Toyo at Lana by
Binibining Gunabi 🌺Tanging toyo at lana.
Sa hapag ay wala na.
Bukod tanging minana.
Ang tiyan ko ay naglaho na.Umagahan, pananghalian,
Kasama na ang gabihan.
Sa kaning bahaw napapawisan.
Pati ang bulsa ay natutuyuan.
Sa pag-asang hindi mawawalan.Tanging toyo at lana.
Kung hindi asin, ay wala na.
Isang palay ng bigas, 'wag na.
Pera namin ay binubulsa na.Alak, alak, ano iyong balak?
Hihilata't tatamad sa kakalaklak.
Sa malayo't malapit, hahalakhak.
Hanggang kailan ka tatalak?Ang mata ko ay namimintas.
Kailan kaya ako mamimitas.
Nang isang matamis na ubas.
Hindi mapait at kinukupas.
Sa mamahaling lumilipas.Tanging toyo at lana, napakasarap.
Ikaw lang ang nalalanghap.
Sa munting kanin ay nagpapasarap.
Sa aking ngiti ay ikaw ang pinapangarap.
Hanggang kailan ka mangangarap?~🌺~
“Nagmamahal, ang iyong anak.” — BinibiningGunabi.
BINABASA MO ANG
Midnight's Scents [Poem Collection]
Poetry"Writing poems are connecting to my soul..." - BinibiningGunabi 🌺