Prologue

27 4 1
                                    

📌 Unedited, grammatical and typographical errors alert!

Buenavian Mansion
“Bakit nagawa mo ito sa ‘min, Aurora? Bakit mo kami niloko? Hindi ka na naawa sa kapatid mo. Hindi ka namin pinalaki ng ganyan!” Galit na galit na sigaw ni lolo kay Aurora. Tipong namumula-mula na ang mukha niya at halos kita na ang ilang ugat niya sa leeg.

“Halos mabaliw kami noon ng Mommy mo dahil sa pagkawala ng kapatid mo na ikaw lang pala ang may kagagawan!” Muling sigaw niya.

“Bakit naman ako maaawa, dad?” Sarkastikong tanong ni Aurora at tumayo siya na puno ng galit ang mga mata habang nakatingin ng diretso kay lolo. “Kayo nga hindi rin naaawa sa ‘kin noon at kahit kailan hindi niyo ko kinaawaan. At kung sasabihin ko man sa inyo ang dahilan kung bakit ko iyon nagawa, paniniwalaan niyo ba ko’t pakikinggan? Hindi naman ‘di ba? Kaya bakit ko pa sasagutin ‘yang tanong mo? Kasalanan niyo rin naman kung bakit ako naging ganito!”

“Kung may kasalanan kami sa ‘yo, hindi mo na sana dinamay pa ang kapatid mo. Napakabuti niya sa ‘yo para ganoon ang gawin at isukli mo, anak.” Lumuluhang sambit ni Lola at maging ako ay napaiyak na rin.

Isang nakalolokang halakhak ang pinakawalan ni Aurora at umalingaw-ngaw iyon sa buong private room.

“Hindi ako makapaniwalang magagawa mo ‘yon sa kapatid natin, ate,” madiing sambit ni Tito Manuel at bakas din sa boses nito ang galit. Ang mapupungay nitong mga mata ay ngayo’y binabalot ng labis na lungkot at galit.

“Niloko mo kaming lahat! Napakasama mo!” Sigaw naman ni Tito Andrew.

“Hindi ko ginagawa ang isang bagay kung wala itong naging malaking epekto sa buhay ko. Kasalanan niyo ang lahat!” Sumbat ni Aurora​ sa mga kapatid niya at mayamaya bigla na lang itong umiyak. “Saan ba napunta lahat ng atensyon niyo noon? ‘Di ba pati pagmamahal niyo napunta sa Alexandra na ‘yon hanggang sa parang nakalimutan niyo na nandito pa ako.”

Wala ni isa sa kanila ang nakaimik matapos magsalita ni Aurora. At nang muli kong tingnan ang asawa nito, mababakas sa mukha niya na nag-aalala siya para kay Aurora dahil walang sinumang tao ang gustong makitang umiiyak ang mga mahal nila sa buhay. Ramdam ko rin ang awa sa mga mata at kilos nito.

Kahit gusto ko mang kaawaan si Aurora at patawarin na siya pero hindi ko kaya dahil sa tuwing nakikita o naririnig ko ang pangalan niya, nanunumbalik sa isipan ko kung ano’ng mga sinabi sa ‘kin ni Papa noon. Kung ano iyong mga ginawa niya sa pamilya namin. Sobrang sakit. Tipong gustong-gusto ko siyang sampalin nang sampalin hanggang sa mawalan siya ng malay. Pero hindi pa naman ako ganiyan kasamang tao.

Muli akong napatingin sa gawi ni Aurora nang magsalita siya.

“Hindi niyo alam kung gaano ako nasaktan sa mga ginawa niyo maging sa mga pagkukulang niyo sa ‘kin nang mga panahong iyon. Kayo ang bumago sa dating ako kaya huwag niyo kong tanungin kung bakit ganito na lamang ang ugali ko ngayon. Pero ni minsan ba may narinig kayo mula sa ‘kin? Hindi ba wala?! Kasi mas pinili kong manahimik kaysa ang sabihin sa inyo kung anong nararamdaman ko.” Umiiyak niyang sabi at pinaupo naman siya ng asawa niya sa tabi nito bago siya inabutan ng tubig. Halos makalahati niya na ang isang baso ng tubig at nang mahimasmasan ay muli siyang nagsalita.

“Mas pinili kong tumahimik dahil ayokong masaktan ko kayo pero habang tumatagal hindi ko na kinakaya iyong pagtrato niyo sa ‘kin hanggang sa nagawa ko ang bagay na ‘yon sa pinakamamahal niyong anak – sa kapatid natin. But she deserves it!” She added and looked at me, tanging galit at sakit ang nakikita ko sa mga mata niya.

At bigla na lang nagsitaasan ang dugo ko sa huling sinabi niya. Hawak ko ang tiyan kong tumayo at nilapitan siya. Mabilis na dumapo sa mukha niya ang kamay ko na siyang pagkagulat ng lahat at pagtayo ng asawa niya.

The Life of Mine 2; Wo Ai Ni (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon