PRO£OGUE - sweetheart, i hate my fucked up life

35.3K 351 72
                                        


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


✞ £ ✞


Minsan talaga, hindi mo mapipigilang sabihing tanginang buhay 'to. Kasi, tangina, bakit ba ganito ang buhay ko?


"I'm sorry, Mr. Salvador, Mrs. Salvador. Hindi na po kinakaya ng katawan niyo ang mga treatment. Wala na rin pong epekto ang mga gamot," nanlulumong saad ng doktor. "Pasensya na po pero, based sa result ng test sa inyo, you two only have at least a year to live."


Matapos ang sinabi ng doktor, walang nakapagsalita sa aming lahat na nandito sa kwarto ng aking mga magulang. Sa katahimikan, rinig maski ang hinga kaya nang huminga nang malalim ang Lolo ko ay narinig ko ito. Ang Lola ko naman na katabi nito ay yumuko sa kanyang mga kamay. Later, her sniffling filled our ears. Inakbayan siya ni Lolo at hinawakan nang mahigpit ang balikat nito.


I eyed my parents whose noses are behind oxygen tubes. Both of them had a small smile on their lips while their eyes never left their doctor. The poke in my heart stings as I stare at them.


I hate my fucked up life.


Soon, I watched as the realization dawned over my parents' face when they finally understood what the doctor has told them. At nang makita ko ang luhang pumatak sa mata ng aking ina, alam ko na ang kahihinatnan ng buhay ko.


Pinanood kong unti-unting balutin ng lungkot ang mukha ng aking ina na nakaupo sa kanyang hospital bed. Nabura na ang ngiti nito at ang mga mata niyang pula na sa puyat ay namulang lalo dahil sa luha.


Tumayo naman ang ama ko at nilapitan ang asawa. Nang makalapit, niyakap nila nang mahigpit ang isa't isa. The oxygen tubes on their nose got tangled on their embrace but they both seem to not care even though it's the only thing making them survive.


Pinanood ko sila habang nagbabadya ang sarili kong luha. Ang sakit na makitang ang mga magulang na minahal at inalagaan ako ay maaaring hindi ko na makasamang muli sa susunod na taon. At kung mamalasin mang lalo, baka bukas ay hindi ko na sila makitang humihinga.


Humigit ako ng malalim na hininga para ibsan ang mabigat na damdaming umakyat sa dibdib ko papunta sa aking lalamunan. Bukod sa hinagpis, may halong galit ang bigat na 'yun.


This is their fault to begin with. If they hadn't been addicted to smoking, they wouldn't get lung cancer. At pareho pa silang dinapuan ng sakit na wala namang gamot.

sweetheart, where's my reward?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon