PROLOGUE:

15 3 0
                                    

WARNING: Language, Violence, etc.

Amelia Victoria's POV;

"Ang liit na bagay lang iyon! Bakit ang tindi mong magselos?!!"

Leon responded angrily as he threw an expensive vase near my direction. I quickly moved my legs to avoid getting hit by the blows from the broken vase, but it was too late when there, I saw the blackish red liquid dripping out of my knee. Blood, my own blood.

My eyes expanded to what I saw, heart rapidly beating as I witness how Leon throw and break things in front of me. I felt my being shivering as well as my hot tears escaping one by one from my two eyes.

Maliit na bagay?! Maliit na bagay na pala ngayon ang pagkandong ng isang babae sa lalaking may ka-relasyon na?!

Ang sakit na. Ang sakit sakit isipin na habang nag-aalala ako dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko ay may kinakandong na pala siyang ibang babae.

Ilang beses na niyang gawin sa sakin 'to! Hindi ko na siya matiis. Mahal ko siya pero ako nalang ang nagmamahal sa relasyon namin.

Nanginginig ang mga tuhod, at mahina akong bumangon. Kumapit ako sa pader na nasa aking likuran upang makatayo nang maayos. Hindi ko na kaya lahat ng pananakit niya sa akin. Sa dami ng mga tumatakbo sa isip ko ay malakas kong sinabunutan ang aking sarili, at malakas na napasigaw.

Sunod sunod na tumulo ang mga maiinit kong mga luha sa aking pagsigaw. Sa pagkakataong ito ko lang nailabas lahat ng aking pagdaramdam.

"Ano ba Leon? Bakit ako nalang lagi ang mali? Sumosobra ka na ah! Nakalimutan mo na bang may girlfriend ka?! Mukhang gustong gusto mo yung pagkandong sa'yo ng babae kanina ah?!"
nanginginig kong sabi, diniinan ang bawat salita dulot ng galit ko.

This is my first time yelling back at him. What I said caused a change in his expression. When he heard that I yelled back, his angry expression changed to surprise. He must have been taken aback by what I said because he did not expect me to yell back.

Dahan-dahan niyang hinakbang ang kanyang mga paa papunta palapit sa akin. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa, sa halip ay nanatili akong nakatayo at napahagulgol habang ang mga tingin ay nakabaling pa din Kay Leon. 

Walang anu-ano ay biglang nag-iba ang ekspresyon ni Leon, kasabay niyon ang biglang pagbalot ng mga kamay nito sa leeg ko at buong pwersa akong tinulak sa pader dahilan upang mabangga ang likod ko dito at napasigaw ako dulot ng sakit.

Halos malagutan ako ng hininga sa pagkakasakal niya sa akin.

"Sumasagot ka pa!" buong pwersa nitong sigaw.

Bumalik sa mukha nito ang galit na ekspresyon. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang handa na siyang pumatay ng tao. Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsakal sa akin. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak dahil sa pisikal na sakit, pagka-dismaya at takot.

"L-Leon, please forgive me," pabulong kong sambit, halos malagutan na ako ng hininga

I kicked him in the stomach, causing him to fall, and took advantage of the time to escape his penthouse. Despite my weakness, I still tried my best to escape. I don't care if I get bloody while walking, all that matters to me right now is that I can escape this hellish place, which I wish I had done before.

I ran into the elevator and quickly pressed the ground floor button. It took me a while to get to the ground floor because Leon's penthouse was on the 8th floor.

Wala nang katao-tao dito dahil madaling araw na, marahil ay tulog na ang mga nakatira dito. Mabuti na rin iyon nang makakatakbo ako ng malaya at nang walang nababangga. Pagod na pagod na ako kakatakbo pero hindi ako nagpadala sa antok at pagod. Sinikap kong makalabas ng building kahit paika-ika ako.

Pagkalabas ko ng building ay dumiretso ako kaagad ng parking lot para hanapin ang kotse ko at salamat naman at madali ko itong nahanap kahit pare-parehas lang ang hitsura ng mga sasakyan dito.

Good thing I still have my keys with me.

Patakbo akong nagtungo sa kulay pulang auto at dali-daling pumasok sa loob.

Habang nakaupo ako sa kotse, natigilan ako ng makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa bintana ng sasakyan, at bigla akong nabalot ng takot sa kung sino ang may gawa ng ingay na iyon.

Paano niya ako naabutan ng ganoong kabilis?

"Bubuksan mo 'to o papasabugin ko yang bungo mo?" mahinahong sabi niya at dahan-dahang tinutok sa bintana ang baril niya na hinahawakan niya nang mahigpit.

Kalmdo ang boses niya na may halong diin, halatang-halata na pinipigilan lang niya ang kanyang galit. Ilang sandali akong napatulala sa baril na hawak-hawak niya. Muli ay binalot ulit ako ng takot at hindi ko magalaw ang mga kamay upang magmaneho palayo. 

Ilang sandali pa, hinampas niya muli nang buong pwersa ang bintana ng sasakyan gamit ang dalawang kamay na nagsanhi na naman ng pagdulot ng nakakabinging ingay sa loob ng kotse.

Kailangan ko nang umalis bago pa niya masira ang sasakyan ko.

"Bumaba ka!" sigaw niya.

I knew it! Pinipigilan niya lang ang galit niya.

I didn't listen to him, instead I quickly started the car and drove away from the place. I hadn't gone far yet when I suddenly heard a gunshot so I screamed while driving. A few minutes later I heard another shot, but unlike earlier, the sound was closer to me. I looked at the rearview mirror when I saw Leon who I didn't realize was following me riding on his motorcycle and his scary expression was staring at me. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko na may halong takot at pangamba. Maya maya narinig ko ang nakakatakot na tawa niya sa likod.

"Amelia, malapit na ako," he said in a creepy tone followed with his demonic, creepy laugh.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at nanginginig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko muling tutulo din ang luha ko maya-maya. Nabalot na ng takot ang buong pagkatao ko. Magiging blangko pa ata ang utak ko sa sobrang pagka-panic.

Ilang metro na lang at maaabutan na niya ako!

Muli akong tumingin sa side mirror ng kotse ko, bukod kay Leon na ngumingiti na parang diablo sa likod ko ay nakita ko din ang aking sarili, pulang-pula, nanlolobo ang mga mata at nagkagulo-gulo ang buhok.

Gusto kong pindutin ang accelerator pedal. Pero nagsisimula na akong makaramdam ng pamamanhid sa paa ko dahilan upang hindi ko na ito maigagalaw pa.

Nawalan na ako ng pag-asa, hindi ko na maililigtas ang sarili ko sa lagay na 'to.

Ang hina ko naman.

Isang nakakabinging putok ng baril ang narinig ko kasunod ng pagkabasag ng kung anumang tinamaan nito. Malaki ang mga matang tumingin ako sa likod ng kotse ko, at sa nakita ko ay nanamlay ako. Nabasag ang salamin sa likod ng kotse ko.

Sa pangalawang beses ay muling nagpaputok si Leon. Dulot ng pagkabalisa ay hindi ko sinasadyang napaikot ang manibela dahilan umikot ang sasakyan hanggang sa malakas itong napabangga sa isang poste.

Pagkahilo, pananakit at pamamanhid ang ramdam ng buong katawan ko at hindi ko na maigalaw ang mga ito.

May naramdaman din akong mainit na likido na tumutulo Mula sa dulo ng aking ulo.

Dahil sa impact ng banggaan, kasalukuyang nabaligtad ang sasakyan ko at parang walang sinumang makakatulong sa akin sa kadahilanang wala akong nakikitang tao na pwede kong hingan ng tulong.

At sa tingin ko wala na rin si Leon. Iniwan na ako dito.

Para na din akong tinatawag ng kalikasan para matulog.

Kung ito na ang huling sandali ng buhay ko, gusto ko lang malaman mo Leon na ...

"M-mahal pa rin k-kita..." ang tanging mga salitang aking nabigkas bago ipikit ang mga mata at tuluyang lamunin ng kadiliman.

[Your votes, follow, and reads are very much appreciated^^]

THE GIRLS SERIES 1: A Trace Lost in Sight [ON-GOING]Where stories live. Discover now