Chapter 5: Warrant Arrest

1.2K 33 0
                                    

Unexpected You by MyrrhRamirez




Chapter 5: Warrant Arrest


"What's wrong with that face Elica you looked tense.." sabi ni Elaine na kararating lang sa bahay ko.

"A-Ah? Tensed? Anong pinagsasabi mo Elaine?" pag mamaangmaangan ko.

"As you say...kunwari wala ka na lang narinig sa sinabi ko kanina, oh by the way nandito si Tristan kasama ko, Tristan! Come here!" tawag nya kay Tristan kaya naman lumapit naman sa kanya yung bata. "Say hi to your Tita Elica.."



At tumingin sakin si Tristan kaya naman nginitian ko ito, pero head to toe nya akong tinignan.



'What's wrong with this kid?'


"Hi.." sabi nito at nagbow lang ito at saka umalis sa harapan ko.


Napansin ko namang napasigh naman si Elaine sa inakto ni Tristan.


"Pagpasensyahan mo na si Tristan ah, ganyan talaga yan paano tinuruan ba naman ng Ian and the company kaya ganyan yang batang yan.." paliwanag ni Elaine.

"Hayaan mo na bata eh.." sabi ko at saka sinimulan ko ng isalansan yung mga pinamili ko.




Bigla namang nagvibrate yung phone ko sa lamesa kaya naman agad namang dinampot ni Elaine yun para sagutin.


"Oy si Anna tumatawag, sagutin ko?" tanong nito sakin.

"Sige lang.." at saka lumayo naman ito sakin.


"Hello?" napatingin naman ako sa kanya at nagulat naman ako ng ilayo nito ang phone nya.



Kaya naman pagkatapos kong isalansan yung mga pinamili ko ay lumapit ako kay Elaine para kausapin si Anna.


"Wait lang Anna.." sabi nito at pinindot naman nito yung loudspeak botton.

"Hey! Are you there Elaine?!" rinig kong boses ni Anna na galit na galit.

"Ano bang sinisigaw mo girl! Matatangal na yung eardrums ko sayo eh!" sabi ni Elaine.

"Ghad! Where's Elica? Ibigay mo nga sa kanya tong phone nya dali! Kailangan ko syang makausap! ASAP!" napapikit naman kami pareho ni Elaine dahil sa lakas ng boses ni Anna sa kabilang linya.



Sumenyas naman sakin si Elaine kaya naman kinuha ko mula sa kamay nya yung phone.


"Anna-"

"Oh my! Girrl! Ang tagal mo naman! Ano bang ginawa mo dito sa parking lot umamin ka!"

Unexpected You [CGS #3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon