Chapter 12

118 2 0
                                    

Mula nga nang insedenting yun ay hindi na muli kaming nagkausap ni Sean at Ron. Umiwas na ako sa kanila ganun din sila sakin.

Si Bianca habol parin ng habol pero palagi ko siyang tinataboy. Ewan ko ba basta nawalan na ako nang ganang sabayan ang mga trip nila.

Hanggang matapos ang semester at nung fourth year college na nga kami ay inutusan ko si Polaris na mag palit kami ng block para hindi na namin makasalamuha ang mga dati kong kaibigan lalong lalo na si Bianca.

Wala naman siyang nagawa kundi sundin lahat ng inuutos ko kaya nung nagpasukan na ay hindi na namin sila kaklase.

Mula nga din noon ay laging si Polaris nalang ang kasama ko. Kahit na hindi kami nagkikibuan basta magkasama lang kami.Kahit na hindi siya palasalita kagaya ko eh hindi naman ako naboboring kasama siya. At palagi ko nalang namamalayan ang sarili ko na pupunta sa bahay ko at doon tatambay. Manonood ng tv oh kaya naman ay laruin si Resi.

Ewan ko ba kung bakit napakalaki ng pagbabago. At dahil yun kay Polaris.

Hapon ng linggo kaya naisipan kong pumunta sa bahay ko at nandon naman si Polaris dahil gantong oras ay nakauwi na siya galing trabaho. Dumaan muna ako sa grocery para bumili ng pagkain niya at ni Resi. Nagtitira ako sa allowance ko para sa kanila at kusa ko yun ginagawa at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ko yun ginagawa. Marahil ay dahil sa awa ko sa kanya.

Nang matapos akong bumili ay pumunta na ako sa bahay ko.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad bumungad sakin si Resi at lumilingkis lingkis sa paa ko. Kinuha ko muli si Resi at kagaya ng ginagawa ko, binubuhat ko siya at sinusuri.

Binaba ko na ang pusa at diretso na sa sofa at binuksan ang tv.

Umupo si Polaris sa may dulo ng sofa kaya magkalayo kami. Kagaya ng dati ay hindi na naman siya umiimik.

Tumingin ako sa kanya at iniabot ang pagkain na binili ko para sakanila ni Resi.

"Oh" sabi ko.

Tinitigan niya muna iyon bago kinuha.

"Salamat" tipid niyang sabi habang nakatingin sakin.

Nakatitigan kami. Para na namang napako ang mata ko sa napakaganda niyang mata.

Iniwas ko na ang mata ko at binalik sa tv ang atensyon ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa paligid namin. Ewan ko pero nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya. Shit ano ba to!

Nakatingin ako sa tv pero wala roon ang atensyon ko.

Inis na inis ako dahil hindi ko na naman napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at linapitan siya.

Nagulat siya sa biglang pagtayo at paglapit ko sa kanya.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang balikat niya.

Nakatingin lamang siya sa mata ko.

"Bakit.." mahina niyang sabi.

"Anong bakit? Ikaw bakit ka nakatitig sa mata ko" tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya.

Bumuntong hininga ako at hinawakan ang buhok niyang tumatabing sa mukha niya.

Sinuri ko ang mukha niya. Hindi naman talaga pangit ang babaeng to. Bukod sa maganda niyang mata eh maganda rin ang mukha niya.

Napaiwas siya ng tingin sakin at namula.

Pinigilan kong matawa. Siguro ito ang kauna unahang beses na mahiya ng ganito tong babae nato.

Iniangat ko ang mukha niya para mapatingin sa mata ko.

"Alam mo sa totoo lang... maganda kana man"

Mas lalo siyang nagulat sa sinabi ko at mas lalong namula.

Napangiti ako sa naging reaksyon niya.

Inilayo ko na ang kamay ko sa kanya at muling nanood ng tv.

Samantalang siya naman ay mas lalong naging tahimik. Hindi na ako bumalik sa pwesto ko. Magkatabi na kami sa sofa.

Nang matapos na ang pinapanood ko ay may naisip akong gawin. Kinuha ko ang kamay niya at naglakad na.

"Resi diyan kana muna ha" sabi ko sa pusa at naglakad na kami palabas.

Nang matapat na kami sa motor ko ay isinuot ko na sa kanya ang helmet. Tumingin ako sa oras, alas sais palang naman at maaga pa.

Sinuot ko na rin ang helmet at sumakay na kami.

Hindi na umangal si Polaris oh nagtanong pa. Marahil ay nahiya sa ginawa ko kanina.

Tumigil kami sa tapat ng salon.

Tiningnan niya ako sa nagtatanong na mata pero hinayaan ko nalang siya at hinila na siya papasok sa salon.

"Good morning po" bati samin ng isang bakla.

Tumango nalang ako at pinaupo na si Polaris doon sa upuan kung saan siya aayusan.

"Gusto kong ayusan niyo siya, yung nababagay sa kanya" sabi ko.

"Okay sir no problem!" Sabi ng bakla at kinindatan ako.

Umupo na ako sa waiting area nila at nakinig ng music sa cellphone ko habang naka headset.

Nagbasa basa rin ako sa mga lumang magazine at dyaryo habang naghihintay.

Hindi ko namalayan na tapos na pala sila. Masyado ata akong nawili magbasa.

Pagkababa ko ng dyaryo ay napanganga ako. Literal na napanganga.

Lumabas lalo ang ganda ni Polaris. Linagyan siya ng bangs yung parang sa mga japanese na babae. Parang nahahawig siya kay Taki Saito.

"Oh diba mas lumitaw ang ganda niyo mam. Kita niyo pati ang boyfriend niyo po napatulala sa ganda niyo" sabi ng bakla at napahagikhik ito.

Nagulat kami parehas at napaiwas ako ng tingin.

"H-hindi ko siya girlfriend" sabi ko.

"Ah hindi pa pala. Pasensya na po" sabi ng bakla.

Inayos ko na ang sarili ko. At pumunta na ako ng counter para magbayad.

Tahimik lang kami ni Polaris habang magkasabay na naglalakad palabas papunta kung saan naka park ang motor ko.

"B-bakit mo pala to ginagawa" mahina pero rinig kong sabi niya.

Tumigil ako at hinarap siya.

Sinuri kong muli ang mukha niya. Oo na inaamin ko na. Napakaganda niya.

"Para..para ano.. unti unting bumalik ang kompyansa mo sa sarili at hindi kana masyadong mahiyain" sabi ko.

Hindi na siya nagsalita at sumakay na kami ng motor at umuwi na.


"Hindi na nga pala ako uuwi. Anong oras na, tinatamad na ako kaya dito na ako matutulog" sabi ko habang kumakain.

Nagluto siya ng adobo at para nga kaming mag asawa pero walang malisya.

"Sige.. ikaw bahala.."

Nang mstapos ako kumain ay huhugasan ko na sana ang pinagkainan ko ng magsalita siya.

"Ako na.."

Tiningnan ko naman siya. Nagkatitigan na naman kami hanggang sa ako na naman ang unang umiwas.

"Sige ikaw na bahala jan" sabi ko at tumuloy na sa kwarto ko.

Nakahiga na ako at paikot ikot na naman ako sa kama ko. Ano ba yan! Heto na naman ako hindi na naman makatulog shit!

At ng dahil na naman iyon kay Polaris.

Naisip kong silipin siya kung tulog na. Nakita ko namang tulog na tulog na siya. Buti pa tong babae nato ang sarap na ng tulog. Samantalang ako pilit niya kong ginagambala sa isip ko.

Bumalik na ulit ako sa kwarto at nagsindi ng sigarilyo.

Nanood nalang ako ng kung ano ano sa cellphone ko para malibang dahil paulit ulit na naman sa isip ko ang mukha ni Polaris.

This side of Paradise (A bully Knight in shining armor)-medyo SPGWhere stories live. Discover now