ganun na ba kalabo?

5 0 0
                                    

ang kulit talaga n'yan ni mama,
malabo na nga kasi mata ko, kailan ba tayo mag papagawa ng salamin ko?
hindi ko na makita 'yang mga tanawin na nakakabighani,
kahit nga daanan na aking dinadaanan sa gabi ay di ko na mahagilap pa.
may iba pang paraan para makakita ng lubusan?

ilan na ba grado ko sa mata? 200 o 250?
grabe ang taas na nga,
mas mataas pa ata yan sa score ko sa peta eh.

pero alam mo ba,
na kahit anong labo ng mata kong 'to
naaninag kita kahit gano pa kalayo.
nalalaman ko na agad na ikaw 'yon
'yang likod mo na nakapabisig, anino mong napaka tulis, at ang itsura mong napakagwapo.
in the midst of the crowd i don't see nobody but you

ewan ko ba talaga
kailangan ko ba talaga n'yan ng salamin na yan?
eh kitang kita naman na sayo lang ako naka focus.
pag dating sayo, ewan ko ba
lumilinaw pag ikaw ang nakikita ko.

Things I want to sayWhere stories live. Discover now