Unexpected You by MyrrhRamirez
Chapter 26: Baby Stuffs
"Ate kung pink na lang?" suggest ni Elisha dun sa baby dress na hawak nya.
"Wag muna tayong bumili ng gamit ni baby, hindi ko pa naman alam kung girl or boy ang baby ko.." sabi ko habang namimili ng baby bottle.
"Ehh...sige..bakit ba kasi ayaw mong magpaultrasound? Para malaman mo na rin kung ano ang gender nya?"
"Ayoko. Hindi na kasi surprise pag ganun.." at binaling ko yung tingin dun sa ibang baby stuffs.
Naghanap na lang kami ng kung ano-ano ni Elisha dito sa Baby World. Hindi naman kasi ako masasamahan ni Dale dahil papalapit na ang concert nito. Hays...Sobrang busy tao.
Nagulat naman ako ng bigla naman akong hilain palayo ni Elisha dun sa Baby World, at pumasok kami sa kabilang boutique at nagtago sa dressing room.
"Elisha an-"
"Shhh...They here.." sabi nito sakin at saka sumilip sa iisang butas ng pinto ng dressing room. Hinayaan ko na lang sya sa ginagawa nya.
Ewan ko ba pero dinadala ako ng kruyusidad ko sa ginagawa nya ngayon.
"What are they doing here?" bulong na sabi nito.
"S-Sino?" tanong ko na kunwari wala akong alam sa nangyayari.
"Mukhang hindi mo magugustuhan tong sasabihin kong ito Ate. Kuya Van and that potassium girl is here.." sabi nito at saka bumaling ulit ng tingin dun sa butas.
Napangisi na lang ako sa sinabi ni Elisha, hindi ko alam na magiging potassium na rin ang tawag nya kay Agatha. Paano nya nalaman? Dahil sa madaldal na bunganga ni Mark Regie.
"Eh ano naman kung nandyan sila?" tanong ko.
"Hindi magandang magkita kayo Ate, you know why? Sigurado naman magtatantrums na naman yang Agatha na yan at panigurado na ring gagawa yan ng eksena dito sa mall.."
Bigla ko namang naalala yung kinuwento nya sakin na gumawa daw ng eksena sa loob ng bahay nila. Pagkatapos ay sinisi kay Elisha yung kasalanang ginawa ni Agatha dahil na rin babaeng hitad na yun. Sa mga kwento pa lang ni Elisha may kulo na rin sa loob nyang si Agatha.
"So hanggang anonbg oras tayo magtatago dito?" tanong ko sa kanya.
"Chill, paalisin lang natin sila.."
Napasandal na lang ako sa isang gilid dun at naglaro na lang ako ng temple run dun sa phone. Mahigit kalahating oras din kami rito bago kami makalabas sa dressing room.
"Ate, sa palagay mo ano kayang ginagawa nila sa Baby World ni Kuya? Don't tell me nagdadalang tao din yung babaeng yun?" tanong ni Elisha sakin.
Napahinto naman ako sa paglalakad ng sabihin nya yun at saka napalingon sa kanya.
What if..\
"Ano?" tanong ko na parang out of the blue.
"Sa palagay mo buntis din ba yung babaeng yun?" tanong ulit nya sakin. "Never mind Ate baka naiistress lang kita, don't worry im on it.." saka nginitian lang ako nito at nagpatuloy sa paglalakad.
Paano kung nagdadalang tao din yung babaeng yun? Paano na lang ako pag nangyari yun?
***
Nagpaalam na ako kay Elisha ng ihatid ako nito sa apartment ko. Hindi ko lubos maisip baka may posibilidad na mangyari yun.
Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay naabutan ko ang isang delivery box sa pinto. Hindi ko man lang nakita dun sa box yung nagpadala nito. Ni walang pangalan kung sino. Nagsimula naman akong kabahan ng bubuksan ko na yung box ay tumambad sa harapan ko ang mga gamit ng baby.
"Weird.." sabi ko.
Hinila ko na lang papasok yung box dahil hindi ko naman kayang buhatin yun. Pagkapasok sa loob ay agad ko namang kinontact si Kuya Gil at tatanungin dito sa kalokohan nya.
*toot toot*
"Yes hello?"
"Kuya Gil salamat sa baby stuffs.." sabi ko.
"Huh? Anong baby stuffs? Balak ko nga sanang bilhan ka kaso sabi ni Dale sya ang bibili, bakit may nagpadala ba?"
"Ahh oo kuya Gil meron, akala ko kasi ikaw yung bumili nung mga stuffs na yun.."
"Akala ko naman kung bakit napatawag ka, sige ibaba ko na tong tawag at umiiyak na naman yung princess ko.."
"Ge Kuya gil pasensya sa istorbo.." then i end the call.
Napatingin na lang ako dun sa mga gamit na nasa harapan ko at napangiti na lang ako. Naramdaman ko namang parang sumipa si baby sa tiyan ko. Kaya naman naman napasandal ako sa sofa ng ininda ko yung sakit. Siguro masaya din sya katulad ko. Hinimas ko na lang ang tiyan ko para mawala yung sakit.
"Baby, malapit ka ng lumabas diba? Sana bago mangyari yun kasama na natin yung daddy mo.." sbai ko habang hinihimas ko yun.
At naramdaman ko namang nagvibrate yung phone ko kaya agad ko namang kinuha yung phone ko.
From: +692234557891
Babe tomorrow sa OG Gyne, don't forget Agatha.
___________________________________________
Author's Note: Hey! Here the upadate? Pangit ba? Oh well alam ko hehe! By the way wala munang UD for this month and next month dahil busy na naman kami sa thesis kemerut na yun. Kaya hindi ako mamakaUD! Hope you understand, stupident din po ako at nagmumulti task lang ako at isang pansingit na UD lang tong ginawa ko. SO WALA MUNANG UPDATE ok?
BINABASA MO ANG
Unexpected You [CGS #3]
General FictionSometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises. SURPRISE? Yan bang lagi kang naeexcite sa mga bagay-bagay na alam mong magiging masaya ka? Ako, gusto ko lagi yung nasusurpresa ako and i really really love it. But one day...
![Unexpected You [CGS #3]](https://img.wattpad.com/cover/40674928-64-k465379.jpg)