Nang mataningan ang buhay ng mag-asawang umampon kay Lily Jane Salvador, nanganganib na itong mapatalsik sa pamilya nila. Para patuloy siyang kupkupin sa pamilya Salvador, isa lang ang hinihingi ng kanyang Lolo: Ang makagawa si LJ ng isang obra maes...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
✞ £ ✞
I stared at the book on my lap, flipping the page with my right hand while my left hand was busy playing with a small clay.
Pinadaan kong muli ang mata ko sa page at binasa ang bawat salitang naka-print. Kahit hindi naman dapat ngitian ang aking binabasa, hindi ko mapigilan ang aking labi. Naiintindihan ko naman ang mga nakasulat kaso kabisado ko na 'yun kaya lampas na ako sa "understanding phase". I'm reminiscing, making myself proud.
I shook my right hand so that the sleeves of my black graduation gown fold on its own before I held the corner of the page and flip it to the next. Medyo nagulo ang purple graduation stole ko kaya inayos ko ito bago ako nagpatuloy sa pagbabasa.
I shook my right foot that's dangling over my left leg. Lahat ng mga makakakita sa akin ay iisipin sigurong isa akong masayang bookworm na binabasa ang paborito niyang libro when in fact, I've never enjoyed reading a book before. Exception nalang siguro ang ngayon.
I nodded at the end of a sentence, finding it witty. Kaso, masyadong bias ang judgement ko. Natawa nalang ako sa aking sarili.
"So, today is your graduation."
Inangat ko ang aking tingin mula sa libro papunta sa matandang naglalakad papunta sa kabilang dulo ng hospital bench na aking inuupuan. Dumaan ito sa aking harap at patuloy ko lang siyang pinanood hanggang sa makaupo siya sa kabilang dulo.
Nakalagay sa katabi kong bench ang bag ko pero katabi ng bag ko ay bakante na. Ayaw talaga niyang umupo sa tabi ko dahil kahit ata sampu ang pagitan naming upuan na bakante, mas pipilian niya sa pinakamalayo sa akin.
Kaswal kong binalik ang tingin sa aking binabasa. I'm still aware of his presence. And from the side of my eyes, kita kong nilingon niya ako at pinanood ang aking ginagawang pagbabasa.
"Weren't you invited as a speaker, Mr. Salvador?" pormal kong tanong habang ang mata ay lumilibot sa libro. "There's always an alumni attending as a speaker every year. And usually, it's the great ones," I paused, turning to him, "and the old ones."
He stared. Nakita kong bumaba ang tingin niya sa suot kong graduation gown bago bumalik sa mata ko. "They probably called but I rejected the invitation because I'm busy."