kaysa sumilip pa sa binoculars sa mga oras na 'to. Agad namang tumagos ang paningin niya sa labas ng sasakyan at inilibot ang tingin.

Mabilis na nagtaasan ang mga balahibo niya nang makita kung gaano karaming mga corpsewalkers ang humahabol sa kanila ngayon. Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ngunit pinilit niyang pakalmahin ang sarili.

Sa likod na bahagi nila ay halos ga-bundok na ng mga corpsewalkers ang humahabol sa kanila at kung hindi pa sila makakaalis agad ay posible silang matabunan nito at hindi na sila makaandar pa.

Sa magkabilang gilid naman ay parami na rin nang parami ang mga humahabol sa kanila at nakikita niyang sa kung saan-saang parte ito ng kawalan nanggagaling.

Ang paligid ng Aetherium ay mayroong malawak na espasyo kung saan maraming nagkalat na mga corpsewalkers. Sa hindi naman kalayuan ay mayroong kagubatan at malawak na mga daanan paalis ngunit napupuno ang mga ito ng mga corpsewalkers kung saan din ito nanggagaling.

Tumigil ang mga mata ni Ellie sa isang daanang medyo malayo sa kanila ngunit napansin niyang hindi 'yon pinagmumulan ng mga corpsewalkers.

"Lumiko ka sa kaliwa, 'yon lang 'yung daanang puwede nating labasan," nanginginig na sambit ni Ellie. Hindi naman din tumugon si Jacques at naghanda sa pagliko ng sasakyan nila.

Si Matteo naman ay abala sa paghahanda ng mga mounted guns at alertong pinakikiramdaman kung kailan nila dapat na gamitin ang mga baril.

"That will be the best way for us, wala akong masyadong naririnig na ingay sa daang 'yan," sabat naman ni Sage na ngayon ay kumalma na. Tinutukoy niya ang daan kung saan na patungo ang sasakyan nila.

"Pero hinahabol pa rin nila tayo, fuck! How can we escape?" Natatarantang tanong ni Matteo.

Gumamit siya ng bomba at nagsimulang paputukin ito sa mga corpsewalkers na nasa likod nila at humahabol, ngunit kahit na malakas ang naging pagsabog ay parang hindi pa rin ito nabawasan. Agad namang nagsalita si Maxene na atentibo pa rin sa pagsilip sa binoculars.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beyond The WallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon