£4 - sweetheart, i nominate them as suspects!

15.2K 163 34
                                        


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


✞ £ ✞


"Hi," bati ko sa lalaking nasa likod ng counter.


Inalis nito ang tingin sa computer na kaharap. Malalim ang kunot ng noo nito at halatang pagod at naiinis na.


"Ready na ang report for the Salvador case?" tanong ko.


Tinitigan niya ako nang matagal at tsaka lumipat ang tingin kay Ali na katabi ko.


"We'll look through it," saad ni Ali sa kasamahang lalaki rito sa Committee.


Malalim na hininga ang binuga ng lalaki bago inusad ang swivel chair niya at kinuha ang isang box sa likod niya. He went through the folders standing against each other in the box before pulling one.


Binuksan niya ang folder at binasa ang laman. "They're still looking at the lobby of the Painting Department."


Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? Anong Painting Department?"


Maging si Ali ay nagtaka kaya dinungaw niya ang folder na tinitignan ng lalaki. "Salvador." Tinuro niya ang nametag na nasa flap ng folder. "Hindi Salvacion."


Sumama ang tingin ng lalaki kay Ali dahil sa pagtatama nito. Lumalim lalo ang kunot ng noo niya habang binabalik ang folder at kinukuha ang tama.


"Sorry, we just have a lot of cases. We can't keep up," puno ng pagod at walang emosyong sabi ng lalaki.


"I can see that." Pinagmasdan ko ang pagod niyang mukha at ang magulo niyang itsura.


Kinuha ng lalaki ang isang folder tsaka ito binuksan. Nang makita ang unang page, inabot na nito ang folder sa akin.


"Thanks," pasasalamat ko bago kaming sabay na umalis doon ni Ali.


Dumeretso kami sa dorm ni Ali dahil nasa kanya ang kopya ng mga litrato pati ang mga nakuhang CCTV footages around the school. Mas malayo ang dorm ng Photography Department sa Committee office pero the walk under the path covered by trees of the campus was calming to the least.


Nang makarating sa dorm building ng Photography Department, gumamit kami ng elevator para marating ang dorm ni Ali na—gaya ng akin—ay nasa top floor. He's really talented to be offered the top-floor dorm despite only being a first year. Naaalala ko pa noong mag-offer ako na tulungan siyang maglipat bago mag-second semester.

sweetheart, where's my reward?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon