AUTHOR'S NOTE: NO TIME NO READS! HAHA! ENJOY!! :)
Unexpected You by MyrrhRamirez
Chapter 27: Agatha's Revenge
Pagkatapos kong mabasa yung txt na nareceive na yun ay parang gusto kong durugin yung phone ko. Ang hirap isipin kung sinandya ba yun o sadyang wrong sent lang sya. Ano ba talagang gustong palabasin ng babaeng yun|
"Elica what's wrong? You looked tense.." bungad sakin ni Dale na kararating lang.
"Wala, just don't mind it. Magpapahinga lang ako." sabi ko at saka tumayo na ako para magtungon sa aking silid.
"Kumakain ka kaya muna, mukha hindi ka pa kasi kumakain Elica.." pag-aalalang sabi nito sakin.
"Busog pa ako.." walang ganang sagot ko sa kanya at saka tuluyang umalis.
***
Kinabukasan nagising na lang may pagkain na nakahain sa harapan ko. Talagang nagluto pa si Dale para sakin. Bigla naman naagaw ng atensyon ko ang phone ko na nagvibrate sa ibabaw ng desk ko.
1 message received
From: Dale
Don't forget to eat Elica :) Sinabihan ko na si Elaine na samahan ka. Ingat!
Napangiti naman ako sa text message ni Dale sakin. Kaya naman bumangon ako sa aking kinahihigaan at saka sinimulan na tikman ang niluto nito para sakin. Pagkatapos ay agad naman akong nagasikaso para magpacheck-up sa OB ko. Pagkababa ko ng kwarto ay nakita ko ang mag-inag Elaine at Tristan kumakain ng Cheetos habang nanonood ng TV.
"Aba ang aga nyong mambolabog na mag-ina dyan ah!" pabiro kong sabi sa kanila.
Napansin naman ni Elaine ang presensya ko at saka binigyan ako nito ng nakakalokong ngiti.
"Gising na pala ang mahal na reyna, akala ko hindi ka na babangon eh.." at sabay na tumayo ito. "Hey Tristan, say hi to your Tita Elica.." utos ni Elaine sa kanyang anak na busy sa pagkain.
"Hi.." tipid na sabi nito habang hindi ako nito nililingon.
Napabuntong hininga na lang si Elaine sa tintrato ni Tristan sakin.
"Pasensya na ha, masanay ka na sa batang yan. Alam mo naman parang yung kakilala mo rin.." pabulong na sabi nito sakin.
Ngumiti na lang ako bilang sagot at saka napatingin na lang ako sa gawi ni Tristan na nakabusangot ang mukha.
BINABASA MO ANG
Unexpected You [CGS #3]
Tiểu Thuyết ChungSometimes the most shocking surprises are also the most beautiful surprises. SURPRISE? Yan bang lagi kang naeexcite sa mga bagay-bagay na alam mong magiging masaya ka? Ako, gusto ko lagi yung nasusurpresa ako and i really really love it. But one day...
![Unexpected You [CGS #3]](https://img.wattpad.com/cover/40674928-64-k465379.jpg)