Chapter 28

1.3K 21 0
                                    

Ngayon ang araw na pinakahihintay namin ni Hendrix. Kase ngayong araw na to ay magiging Mrs. Elizalde na ako.

Magiging asawa ko na ang lalaking mahal ko at ang lalaking minsan ko nang naging boss noon.

"Ang ganda mo ate Akemi" puri sakin ni Andrea.

Tinignan ko ang mukha ko sa salamin at nakita kong bumagay nga sa akin ang shade ng makeup na inilagay nya sakin.

Hindi naman ito gaano kakapal pero mas lalo nga akong naging maganda sa makeup ko tapos ang buhok ko naman ay inilugay lang tapos may style naman.

Ang ganda ko!

Si Andrea kase ang nag makeup sa akin at nag ayos sa buhok ko since professional naman sya sa mga ganitong bagay dahil nga model din sya. Maganda rin iyon para mag bonding kaming dalawa.

"Salamat talaga ah" pagpapasalamat ko.

"Sus wala yun ate tsaka lalabas muna ako ah. Pupuntahan ko muna mga anak mo at maglalaro kami hehe" aniya at humagikhik tsaka lumabas na.

Mukhang na s-spoiled na sina Kemineah at Drixon kay Andrea kase nga binibili nya lahat ng gusto nila tapos kapag pinapagalitan ko ay parang magsusumbong kay Andrea.

Tumayo ako sa pagkakaupo at humarap sa malaking salamin at pinasadahann ng tingin ang suot kong white fitted gown.

Hindi pa naman ganoon kalaki ang tyan ko kaya hindi pa masyadong visible ang baby bump ko pwera na lang kung lalapitan.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok si mama at malaki ang ngiti nito sakin.

"You're so beautiful. I'm so honored to be your mother in law" aniya.

"Hindi po ma, ako nga po ang swerte sa inyo eh .Ang bait nyo po sa akin" sabi ko naman na nagpalawak pa ng ngiti nya.

"Let's go?" aniya at tumango nalang ako.

""Do you Akemi take Hendrix to be your lawfully wedded husband and vow to love him forever, in sickness and in health, till death do you part?"

"I do" naluluha kong sagot.

"Do you Hendrix take Akemi to be your lawfully wedded wife and vow to love him forever , in sickness and in health, till death do you part?"

"I do" sagot naman ni Hendrix.

Nang matapos na ang ceremonya ay pumunta na kami sa mamahaling hotel kung saan gaganapin ang reception.

Marami ang nag congratulate sa amin pati na rin ang mga best friends ko. Pinilit talaga nila na makapunta kahit tight daw ang schedule nila kase nga sila ang bridesmaid ko.

Nakakapagod ding mag entertain ng mga bisita kaya napagpasyahan ko nalang umupo muna sa gilid at pinagmamasdan ang mga bisita.

Nanlaki ang mga mata ko ng makitang nakangiti sa akin si tiyang habang nasa gilid nya naman ang anak nya.

Inimbitahan ko kase sila para pumunta dito at ipinasundo ko sila. Hindi ko kase kayang maging totally happy habang hindi kami nagkakaayos ng tiyahin ko at sa anak nya.

Kahit naman masama ang trato sakin ng tiyahin ko ay minsan mabait naman sya at tsaka pinatira nya pa ako sa bahay nya at pinakain.

Tsaka kahit bali-baliktarin man natin ang mundo, ay pamilya ko sila kaya kahit ganoon sila ay mahal ko pa din sila.

Tumayo ako at lumapit sakanila at nakasunod lang naman sakin si Hendrix.

"Kumusta ka na Akemi" bati sakin ni tiya. Nagmano muna ako at tinignan naman si Hendrix para sumunod sya at nagmano.

"Okay lang naman po. Kayo kumusta po?" tanong ko.

Yumuko sila at nag iwas ng tingin. Kahit hindi nila sabihin ay alam kong nahihiya sila sakin dahil sa pagtrato nila sakin noon. Gusto kong kalimutan na lang ang mga nangyari noon at gumawa ng mga bagong alaala.

"Upo muna tayo at ipagpapahanda ko kayo ng makakain" sabi ko at inutusan ang waiter na magdala ng pagkain.

"Akemi patawarin mo ako sa pagtrato ko sayo" paghingi ng tawad ni tiya.

Ngumiti naman ako ng malapad tsaka hinawakan ang kamay nya.

"Napatawad ko na po kayo tiyang kaya kalimutan nyo na po yung nakaraan at magsimula tayo ng bago" sabi ko.

"Ate patawarin mo talaga ako" bigla namang sambit ni Kiesha.

"Wala yun tsaka okay na ako. Kumain na kayo at alam kong pagod po kayo sa byahe nyo" sabi ko.

Nag usap lang kaming lahat at nagkaayos din naman kami. Pinakilala ko pa si Hendrix sa kanila. Natawa nga ako ng binalaan ni tiyang si Hendrix na kapag daw lolokohin nya ako ay papatayin sya ni tiyang.

Nang lumalalim na ang gabi ay nagsiuwian na ang ibang mga bisita pero ang iba naman ay hindi pa at nag v-videoke pa at nag-iinuman.

Kanina pa gustong umalis at pumasok sa kwarto ni Hendrix kase gusto nyang magka alone time daw kaming dalawa pero nahihiya naman akong iwan yung mga bisita.

"Let's go. I really need you now wife" bulong nya sakin.

"Oo na pero magpaalam muna tayo" sabi ko at nagpaalam na kami sa mga bisita na papasok na kami.

Sabi pa nya na pagod na daw ako pero hindi naman iyon ang dahilan eh. Galing talaga nito magsinungaling.

Iniwan ko sina Kemineah at Dixon kina mama at tiyang.

Nang makapasok na kami ay marahan nya akong isinandal sa pader at hinalikan.

To be continued...
Thanks for reading.

A/n:Yeyy malapit na tayong matapos sa story at ilang chapters nalang.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now