Chapter 4

140 1 0
                                    

Asar na asar ako sa babaeng higad na Bianca na yun dahil simula nung naging kami kuno eh parang asong buntot ng buntot sakin.

Pero hinayaan ko nalang kahit gustong gusto ko ng sapakin siya dahil magagamit ko pa siya at mapapakinabangan.

"Babe nagawa mo na ba yung project natin kay mam Leny?" Malambing na sabi nito sakin.

"Hindi pa babe eh. Ano ba yun?" Maang kong sabi kahit alam ko naman yun.

"Nakalimutan mo babe? Nako bukas na ang pasahan nun ah."

"Eh sa nakalimutan ko nga" sabi ko at konti nalang mauubusan na ako ng pasensya.

Ayoko pa naman sa mga taong ang hihina ng kokote maka gets tapos paulit ulit. Nakakabadtrip!

Napansin niya namang salubong na ang kilay ko at naiinis na.

"Don't worry babe. Ako na bahala ng project mo okay?" Sabi niya at niyakap ang braso ko.

Napangiti naman ako ng nakakaloko. Ayos talaga. Mabuti nalang at may ganto akong babae.

"Sige babe. Bibigyan kita ng reward pagkagawa mo ng project ko" sabi ko at kinindatan siya.

Nagningning naman ang mata niya.

"Sige babe sabi mo yan ah. I love you" sabi niya at hinalikan ako sa labi. Hinayaan ko nalang siyang halikan ako.

-------

Malapit na mag start ang klase pero wala pa si weirdong Polaris.

Wala tuloy akong mapagtripan.

"Babe" napabalik ako sa mga iniisip ko ng tawagin ako ng asungot na Bianca nato.

"Oh?" Tipid kong sabi.

"Kanina kapa kasi tulala jan eh" sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya.

Lumapit siya at may binulong sa tenga ko.

"Babe mamaya dun ka matulog sa apartment ko ha" malandi niyang sabi sakin.

Sinakyan ko naman ang trip niya dahil mukhang kelangan ko na rin magparaos dahil ilang araw na kong tigang.

"Sige babe" sabi ko at kinindatan siya.

Mukha naman siyang excited na excited. Saka bumalik sa pwesto niya.

Napailing iling nalang ako. Mga babae talaga.

Buong araw na hindi pumasok si weirdong Polaris. Napakaboring tuloy ng araw ko.

Last subject na at naisipan naming tumambay muna sa hardin ng eskwelahan. Tinext ko si Bianca na sabihan ako agad kapag nandon na ang instructor namin.

Napakaganda kasi talaga dito tumambay lalo pa kapag maglalaro ako sa cellphone ng online games.

"Pre naalala niyo ba yung cellphone ng Polaris nayun? Akalain mong may model pa palang ganun kahit na touch screen na ang mga cellphone ngayon" biglang sabi ni Ron na natatawa.

Natawa na rin kami ni Sean habang pansamantalang tinigil ang paglalaro.

"Oo nga pre. Tapos alam niyo bang ang pagkain lang niya nung nilagyan natin ng daga at ipis ang pagkain niya eh chichirya at kamatis lang" naiiling kong sabi.

"Ganun ba siya kahirap na pati kanin hindi niya mabili?" Tawang tawang sabi ni Sean.

Ako naman ay mas lalong nahiwagaan sa babaeng weirdo na weakling na yun.

Mas lalo ko tuloy gustong pahirapan ang babaeng yun.

Napangiti ako ng nakakaloko dahil kelangan ko makapagisip ng plano para mapaiyak ko ang babaeng yun.

This side of Paradise (A bully Knight in shining armor)-medyo SPGWhere stories live. Discover now