CHAPTER TWO: BANG!

20 0 0
                                    

CHAPTER TWO: BANG!

Bwisit! As in B-W-I-S-I-T talaga!

Bakit kasi sa lahat-lahat pa, ako ang nautusan na dalhin 'tong mga test papers na 'to sa faculty room?! Hay! Nagtaka pa 'ko eh ako ang pinakamababa sa exam kaya ako ang may parusa. Tsk! Kasalanan ko bang mahina ako sa Math?

Hindi lang naman ako ang mahina sa subject na 'to e. Umamin kayo, kayo rin diba?

Matapos na nga 'tong mga 'to at ng madala na sa faculty room. I started to pick the papers up. Ipinatong ko sila sa kaliwang braso ko habang kinukuha ko naman gamit ang right hand ko 'yung iba pang papel.

'Yan! I'm off and ready to go!

Naglakad na 'ko papunta ng pinto. Tsk! Ang hirap pa man din nitong buksan. De-slide kasi e.

'Yung school kasi namin, para siyang Japanese school kasi 'yung upuan namin may table sa harap. Yung door namin de-slide nga, tapos may locker kami para sa mga sapatos.

Sa sapatos nakikita kung anong year mo na.

Mabuti naman at nakalabas ako ng maayos sa room. I started to walk faster para naman makauwi na 'ko agad.

Mabuti pa si Aina nakauwi na, eh ako? Eto taga-bitbit ng papel ng buong klase.

Bumaba na ko ng hagdan dahil nasa first floor kasi ang faculty, tapos nasa second floor naman yung room namin.

Yes! Isang liko na lang and I'm there na! Makakauwi na ko! Yeh--

Bang!

"Aww! Anak naman ng pitumpu't-pitong puting pato oh! Sino ba naman kasi ang--"

Hindi ko na naituloy ang pagsisintimyento ko nung makita ko kung sino ang nakabangga ko.

Nakatingala ako sa kanya habang siya nakatingin sakin with his usual bored look na parang walang nangyari at hindi niya ako nabangga.

"Woah! What happened?" Tanong ni King.

Lumapit sila samin habang ako nakaupo pa rin at nakatanga dito. "Ace, nabangga mo?"

"No," sagot niya. Aba't--- loko to ah!

"Ha? Bakit miss? Nadulas ka ba?" Inosenteng tanong ni King sakin. "Here let me help you."

Natauhan ako sa sinabi niya nang simulan niyang pulutin isa-isa yung mga test papers.

"A-ah! A-ako na." I tried to stand up pero napaupo lang ako dahil naramdaman kong may masakit sa paa ko.

"Hala! Are you okay?" Tanong ulit ni King sakin nang mapansin niyang hindi ako makatayo.

"Ah! Ha-ha-ha! Okay lang." Patay! Center of attraction na kami. Pano ba naman, itong apat na 'to ang nandito. Nakalimutan kong room pala nila yung katabi ng faculty room.

"She's hurt." Sabi ni Ace na ikinagulat ko.

Pero ang mas shocking, binuhat niya ko.

Bridal style.

"T-teka l-lang--" aangal pa sana ako ng titigan niya 'ko. Napaiba tuloy ako ng tingin.

"King."

Tinanguan lang siya ni King tapos umalis na silang tatlo papuntang faculty room. Hala! Baka mapagalitan ako. Baka sabihin hindi ko ginagawa ang trabaho ko.

"A-ah.. A-ano.. I-ibaba mo na ko, kaya ko naman. Baka kasi mapagalitan ako e."

"You're hurt." Dire-diretsong sabi niya habang naglalakad siya papunta sa kung saan. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.

Yung mga babae, ang sasama ng tingin sakin. Napayuko na lang tuloy ako.

"A-ano.. Pinagtitinginan na kasi tayo. I-I can manage naman. P-pwede mo na 'kong-- Ahhhhh!"

Shit! Ang sakit! Pucha naman oh!

"BAKIT MO 'KO BINITAWAN?" galit kong sabi sa kanya.

Ang sakit-sakit ng pwet ko. Pucha! Pati balakang ko yata nabalian.

"You said you can manage?" bored na sagot niya sakin.

"OO NGA! PERO PWEDE MO NAMAN AKONG IBABA NG DAHAN-DAHAN EH!"

Wala na 'kong pakielam kung masigawan ko siya ng bongga! Ang sakit-sakit kaya!

"Don't shout at me," seryosong sabi niya na siyang ikinatakot ko. Hindi na tuloy ako nakapagsalita.

Nagsimula na siyang talikuran ako at naglakad pabalik.

Seriously? Iiwan niya ako dito matapos niya akong i-injury. Siete! Pano ako nito?

I tried to stand up pero halos maiyak ako sa sakit nang gumalaw ako. Hawak-hawak ko ang balakang ko kasi parang anytime, hihiwalay na siya sa katawan ko.

Nagsimula ulit akong tumayo. At sa wakas, after so many attempts, nakatayo din ako with only one foot.

'Yung kaliwa ko kasi ang napuruhan kaya nakatayo lang ako gamit ang kanan kong paa.

Tsk! Pano na ba 'to? Ang layo pa ng clinic! Huhu! Maiiyak na ko! Pakshet! Kapag naman tumalon ako sasakit ang balakang ko.

I tried to step my left foot pero masyado siyang masakit para ihakbang. Napasandal na lang ako sa dingding.

Dito na lang yata ako hanggang kinabukasan. Ajuju! Ang saklap naman!

"So?"

"Ay kabayo ka!"

Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang may magsalita.

"I thought you can manage?" mapang-asar na sabi niya sakin.

"Ha-ha! Kanina 'yon nung hindi mo pa 'ko nai-injury! Ang sakit kaya ng balakang ko!" I said as I rolled my eyes.

In just a seconds nasa harap ko na siya, pinning me on the wall. Halos manlaki naman ang mata ko sa ginawa niya.

"You're the only one who have the guts to roll an eye on me. Tinatarayan mo pa ko kahit na injured ka ngayon?" He said, then he devilishly smirked.

Hindi na ko makaimik sa sinabi niya. Nakakatakot kasi siya! Parang anytime, lalamunin niya na 'ko ng buhay. Pero ang mas ikinawindang ng buong pagkatao ko ay ang sunod na sinabi niya.

"I like you. Be my girlfriend."

"W-wha--"

OMG! THIS IS SO UNBELIEVABLE!

First, nabangga niya 'ko.

Second, nilaglag niya ako sa pagkakabuhat.

Third, he's being rude and all.

Tapos ngayon, sasabihin niya sakin na maging girlfriend niya?

It's not a request, it's a demand! He's demanding me to be his girl.

And the most unbelievable part?

HE'S KISSING ME RIGHT NOW!

A Painful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon