Chapter 24

1.4K 23 0
                                    

Nimulat ko ang mga mata ko at tumambad sa akin ang puting dingding at alam kong nasa hospital ako ngayon dahil sa tunog ng monitor.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ino na may dalang pagkain. Ngimiti ito sakin at lumapit tsaka inilapag ang pagkain sa bedside table.

"Good morning" bati nya.

"Nasan si Hendrix?" nag aalalang tanong ko.

Hindi ko pa nakikita si Hendrix mula noong nakalabas kami kung saan ako dinukot ni Marco. Nag-aalala ako dahil iniwan namin siya don.

"I'm sorry but" aniya at para akong nanghina sa narinig ko. Hindi maaari.

Sabi nya pa sa akin kahapon na makakauwi sya ng safe.

Hindi ko kakayanin kung mawala sya sakin. Hinding hindi ko kayang hindi sya makita araw araw.

"H-he did'nt make it out alive" sabi nya at tsaka marahang yumuko.

Parang tumigil ang paghinga ko sa sinabi nya. Buhay pa si Hendrix. Alam kong buhay pa sya.
Hinding hindi ko matatanggap pang mamatay siya.

Sana bangugungot lang lahat ng ito o di kaya ay panaginip lang. Parang kahapon lang ay ang saya namin tapos ito ngayon ang nangyayari.

"Nasa morgue sya ngayon. We're going there but first you need to eat" aniya.

Umiiyak na ako ng malakas.

Kahit gusto kong pigilan ang sarili ko na humikbi ng malakas ay hindi ko mapigilan dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Don't cry too much cause it's bad for the baby" aniya.

Pilit kong pinapa tahan ang sarili ko dahil alam kong makakasama nga ang pag-iyak sa bata na dinadala ko.

Iniwan na ako ni Ino sa loob ng kwarto at tinuloy ko lang ang aking pagkain kahit wala akong gana na kainin ang pagkain.

Nagbihis ako pagkatapos kong kumain at sinuot lang ang simpleng white dress na binili ni Ino.

Habang papalapit kami sa kung nasaan man si Hendrix ay mas nanginginig pa ako at baka ano mang oras ay mag collapse ako. Hindi ko kaya.

"Let's go" ani Ino at tumango naman ako kaya dahan dahan nyang binuksan ang pinto kung nasaan nasa loob si Hendrix.

Tumambad sa amin ang katawan ni Hendrix na tinabunan ng puting kumot. Naglandas na naman ang luha sa mga mata ko at mas lalo pang nanginig.

Binalingan ko muna ng tingin si Ino at inilahad naman nito ang kamay para palapitin ako kay Hendrix.

Dahan dahan kaming lumapit at bumuntong hininga muna ako bago dahan dahang inialis ang puting kumot sa mukha nya.

Napaupo ako sa sahig at walang habas at tigil na umiiyak sa nakita. Bakit ang aga nyang kinuha ng panginoon sa akin?

Inalo naman ako ni Ino tsaka hinagod ang likod ko para pakalmahin.

Sinabi ko sa sarili ko kanina na kung ano man ang makita ko ngayon ay hindi ako iiyak kahit para nalang sa mga anak namin at sa nasa sinapupunan ko.

Hindi ko kayang harapin ang mga anak ko at sabihin ang nangyari.

Kahit kakakita palang nila sa ama nila ay tila ba hindi iyon hadlang para mahalin nila ang ama nila.

Hindi ko alam ang sasabihin ko kapag hinanap nila ang ama nila. Hindi ko na kakayanin to.

Habang umiiyak pa din ako ay bigla nalang tumigil si Ino sa paghagod sa likod ko tsaka ito tumayo at nagtungo sa pinto.

"Iwan na muna kita mag isa" aniya at sinarado ang pinto.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now