Ito na po ang first ever series na gagawin ko. Wish me luck sana maipagpatuloy ang pagsusulat.
------"Ready na ba?" I asked.
"Malamang Villaroel." tipid na sagot sa akin ni Rymm. Inirapan ko na lang siya.
"range?" tanong ko sa kaniya. Nagtitipa pa rin siya ng kung ano sa kaniyang laptop.
"2-5 hours." sagot nito.
"What? eh paano kung umuwi 'yon agad sa unit niya?" irita kong tanong. Wala namang sinabi sa akin na ganito kaikli ang range ng misyon na ito.
Itinabi niya ang laptop at tuluyan nang pinaharurot ang kotse.
"He'll leave by 9, papasok ka around nine thirty. Siguraduhin muna natin na makaalis siya bago ka kumilos. one C-4 under his bed and the other one in his sofa. Kaya ba?" aniya.
"seriously, Rymm? You're asking me that question? Oh come on, I am a Villaroel for a reason, the lifetime defuser even if it costs me my own." umismid naman siya nang sagutin ko.
"stay safe" seryoso niyang saad at binagalan na ang pagpapatakbo ng sasakyan.
We're already inside the perimeter. Inaantay na lang siyang makaalis. Wala akong nararamdaman na kaba kanina, pero ngayong nandito na kami pakiramdam ko ay nanlalamig na ako. My mission is to defuse the bomb inside his penthouse. I actually don't want this kind of mission pero nung malaman ko kung kaninong unit 'yun ay agaran ko itong tinanggap. And the range? I don't know. Dalawang C-4 lang naman, hindi na ako aabutin pa ng ilang oras, unless na may magpapahirap pa sa akin doon.
Hindi kami parte ng sindikato, parte din kami ng gobyerno. We are not known, but that's how it should be. We only do missions to save people, not kill them. Kinapa ko ang armas na dala ko at siniguradong hindi malaglag. I brought tools with me in a small bag. We already hacked the security kaya hindi na mahirap pang makapasok. I also dressed up like a regular housekeeper para hindi masyadong pagdudahan.
"It's him." turo ni Rymm sa lumabas na itim na corvette. Sinundan ko 'yon nang tingin hanggang makalayo at hindi na matanaw.
Lumipas na ang ilang minuto at saktong trenta minuto na siyang nakaalis ay kumilos na ako. Suot ko na rin ang earpiece na konektado kay Rymm. Clear naman na lahat kaya hindi na ako dapat kabahan.
Nang makalapit ay hinarangan pa ako nung guard. Bumuntong hininga naman ako.
"Wala si Mr. Devalle, kakaalis lang." saad ng guard.
"Kaya nga po ako pinapunta ngayon dahil ayaw niya naman pong maglinis ako habang nandoon siya." nanliit naman ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Tatawag muna kami." sagot nito sa akin at tatalikod na sana nang magsimula akong magdrama.
"Ayos lang naman po kung ayaw niyong maniwala. Babalik na lang po ako bukas kapag nandito na po si Sir. Basta po ayaw kong makaltasan ang sweldo ko kapag nalaman niyang hindi ko nalinisan ang unit niya." wika ko naman at tatalikod na rin sana nang pinigilan ako nung isang guard.
"May ID ka ba diyan?" tanong nito.
"Opo." agad kong kinuha ang pekeng ID at ipinakita sa kanila 'yon. Matagal pa nila 'yon tinitigan.
"Ang alam ko eh mga nasa forties na ang kinukuhang housekeeper ah. Ngayon lang nagkaroon ng batang housekeeper kagaya mo." saad nong isa.
"twenty seven na rin naman po ako kaya medyo matanda na iyon." sagot ko naman. Tinitigan naman nila ako.
"At ngayon lang din may magandang housekeeper, ang galing ni sir maghanap ah." tumawa naman silang dalawa. Mga lalaki nga naman. Puro nonsense lumalabas sa bibig.