Chapter 1

1 0 0
                                    


C1

"Spain?" tanong ko ulit kay Mommy at tinanguan naman niya ako. Mas lalong lumapad ang ngiti ko nang makumpirma na aalis na nga kami ng pilipinas.

Well, it's not that I don't like Philippines...it's the people. Ayoko sa mga tao dito. I don't like how they think, masyado ring mga judgemental.

"If it is Madrid then I'll be fine." saad naman ng kapatid ko.

"No, not in Madrid."

"Well, then... Seville?" tanong pang muli ng kapatid ko at umiling naman si mommy.

"I'm sure sa Barcelona." ako na ang sumagot.

"Alicante." tipid na sagot ni mommy. She knew that my sister won't like it. She hate beaches, like...really.

"But Mom-"

"No buts Queenie, I've already decided and also may bahay na naman si Mama doon." medyo nalungkot naman ako nang malaman kong wala sa hinulaan namin ang pupuntahan.

I thought we'll be in Barcelona, badly want to go there though. Gusto kong pumasok sa Martial Arts Academy ng Barcelona. Meron din namang sa Seville, I don't know in Alicante. Sa tingin ko ay wala naman. And what? I should not think of it right? Mag aaral na ako doon at baka wala nang matitirang oras para sa Martial Arts. I can train myself at home, but I know I needed a professional.

"Does Alicante have Martial Arts-"

"Come on Phern, we already talk about it right? Magkokolehiyo ka na kaya dapat pagtuunan mo na lang 'yon ng pansin. I already enrolled you in several martial arts school kaya ngayon, focus on your study." pagod niyang saad.

Yes, ilang beses na ba namin 'tong napag usapan?

I don't hate beaches pero iba pa rin talaga kapag doon ka sa mismong syudad na gusto mo. Talagang nagpakasaya pa ako dahil akala ko magagawa ko ang mga pinlaplano ko sa buhay. Tahimik akong bumalik sa kwarto at humiga sa kama. I didn't bother to turn on the lights, only the lampshade on my bedside table. I looked at my blank ceiling and I can only hear the clock's ticking. Hirap akong makatulog sa gabing 'yon dahil hindi ko inaasahan na sa Alicante na nga kami titira. When I was a toddler, Mommy brought me with her. Sa Barcelona, where lolo and lola live. I didn't know they also have house at Alicante. Pero bakit nga muna hindi na lang sa Barcelona? Nakailang ikot na ako sa kama at sobrang nalukot na rin ang bedsheet dahil sa likot ko.

Nagising na lang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Geez, I forgot to close the curtains. I checked the time and realized na tanghali na pala! Bumangon ako at dumiretso na sa banyo. Wala naman akong lakad ngayon pero ayaw kong tinatanghali ako ng gising. Lumabas ako para mag almusal at nakita ko ngang nasa hapag na sila at magtatanghalian na.

"Tinanghali ka?" si Mommy.

"Uh, medyo napuyat po kasi kagabi." sagot ko.

"Sa araw ka na lang kasi manood ng mga movies na 'yan para hindi ka na nagpupuyat." saad naman ni Daddy.

Tumango tango na lang ako nang ipagpatuloy nila ang usapan sa pagpupuyat ko. Hindi naman ako nanood ng movies kagabi eh. Nakatulugan ko na lang din ang pag iisip sa magiging buhay namin sa Spain. Kinain muli ako ng pag iisip at hindi na naiwasan magtanong sa mga magulang ko.

"Two weeks from now po ang punta natin sa Alicante, diba?" I looked at Mommy.

"Yes darling, is there any problem with that?" tanong ni Mommy.

"Paano po yung work niyo Dad?" nilipat ko ang tingin kay Daddy na natigilan sa pagkain.

"Magre-resign na siya next week." si Mommy ang sumagot kaya kumunot ang noo ko.

Burden Series 1: Down To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon