Maria Isabela Buenaventura
Isabela's POV
Pagkatapos nang ginawa kong pagtakas sa aming nakaplanong kasal ni Gan ay wala na akong lakas ng loob pa na umuwi pa sa aming mansion dahil sa disappointment na binigay ko kay Dad.
Yes, mansion ang tinitirhan namin pero baon pa rin sa utang si Daddy. Nalulong lang naman siya sa sugal ng mamatay si Mommy 3 years ago dahil sa sakit na cancer. Doon niya binuhos ang oras niya sa pagcacasino kesa intindihin ang aming hacienda at mga negosyo.
"My gosh Isabela! I'm so proud of you! Paano mo natakasan ang isang batalyong bodyguards nina Gan?" Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Claire Sandoval, childhood bestfriend ko. Greatest supporter ko all the way.
Nakaharap si Claire sa kanyang vanity mirror habang nagme-make up.
Si Claire ang comfort person ko at ang bahay nila ang comfort place ko. Kapag may struggle ako sa buhay o kapag nagkakatampuhan kami ni Dad ay doon lamang ako pumupunta. Mga negosyante ang mga magulang nito at isa rin sila sa mga mayayaman sa aming lugar. Palibhasa parehas kaming solong anak kaya naging kapatid na ang turing namin sa isa't isa.
"Actually he saved me!" Nakahilata ako sa kanyang kama habang pinapanood ang pagaayos niya sa sarili.
"Saved you? Then, who?" Nagtatakang tanong ni Claire while putting her dark red lipstick on her upper lips. Party goer kasi 'to kaya everynight laging may awra.
"Basta! Nabwibwisit ako kapag naaalala ko ang daks na 'yon!" Napatigil ako sa aking nasabi at nanlaki ang mga mata. Hindi ko alam kung bakit lumabas ang mga katagang iyon sa aking bibig. Nahuli tuloy ako ni Claire. Sa dinarami-rami ng matatandaan ko ay iyong pagkalalaki pa niya.
"Daks??" Napatigil siya sa kanyang ginagawa at iniharap sa akin ang kanyang gaming chair na kulay pink. Palibhasa mahilig sa daks kaya naging interesado. "So, bakit may napasaling daks sa usapan?" Taas kilay niyang tanong.
"I- i mean, ducks! M-mga bibe!" Maang maangan ko.
Bawat galaw ko ay kabisado na ni Claire kaya alam na niya kung kailan ako nagsisinungaling.
"My gosh! Maria Isabela Buenaventura! Gamay ko na ang ugali mo at pagkatao mo! Alam ko kapag nagsisinungaling ka o hindi! Kaya umamin ka sa 'kin! Ano'ng meron sa daks na 'yan, huh?" Pagpupumilit niya sa akin.
Nagbuntung hininga ako." Okay! May maililihim pa ba ako sa 'yo?" Sabay irap. "Ganito kasi 'yon...Noong pagtakas ko kasi kanina, dinala ako ng mga paa ko sa isang resto bar. Doon ako naghanap ng matataguan. Pagkarating ko sa 2nd floor ng bar..." Naputol ako sandali dahil parang hindi ko na kaya pang ikwento ang susunod na pangyayari.
"2nd floor ng bar? Tapos?" Dugtong ni Claire.
"2nd floor ng bar..tapos..." My eyes rolled. "Tapos... bumungad sa 'kin yung dalawang babae at isang lalaki na may ginagawa sa kama!" Pagpapatuloy ko.
"Ano'ng ginagawa sa kama?" Tanong niya
"Tss. Alam mo na yun! Kailangan ko pa bang idetalye? Basta'yon na 'yon!" Inis kong sabi.
"Aba! Pwedeng nagchechess lang sila sa kama tapos tatluhan!" Pagbibiro ni Claire!
"Sira ka talaga! Anyway... I still have something to do. Gotta go!" Bumalikwas na ako sa aking pagkakahiga at sinuot ang sandals na hiniram ko kay Claire.
"Ano? Ang daya mo naman! Aalis ka na agad? Ni hindi ka pa nga nakakapahinga ng ayos!"
"I'm okay sis!" Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya. "Thank you for always being there for me! I appreciate it!" Sambit ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.
BINABASA MO ANG
I Hate You, I Love You
RomanceLiam Ford Guazon--a multi millionaire business man, terribly handsome and the KING OF THE BARS. It's so easy for him to get any girl he wants because he is the God of babes sabi ng iba. Wala siyang sineryoso ni isa sa mga babaeng 'to kahit maging si...