Unexpected You by MyrrhRamirez
Chapter 11: Ice Cream Incident
"Sigurado ka ba dito Anna? Mukhang hindi naman pupunta yung Elisha girl na yun." inip na inip na sabi ni Myrrh.
"Keep calm guys, base sa nakuha kong source madalas dito ang dating place nila ni Van, and guys relax nga lang kayo! Hindi tayo makikilala sa itsura natin." kampanteng sabi ni Anna samin.
Nandito kasi kami ngayon sa isang Ice Cream Parlor at asual tulad nga ng naging plano ni Anna ay aalamin namin kung anong meron kay Elisha. Alam kong masama tong gagawin namin pero ang sabi naman nila eh hindi daw matatahimik ang kanilang kaluluwang makulit kung hindi nila aalamin kung anong meron dun sa Elisha. Hayys, mga baliw talaga! -_-!
Batay kasi sa nakuhang impormasyon ni Anna madalas daw tambayan nila Elisha ang Ice Cream Parlor na to. Hindi ko nga alam sa sarili ko kung bakit ako pumayag sa kalokohan nila.
"Be ready guys, nandito na sya.." bulong ni Anna kaya naman agad naman kaming naghiwa-hiwalay.
Mahigpit ko namang hinawakan yung tray dahil sa inasign nilang ako ang kukuha ng order ni Elisha, tsk! Mapapasubo pa yata ako nito ah.
"Ahm...excuse me miss..." sabi ko para makuha ko ang atensyon nya.
Napalingon naman ito sakin at saka ngumiti.
"Tulad ng dati.." sabi nito at saka muling ngumiti.
"H-Huh?"
"Bago ka ba rito?" tanong nito sakin.
At saka nagawi ng mga mata nya yung nameplate na suot ko, tsk! Mahuhuli yata ako nito eh!
"Mukhang bago ka nga rito ngayon lang kita nakita dito eh! Yung rocky road miss, dalawa.."
"Rocky road for 2, ok!" masiglang sabi ko para hindi mahalatang ako si Elica.
Kaya naman agad ko namang tinalikuran ito at nagmamadaling pumunta sa may counter kung saan nakaasign si Anna pero..
"Wait you looked familiar?" napahinto naman ako sa sinabi nya.
Dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya.
"B-Baka may kahawig lang ako ma'am.."
"Siguro nga, sige paki asikaso na lang yung order ko darating na kasi si Kuya.." at simpleng ngumiti ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/40674928-288-k465379.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected You [CGS #3]
General FictionSometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises. SURPRISE? Yan bang lagi kang naeexcite sa mga bagay-bagay na alam mong magiging masaya ka? Ako, gusto ko lagi yung nasusurpresa ako and i really really love it. But one day...