Chapter 22

1.6K 24 2
                                    

Pupunta ako ngayon sa mall mag isa kase hindi makakasama sa akin si Hendrix ngayon at nasa school naman si Kemineah habang nagpapahinga pa si Drixon.

Nagsuot lang ako ng simpleng white dress na hanggang tuhod ang haba with matching white doll shoes.

Nagpaalam na ako kay Drixon at hinabilin muna sya sa isa sa mga maid na nihire ni Hendrix para sa bahay.

Sinabi ko naman na sa kaniya na wag na lang mag abala pang kumuha ng maid kase aalis din naman kami dito kalaunan at sasama sakanya. At tsaka dagdag gastos lang iyon.

Aniya gusto niya dawng punan ang mga panahon na wala sya sa tabi ko at ng mga anak namin which is na appreciate ko.

"Alis na tayo manong" yaya ko kay manong.

Sya ang inatasan ni Hendrix ba ihatid ako at bantayan daw. Dapat daw kase doble ingat ako lalo na at buntis pa naman ako.

Napaka overprotective nya at kinikilig naman ako dahil doon. Sana palagi syang ganito at palagi kaming maging masaya.

Ng maayos ko na lahat ng kailangan gawin ay hinalikan ko muna ang anak ko bago lumabas na sa bahay.

Pumasok na ako sa kotse at pinaandar na ni manong. Nag uusap kami ni manong sa kotse habang nag d-drive sya. Napag alaman ko din na matagal na palang naninilbihan si manong sa pamilya ni Hendrix.

Nang makarating na kami sa harap ng mall ay susundan sana ako ni manong para samahan nang tumanggi ako kase ayaw ko na baka maabala ko siya.

Wala syang nagawa kaya naghintay na lang sya sa loob ng kotse.

Inuna ko ang kailangan namin kagaya ng mga pagkain at groceries, fruits, vegetables, and snacks. Pagkatapos naman ay pumunta na ako sa counter para magbayad.

Kaharap ko ngayon ang babaeng cashier at kung makatingin ito ay para bang may masama akong nagawa sakanya.

Pagkatapos niyang I scan lahat ng nabili ko ay tinignan nya ulit ako. Sarap naman sabunutan nito. Kung hindi lang talaga ako buntis. Siguro'y isa sa mga pregnancy hormones ko ay ang pagmamaldita ko.

"10 lahat ate" pagalit nyang sabi. Kung maka ate parang hindi kami pareha ng edad eh mas mukha syang matanda sakin.

Nabigla ako sa total price. Tatlong cart lang naman ang nabili ko and not to mention, mahal ang mall nato. Pangmayaman! That explains the very expensive prices.

Kinuha ko ang black card na binigay sakin ni Hendrix at inilagay iyon sa counter. Kita ko ang pagka gulat sa babae na para bang nakakita ito ng multo.

"I'm sorry ma'am. Patawarin mo po ako" aniya at lumuhod sa harap ko na ikinabigla ko. Anong meron?

"Tumayo ka dyan tsaka ano bang problema?" nagtatakang tanong ko.

"Y-you're Mr Elizalde's wife" aniya.

Hindi naman patanong iyon. Ang yaman pala talaga ni Hendrix kase halos lahat ay kilala sya.

Nagtaka rin ako sa sinabi ng babae na asawa. Hindi naman kami kasal ni Hendrix kaya saan niya nakalap iyon?

"Okay lang yun at sana sa susunod ay wag mo akong tarayan" sabi ko at tumango naman sya.

Pagkatapos ko magbayad ay una na akong lumabas kase pinapack pa nila ang pinamili ko.

Saktong paglabas ko ay may biglang tumigil na itim na van sa harap ko kaya sinubukan kong dumaan sa gilid pero may biglang lumabas na mga lalaki sa van.

Pinalibutan nila ako at pilit na pinasok sa van. Nagpupumiglas ako pero biglang nilang tinakpan ang bibig at ilong ko gamit ang panyo na may kakaibang amoy.

Huli kong nakita ang staff ng mall na nagdadala ng mga pinamili ko habang tumatakbo ito papalapit sa kin. Hindi ko rin mahagilap si manong at tuluyan na akong ako nawalan ng malay.

Inimulat ko ang mata ko at tumambad sakin ang madilim na kwarto at wala itong bintana. Para itong abandonadong kwarto.

Inalala ko ang nangyari at napahawak sa bibig ko ng maalala ang huling nangyari sa labas ng mall.

Biglang bumukas ang pinto at sa gulat ko ay iniluwa nito si Marco.

Bigla akong nainis ng maalala na sya ang dahilan kung bakit ako pinalayas noon at dahil din obsessed sya sakin.

"Good morning baby" aniya at lumapit sakin.

Habang papalapit sya ay pilit kp namang inilayo ang sarili hanggang sa mapako ako sa headboard ng kama.

"Marco ano ba to!" sigaw ko sakanya.

"Don't shout at me baby" nagmamakaawa nyang sambit. Hindi cute!

"Bakit mo ba to ginagawa. Pakawalan mo ako dito at iuwi mo ako!!" sigaw ko ulit.

To my surprise, nakatanggap ako ng malakas na sampal mula sakanya. Hinawakan ko ang pisnge ko na sinampal nya at alam kong namumula iyon dahil sa lakas ng pagkakasampal.

"I love you that's why I kidnapped you!" aniya.

Talaga bang pagmamahal?
O baka naman obsessed nya.

"Talaga bang pagmamahal Marco? kase sa alam ko ay obsessed ka sakin. Tsaka pwede ba ibahin mo ang pagmamahal sa obsessed" singhal ko.

Marahas siyang lumapit sya sakin at mahigpit na hinawakan ang magkabila kong balikat kaya napadaing ako sa sakit na dulot non.

"Don't you dare to command me!" aniya at mas hinigpitan pa lalo ang pagkakahawak sa balikat ko.

"M-masakit ano ba!" ani ko.

"Learn your lesson and don't ever go against my will or else you will die" pagbabanta nya pa sakin. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko.

Lumayo sya sakin at malakas na isinarado ang pintuan bago iyon nilock. Naiwan akong umiiyak sa loob habang sapo sapo ko ang dibdib ko. Halos mawalan na ako ng ginhawa sa kaiiyak ko.

Nag aalala ako baka malaman nya na buntis ako at baka may gawin syang masama sa bata kapag nalaman nya.

Sana makalabas ako dito ng ligtas. Hendrix nasan ka? Iligtas mo ako dito.

To be continued...
Thanks for reading.

Applying As His Maid (COMPLETED)Where stories live. Discover now