Ethan's POV
Kanina pa ako paikotikot sa kama ko. Halos lahat na atang posisyon ginawa ko na para makatulog ngunit hindi man lang ako dinalaw dalaw ng antok. Badtrip kasi bat ba hindi maalis sa isip ko ang mata ng babaeng yun? Oo napakaganda ng mata niya kahit walang kabuhay buhay pero bat naman kelangan pati sa pagtulog ko ginagambala ako?
Mabilis kong kinamot ang ulo ko kahit wala naman akong kuto.
"Kainis na babaeng yun. Ano naman meron sa mata nun? Kung bulagin ko kaya siya para makatulog ako?" Pagkakausap ko sa sarili.
Nag cellphone nalang ako para dalawin ng antok.
Sa sobrang boring ko ay naisipan ko hanapin kung may Facebook account ba ang weirdong babae na yun.
"Polaris Alvarado"
"Huh? Wala siyang Facebook? Baka iba pangalan" sabi ko habang tumitingin tingin sa mga kapangalan niya.
Bigla akong napatigil dahil naalala ko bat ko ba sinisearch yun?
Unang araw palang ng klase ganito na agad.
Tinigil ko na ang pag Facebook at nag search na lang ako sa porn site.
Magsasarili na nga lang ako baka sakaling makatulog na ko.
Kinaumagahan pagpasok ko ay bangag na bangag ang utak ko. Letse yan anong oras na ako nakatulog.
"Hoy pre ayos kalang?" Sabi ni Ron sakin.
Maaga kami dumating ng tatlumpong minuto bago ang unang klase namin dahil naisip kong gantihan ang Polaris na yun dahil hindi ako nakatulog dahil sa lintik na mata niya.
"Oo. Oh ano nahanda niyo na ba yung pinadala ko sainyo?" Sabi ko.
"Oo naman pre. Basta sa kalokohan laging kaming game jan alam mo naman yan diba?" Ngiting nakakaloko ni Sean.
"Oo na sige na bilis"
Nilagyan na nila Sean ng super glue ang upuan ng Polaris na yun. Habang ako naman tinanggal ko ang turnilyo ng upuan niya para pagkaupo niya bagsak agad siya.
Natatawa na ako sa isip ko habang iniimagine ang babaeng yun.
"Ayan tapos na. Sigurado malaking kahihiyan na naman to" natatawang sabi ni Ron.
Pagkatapos namin magawa ang plano namin ay may kinse minutos pa naman kami kaya lumabas muna kami para mag yosi.
Matapos namin mag yosi ay bumalik na kami at wala pa ang babaeng weirdo na yun.
Nagsi upuan na kami at malapit na mag time para sa una naming klase.
Maya maya pa ay dumating na siya.
Pinagmasdan ko lamang siya habang papasok. Hindi na gaanong magulo ang buhok niya. Nasuri ko rin na may pasa siya sa braso. Pero wala akong pakialam dun.
Napangiti ako ng nakakaloko ng malapit na siya.
Bigla siyang tumingin sakin. Nagtama ang mga mata namin at muli kong nakita ang wala na namang kabuhay buhay niyang mga mata. Napatigil ako sa pag ngiti.
Nang malapit na siya maupo ay pinigilan kong matawa. Langya hindi pa nga nagsisimula ang eksena ay mauuna pa ako matawa.
Umupo na nga siya at saktong pag upo niya ay natumba nga siya dahil sa pagkakatanggal ko ng turnilyo.
Hindi ko na napigilan ang tawa ko at humalakhak na kami ng tawa. Maging ang mga kaklase ko ay natawa na. Tumingin ako sa dalawa at nag okay sign ako.
Pulang pula na ako kakatawa. Pinilit niyang tumayo ngunit pag tayo niya ay dumikit ang pirasong upuan na may glue sa pantalon niya sa pwetan.
Pilit niya iyong tinatanggal ngunit hindi niya maalis alis.
Tawang tawa naman ako lalo. Ikalawang araw palang ng klase pero exciting na ang pang aasar namin sa weakling nato.
Dumating na ang instructor namin at pinatigil kami sa pagtawa.
"Anong nangyayari dito??" Galit na sabi ng instructor namin.
"Eh mam nasira po kasi yung upuan niya at dumikit po yung upuan sa pwet niya" sabi ng kaklase namin.
Lumapit naman ang guro para tingnan ang babae na yun.
"Sino gumawa nito?" Nakakunot noo niyang tanong samin.
Lahat ay naging tahimik at walang gusto sumagot.Mabuti naman dahil subukan lang nilang magsumbong at sila ang isusunod ko sa Polaris nato.
"Alright walang gusto umamin ha. Mag quiz tayo ngayon at excempted si Ms. Polaris. Guys matatanda na kayo! Maging matured naman kayo na ang pananakit sa kapwa ay hindi nakakadulot ng maganda!"
Galit na sabi ng instructor namin.
"Sige na pumunta na muna kayo sa clinic at humingi kayo ng extrang damit doon. Samahan mo na Hannah si Polaris."
Pinigilan ko ang tawa ko habang tinitingnan ko siya palabas ng room na may nakadikit sa puwetan niya.
Lumabas na nga ang babaeng yun at isa naming kaklaseng babae para samahan siya.
Napangiti ako ng nakakaloko. Buti nga sakanya.
Pero ang kanina ko pa ipinagtataka bakit hindi man lang siya umiyak oh nagreklamo sa pang gagago namin sa kanya?
Ahh ewan basta ang mahalaga nagawa ko ang plano ko.
Nang dumating na si Hannah ay nag simula na nga kami mag quiz.
--------
Ikalawang subject na namin pumasok si Polaris at jogging pants na ang suot niya. Kinuha niya na rin ang bakanteng upuan.
"Hoy bat di ka umiyak?"tanong ko sakanya habang hinihintay ang susunod na instructor namin.
Muli niya ako tiningnan.
"Wala lang" sabi niya at lalo akong nainis sa sagot niya.
Sa sobrang inis ko ay naibato ko sakanya ang notebook ko.
"Tarantada kang babae ka. Nangaasar kaba?" Galit kong sabi.
Wala na siyang imik.
Huminga ako ng malalim at umalis na sa upuan na yun.
Pumunta na ako sa tabi nila Sean at Ron.
"Nakita ko yun pre" sabi ni Ron.
"Kainis kasing babae yan nang aasar ba siya. Sa kagaguhan natin hindi man lang siya umiyak. Ano siya bato? Gustong gusto ko pa naman yung mga weakling na makitang umiiyak" inis kong sabi.
"Oo nga pre eh. Kakaiba din yang Polaris na yan hindi man lang naiyak oh kaya nagpakita na napahiya siya sa buong klase" iiling iling na sabi ni Sean.
"Hayaan na nga yun. Tara na cutting tayo. Wala namang silbi tong sunod na subject" aya ko sa dalawa.
Sumunod naman sila sakin at ng mapadaan ako sa Polaris na yun ay tinapik ko ang notebook na sinusulatan niya kaya nahulog iyon.
Nginitian ko siya ng nakakaloko saka umalis na.
"San ba tayo mga pre?" Tanong ko habang iniayos na ang motor ko.
"San pa edi sa bar" ani ni Ron
"Masyado pang maaga para mag bar. Dun muna tayo sa bahay. Dalhin ko yung mga chikas habang wala sina mama at papa" sabi naman ni Sean.
"Sige magandang idea nga yan" sabi ko at sabay sabay na nga kami nag motor papunta sa bahay nila Sean.
Ayos at makakapag enjoy na naman kami nito habang may mga magagandang babae kaming maikakama na naman mamaya.
YOU ARE READING
This side of Paradise (A bully Knight in shining armor)-medyo SPG
RomansaPaano kung ang nambubully sayo ay siya palang magiging Knight in shining armor mo? ---- Noah Ethan Arana. Isang college boy na sobrang pilyo at mahilig mambully sa mga mas mahina sa kanya. Mula elementary hanggang mag kolehiyo ay ganun ang naging g...