Chapter 1

4.7K 43 0
                                    

"Lumayas ka ditong malandi ka!" sigaw ng tiyahin ko.Kase naman nahuli nya akong nakikipag halikan kay Marco. At kahit na magpaliwanag man ako ay alam kong hindi sya maniniwala sakin.

Si Marco naman kase ang unang nanghalik at plinano nya pala yun para wala nang ibang manligaw sakin at pinicturan nya na naghahalikan kami kaya nakita ng tiyahin ko.

Malay ko ba kay Marco dahil hindi sa pagmamayabang tila may obsesyon siya sa akin.

Matagal ng patay ang mga magulang ko kaya mag-isa na lang ako sa buhay at sa bahay pa ng bruha kong tiyahin ako nakatira.

Alam ko naman sa simila pa lang na hindi talaga ako gusto ng tiyahin ko at kahit kailan ay hindi nya ako tinuring na kamag anak marahil wala naman siyang mapapala kapag naging mabait siya sa akin.

Nakakalungkot nga dahil sila lang dalawa ni nanay ang magkapatid pero hindi pa sila magkasundo ng namatay si nanay.

Nakita ko pang tumawa ng mahina ang anak nya na pinsan ko. Ayaw din sakin ng anak nya dahil palagi dawng ako ang nagugustuhan ng mga naging tipo nya kaya galit siya sa akin. Hindi ko naman ginusto na matipuhan eh at tsaka isa pa ay hindi ko naman tipo ang mga lalaking nagugustuhan niya.

"Paalam tiyang at salamat po sa pagpapatuloy nyo sakin dito sa bahay nyo at wag kayong mag-alala kase hindi nyo na po ako makikita."

Hindi ko na hinintay ang sabihin nila at lumabas na ng bahay dala dala ang mga gamit ko. Napagpasyahan kong tutuloy muna ako sa condo ng kaibigan kong si Niña at okay lang naman sya doon ng i-text ko siya para magpaalam.

Ng dumating na ako sa condo ni Niña at nag usap kami. Naintindihan nya ang sitwasyon ko kase matagal nya nang alam na bruha ang tiyahin ko kaya papatuluyin nya muna ako pamsamantala.

At naisipan ko na ding magpunta na lang sa Manila dahil mas maraming job opportunities doon at nandoon din ang best friend naming si Kim.

Actually kababata ko si Kim at si Niña pero naghiwalay kami ni Kim dahil nagpunta sya sa Manila kaya mas may alam sya sa manila at sabi nya pa ay marami daw ang job opportunities don.

May ipon naman ako sa pagtatrabaho ko sa isang restaurant kaya tama nato para makapunta doon at makikituloy na lang din muna sa condo ng best friend ko habang naghahanap ng trabaho.

"Kemi mag ingat ka doon ha at ikamusta mo na lang ako kay Kim pag nakaabot kana." ani Niña sakin habang hawak ang kamay ko."Isa pa pala" aniya at may kinuha sa bulsa nya at inilagay iyon sa kamay ko.

"Idagdag mo to para may pang gastos ka pa manila" akmang ibabalik ko na sana sakanya ng ipasok nya ang pera sa bulsa ko.

"Wag kanang tumangi Kemi dahil kailangan mo yan" sabi pa ni Niña at niyakap ko sya ng mahigpit.

"Salamat talaga Niña. Hindi ko alam ang gagawin pag wala ka sa tabi ko" naiiyak na sambit ko pa sakanya.

Kung wala pa talaga ang mga kaibigan ko ay baka sa kalye na ako pupulutin ngayon. Nakakalungkot talaga ang buhay. Ang unfair talaga ng mundo.

"Wag kang mag alala dahil susunod naman ako sayo dun kapag summer break na sa school" tumago naman ako.

"Ayusin mo na ang mga gamit mo kase maaga ka pa bukas Kemi" aniya at tumango nalang ako at nagsimula nang iayos ang mga gamit ko para sa byahe bukas.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now