Kumaripas ako nang takbo matapos ang sandaling iyon. Hindi ko na ininda ang nakayapak kong mga paa habang tumatakbo palayo sa cathedral para lamang matakasan ang mga bodyguards ni Gan Herrera, ang fiance ko. Isa sa pinakamakapangyarihan sa lugar namin ang kanilang pamilya. Matalik na magkaibigan ang daddy niya at daddy ko. Pero pagdating sa pera ay talo talo sila. Malaki ang utang ni Daddy sa Daddy ni Gan. Lubog sa casino si Dad kaya wala siyang malaking halaga para ipambayad. Kaya ako ang natatanging solusyon ni Dad. Ang kabayaran sa mga utang niya. Malaki ang pagkagusto sa akin ni Gan kaya ito ang humingi ng pabor sa kanyang ama na ipakasal kami sa isa't isa.
Tumigil ako sandali sa harap ng isang resto bar na nagseset up pa lamang ng kanilang alfresco, ang L HIVES. Alas sais na non ng hapon kaya medyo padilim na. Kapag garden wedding naman kasi ay mas romantic ganapin kapag hapon. Pero para sa kanila lang 'yon sakin ay hindi. Wedding without love is never be romantic. Humihingal pa akong pumasok sa loob ng resto bar.
"Ma'am, sorry pero close pa po kami! 7pm pa po kami magbubukas!" Bungad sa akin ng isang lalaking nakaitim na t-shirt na pawang nagtatrabaho sa naturang resto.
Parang bingi lang ako na walang napakinggan dahil ang naiisip ko lang ay kapag naabutan ako ng mga body guards ni Gan Herrera, ay katapusan na rin ng buhay ko. Ipipilit na nila ang kasal na sila lamang ang may gusto.
Hindi naman maiwasan ng mga nagtatrabaho roon na mapatingin sa akin dahil suot suot ko pa ang aking tube white dress habang walang saplot ang aking mga paa. Simpleng dress lang ang pinili ko. Sinadya kong hindi magarbo para madaling makatakbo.
Pilit pa rin akong pinipigilan ng mga waiters lalo pa't naramdaman nilang sa 2nd floor ako patungo.
"Ma'am hindi po pwede diyan! Malalagot kami kay Boss!" Pakiusap na ng isang waiter.
Nasimpatan na ng aking mga mata ang body guards ni Gan sa labas. I have no time to explain sa waiter kaya kumaripas na ako pataas.
"Please, kuya! Ngayon lang please! Masisira ang buhay ko kapag hindi mo 'ko pinayagan umakyat sa taas!" Sabay tulak sa kanya na nakaharang ang mga kamay sa hagdan.
Umingit na rin ang pintuan ng front door ng bar at nasundan na ako ng mga body guards.
Hindi ko na inisip na baka kaya ayaw ako pataasin dito ay baka may VIP na guest na nagrent ng buong room.
But I don't care! I can pay all the damages I made kahit marami kaming utang makatakas lang ako sa mga humahabol sa 'kin.
Malawak rin ang taas kaya may time pa ako para magtago. Ramdam ko na rin ang yabag ng mga bodyguards pataas ng hagdan.Wala ring nagawa ang mga waiter na nasa ibaba dahil tinutukan na sila ng baril ng mga impaktong iyon. Kaya ang tanging solusyon na lang na naglalaro sa utak ko ay doon magtago sa private room na sinasabi nila. Kaya hindi na ako nag-alinlangang pumasok dito.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang dalawang babae at isang lalaki na may ginagawa sa kama.
"F'ck!" Bulalas ng lalaki na nando'n.
Namula ang aking mukha at ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. Ang dalawang babae naman ay kumalas sa pagkakapulupot doon sa lalaki at nakahawak sa kanilang kumot.
Kung tatayo lang ako do'n maaring mahuli na ako ng mga body guards. Pero kung gagawa ako ng paraan kahit na pagsisihan ko pa sa huli ay maliligtas ko ang buhay ko from Gan.
Tube dress lang ang suot ko at madaling hubarin dahil hihilahin lang ang zipper sa likod.
I unzip my tube dress at dumiretso sa kinaroroinan ng lalaking nasa kama. Itinakip ko sa aking likuran ang kumot na nakasapin sa kanya. I also untie my hair para hindi nila mahalata ang hitsura ko. Half naked na ako dahil ang foam sa dibdib na gamit ko ay nakafix na sa dress kaya I have no choice but to make silly thing na ngayon ko pa lang gagawin sa tanang buhay ko. Maging ang dalawang babae ay nagulat sa inasal ko. Sino ba naman ngang hindi magugulat kung may basta na lang susulpot at makikisali sa ginagawa nila?
"Shet! Bahala na! Nariyan na ang mga impaktong bodyguards! Ilalaban ko na 'to!" Bulong ko sa isip habang nakacross finger.
Hinalikan ko ng walang alinlangan ang lalaking nando'n. Ramdam ko na may tumitigas sa bandang ibaba ko habang hinahalikan ko siya. Gusto ko ng lumubog sa kinaroroonan ko sa hiya pero kailangan kong gawin 'to. Nakamulat lang siya habang dinadama ang mga halik ko.
Umingit ang pinto at pumasok ang isa sa mga bodyguards. Inakala ng mga kurimaw na iyon na ibang tao ako dahil nakatalikod at walang saplot kaya agad nilang sinaraduhan ang pinto. Buti na lang na hindi nila nakita ang damit na hinubad ko.
"Boss! Wala siya rito eh! Baka dumaan sa fire exit! Natakasan tayo!" Rinig kong sabi ng isa sa mga bodyguards sa kausap niya sa kabilang linya gamit ang kanilang Woki Toki.
Nang masigurado ko na wala na nga sila doon ay kumalas na ako sa paghalik sa kanya.
"S-sorry!" Panay ang sorry ko sa kanya at sa dalawang babaeng naroroon.
Natameme lang ang lalaki at speechless pa rin hanggang ngayon.
Karipas akong umalis sa pagkakapatong sa kanya at bumaba sa kama.
Habang sinusuot ko ang aking hinubad na damit ay panay pa rin ang sorry ko sa kanila.
"Guys, I apologized talaga sa rude actions ko kanina! It meant nothing, okay! I just need to escape from those monster bodyguards! Thanks for saving my life!"
Ramdam ko na nawalan na sila ng gana sa ginagawa nila dahil sa interruptions na ginawa ko.
"Who the f'ck are you?" Seryosong tanong ng lalaki na nanlilisik ang mga mata sa 'kin. Gulo ang buhok na nakapirmi pa rin sa kanyang kama. Mapula at makipot ang mga labi at namumungay ang mga matang nakatitig sa akin. Mukha siyang lasing pero gwapo pa rin.
Nanlaki naman ang aking mga mata ng alisin nito ang saplot na kumot at tumayo papalapit sa 'kin.
"Shet!" Tanging nabanggit ko ng makita ang kanyang pagkalalaki. Hindi ko matantsa ang haba basta ang alam ko daks siya. Madali kong sinuot ang aking damit nang bigla niya hatakin ang dalawa kong braso.
Isinandal niya ako sa malaking salamin na nandon at kinorner gamit ang kanyang matitipunong mga biceps.
"Who are you?" Mahina niyang tanong sa 'kin. Matalim niyang tinititigan ang aking buong mukha.
Nakatitig lang ako sa kanya. Dumidikit na sa akin ang kanyang pagkalalaki ngunit halatang sinasadya niya ito.
"Huh? Speak! Answer me!" Patuloy ang temptations sa tono niya. Samantalang ako ay nakatanga pa ring nakatingin sa kanya.
"A-ahm..!" Napalunok ako sa kaba. "Stay away from me!" Itinulak ko na siya papalayo sa akin. Baka kasi hindi ako makapagpigil na patulan siya sa gusto niyang mangyari kaya kailangang pigilan ko ang sarili ko. Isa pa hindi siya kasali sa mga plano ko kaya kailangan ko ng umexit sa lugar na yun.
Pagkatulak ko sa kanya ay ngumisi lang siya sa akin at hinawakan ng marahan ang kanyang mga labi.
"Want more?" Panunukso niya sa akin pero wala na akong oras para makipaglandian sa kanya. Hindi ko na sinagot ang tanong niya at nagmadali na akong lumabas ng kwarto bago pa may mangyari ulit.
Dumaan ako sa front door ng masigurong wala na ang mga humahabol sa 'kin. Nakatanaw naman sa 'kin yung lalaki sa 2nd floor habang papalabas na ako ng resto bar na iyon.
"Come back Ms. 32 B!" Sabay hagighik sa kinatatayuan niya.
Napahawak naman ako sa aking dibdib. Alam ko ito ang tinutukoy niyang bwisit siya. Pake ba niya e babago pa lang ako pinamumukulan. Pasalamat nga siya at siya ang unang nakakita nito. Bwisit!
Hindi ko na pinansin ang kanyang sinabi at tuluyan na akong umalis. And no plans of coming back! Never!
BINABASA MO ANG
I Hate You, I Love You
רומנטיקהLiam Ford Guazon--a multi millionaire business man, terribly handsome and the KING OF THE BARS. It's so easy for him to get any girl he wants because he is the God of babes sabi ng iba. Wala siyang sineryoso ni isa sa mga babaeng 'to kahit maging si...