Chapter 14

111 1 0
                                    

Naging pursigido nga ako sa dalawang buwan kong pangliligaw kay Polaris. Naging hatid sundo ko siya sa trabaho at sa skwelahan namin. Mas pinaramdam ko sa kanya na sobrang special niya sakin. Nakakatuwa pala yung ganito, yung tipong pinaghihirapan mo ang isang babae na mapa oo siya.

Nakakatawa nga sa skwelahan noong kinabukasan nung umamin ako na mangliligaw ako kay Polaris  kasi malakas kong sinigaw sa mga gago kong kaklase na huwag na silang magbalak pang mangligaw sa kanya dahil ako lang ang may karapatang mangligaw. At ayun, hiyang hiya naman si Polaris sa ginawa ko.

Nasa bahay ako at masayang nagluluto ng pagkain para sa babaeng nagpapasaya sakin. Naka connect ang cellphone ko sa speaker ko habang pinapatugtog ang This Side of Paradise na paborito ni Polaris na naging paborito ko na rin. Sinasabayan ko pa ang kanta habang nagluluto.

Napangiti ako ng maalala ko ang babaeng mahal na mahal ko. Kakainis. Ganito pala talaga kapag nagmamahal, nakakabaliw, nakakakilig, at ang saya sa pakiramdam. Halos mapunit na ang labi ko sa pag ngiti.

"Aba mukhang masaya ka ata Ethan" sabi ni mama na pinapanood ako magluto.

Ngumiti lang ako kay mama at nagpatuloy na sa pagluto.

"Huwag mong sabihin na masaya ka dahil doon sa kaklase mo na.." hindi na itonuloy ni mama ang sasabihin.

"Kayo na ba anak?"

"Hindi pa po mama. Pero nililigawan ko na po siya" sabi ko na nawala na ang ngiti.

Alam ko naman kasing tutol si mama at ayaw niya kay Polaris dahil alam ng lahat ang dating trabaho niya.

"Nak alam mo naman na aalis ka diba. Ilang buwan nalang. Iiwan mo rin naman siya kaya bakit mo pa nililigawan?"

"Ma. Alam ko pong ayaw niyo sa kanya dahil ang alam niyo lang ay ang chismis sainyo ng mga kapitbahay. Pero kapag nakilala mo siya magugustuhan mo si Polaris"

Napabuntong hininga naman si mama.

"Noong una hinusgahan ko rin siya pero nung nakilala ko na siya ng lubos. Doon ko nakilala ang tunay na Polaris. Huwag ka mag alala ma ipapakilala ko siya sainyo" sabi ko at ngumiti.

Napabuntong hininga ulit siya.

"Ikaw ang bahala anak. Basta binabalaan lang kita. Ayokong hindi matuloy ang pag alis mo dahil isa yun sa pangarap mo"

Pagkatapos sabihin ni mama ay umalis na siya.

Mula nga ng mahalin ko si Polaris ay nawala na sa isip kong aalis nga pala ako ng bansa. Ewan ko ba pero parang ang iniisip ko lang ngayon, si Polaris ang pangarap ko, wala ng iba.

Tinuloy ko nalang ang pagluluto at pagpapatugtog ko.

Nang matapos ko na nga ay dali dali na akong pumunta sa pinagtatrabahuhan niya. Nagantay ako saglit at lumapit na siya sakin.

Nakangiti siya habang papalapit sakin. Mas lalo akong napangiti dahil napakaganda niya lalo kapag ngumingiti. Gantong Polaris ang gusto ko makita sa araw araw.

"Kamusta ang araw mo ngayon?" Tanong ko sa kanya habang papunta kami ng parking lot.

"Medyo pagod" sabi niya.

"Nako mukhang pinapagod mo naman ang sarili mo." Sabi ko at kinuha ang towel at pinunasan siya.

Napangiti naman siya sa ginawa ko.

"Nga pala pinagluto kita ng paborito mo"

Ngumiti ulit siya at humawak sa braso ko.

Kahit na hindi siya masyado nagsasalita ay okay lang. Nakakatuwa nga na ako lang ang tanging kaibigan niya at kahit na ako ang pinaka makwento samin ay nagkakasundo parin kami at napaka komportable ko kasama siya. Yung tipong kahit nasa katabi ko lang siya at kahit hindi siya umimik mag damag ay okay lang, basta kasama ko siya.

This side of Paradise (A bully Knight in shining armor)-medyo SPGWhere stories live. Discover now