Alas nwebe na Ng gabi...Kakagaling lang ni Eliza sa kanyang trabaho..
"Bakit ba Kasi ako nag apply dun eh..Bakit? Bakit?!"
Padabog nyang binuksan Ang pintuan Ng kanyang bahay..Imbes na maaliwalas na ngiti Ang sumalubong sa kanya, malamig na hangin galing sa madilim na hallway Ang sumalubong sa kanya..nakilimutan nya na nag-iisa
Nalang pala Siya na nakatira sa kanyang bahay.."Ah..oo nga Pala..nasa Batangas sila mama.."
Pinigilan nya ang nagbabadya nyang luha at pumasok na sa kanyang bahay at In-on Ang mga ilaw.
"Ngayon pa talaga na gusto ko Ng karamay.."
Palagi Kasi syang inaalipusta Ng kanyang boss sa trabaho..Pagod na Pagod na sya ngunit paano ba sya mag reresign? Eh Wala naman syang mapaglilipatan na iba..
Kumuha nalang sya Ng tubig at pumunta sa kwarto nya..
Nang maka upon na sya sa kanyang higaan...may naramdaman syang malamig na hangin na para bang yumayakap sa kanya..
"A-ah...Ang lamig naman ata Ngayon.."
Tumayo sya at humarap sa bintana...Hindi ito bukas..pati Rin Ang kanyang electric fan..
"Huh? Eh bat anlamig-"
Hindi na niya natapos Ang pag sasalita nang may biglang bumulong.
"Okay lang yan Eliza...nandito ako"
Tumaas Ang balahibo ni Eliza...hinanap nya kung saan nag mumula Ang Bose's na iyon ngunit...sya lamang Ang nasa kwarto...
"S-s-sino ka!?"
"Wag Kang mag-alala...nandito ako"
Wika ulit Nito kaya napatalon si Eliza
Sa kanyang kinatatayuan."Kung sino kaman!! Mag pakita ka!!"
Sigaw ni Eliza..Ilang minuto lang Ang lumipas nang biglang may humaplos sa kanyang Mukha na para bang kino-comfort sya nito...biglang natahimik si Eliza.
"Shh.. it's okay..it doesn't matter kung sino ako....It doesn't matter kung Hindi mo ako na-aalala...Ang mahalaga ay makomfort kita"
Bulong ulit Ng multo...sino ba sya?? Bakit parang kilalang-kilala na nya si Eliza?
Umupo si Eliza sa kanyang higaan ulit at Doon na umiyak.
"Kung sino ka man....Salamat..na-aalala ko tulog Yung boyfriend ko na nasa Batangas din.."
Ngumiti sa Eliza..Ngunit biglang natahimik Ang multo.
"Nandyan ka paba?"
Tanong ni Eliza.
"Oo..."
At nag patuloy na ngang in-open up ni Eliza Ang kanyang mga problema sa multong iyon Hanggang sa maka tulog sya
Kinabukasan..nasa trabaho na ulit si Eliza nang makatanggap sya Ng tawag Mula sa kanyang Ina
"Bakit, ho?"
Tanong ni Eliza ngunit parang umiiyak Ang kanyang Ina..
"Nay?? Bakit ho kayo umiiyak??"
Tarantang Tanong ulit ni Eliza
"Eliza..si..Clyde..Patay na"
Sagot Ng kanyang ina.
Lumaki Ang mata ni Eliza habang isa-isang tumutulo Ang kanyang mga luha.
"Prank lang to nay Diba?? Alam Kong nandiyan si Clyde!! Wag nyo naman ho akong biruin?!"
Hindi sya makapaniwala sa kanyang narinig Mula sa kanyang ina.
"Namatay sya kahapon Ineng...nadisgyasya sya sa motor.."
"Nay naman eh..wag ka naman ganyan"
Nanginginig na Ang Boses ni Eliza..
Wala man lang syang magawa...Hindi man lang nys nakita SI Clyde na Boyfriend nya..."Ineng,...Wala na sya.."
Biglang naputol Ang linya..
"Ma..Hindi...Hindi yan Totoo.."
Ibinaba na ni Eliza Ang telepono at inempake Ang kanyang mga kagamitan sa trabaho para umuwi
Nang makauwi na sya.. hinanap nya agad iyong multong nagparamdam sa kanya kagabi.
"Uy?! Magpakita ka naman!! Clyde!! Alam Kong Ikaw Yun!! Please..mag pa kita ka..Ang daya-daya mo..nang iiwan ka nalang basta-basta"
Biglang may yumakap Kay Eliza..Malamig na hangin ito.
"I'm sorry... I'm sorry, mahal.."
Humagulhol Ang boses..
"Clyde?? Mahal?? Ikaw ba yan?"
Lumingon si Eliza sa kanyang Likod ngunit Wala syang Makita na kahit ano doon.
"Ayoko talagang Iwan ka kaya ako nagparamdam sayo kagabi.. I'm really sorry"
"Ang Daya mo talaga kahit kailan,mahal...Akala ko ba walang iwanan ha.."
"I'm so sorry.. pero..I don't have much time left..I have to go"
"Mahal...Ang Daya mo..pero..kung Wala na talaga akong magagawa..makakalaya kana..You can go even though it hurts"
"Salamat sa lahat..mahal na mahal kita..Ich leibe dich..."
Unti-unting nawala Ang malamig na hangin..Ang boses ni Clyde ay napalitan sa pag hagulhol ni Eliza..
"Ich liebe dich auch, Clyde"
Niyakap ni Eliza Ang sarili at umiyak na Ng tuluyan.
YOU ARE READING
Nag-iisa sa dilim
Short StoryAkala mo ba na kapag nasa dilim ka ay parang pwede ka nang umiyak dahil walang nakakakita sayo?...Akala mo lang iyon..Halina at basahin Ang mga pangyayaring nakaka-tindig balahibo..