CHAPTER ONE: THE CARDS

53 0 0
                                    

CHAPTER ONE: THE CARDS

"Tama na! Tama na please!"

"You're the one who started this. We're just returning the favor."

"P-pasensya na! H-hindi ko na u-ulitin," pagmamakaawa nito sa kanila. Halos sumubsob na ito sa lupa para lang maipakita ang sinseridad niya sa paghingi ng tawad.

"Tama lang 'yan sa kanya. Sinisiraan niya ang Cards ng patalikod. Psh! Serves him right!" Ani ng isa sa mga babaeng naroroon at nakiki-chismis.

This is so unfair! Bakit ba naghahari-harian yang mga koreanong hilaw na 'yan dito sa school?

Tsk!

Hindi na 'ko nasanay.

Since isa sa kanila ang may-ari nito.

Makakapangyarihan at mayayaman din sila. Sino nga naman ang maglalakas-loob na kalabanin sila?

Tanga lang ang gagawa 'non.

Parang itong lalaking nakasubsob sa lupa.

Hindi na niya dapat pa siniraan ang grupo sa iba. Bobo talaga!

"What are we going to do now?"

Sabi ng isa sa grupo na kulay brown ang buhok.

Si Kwak Min Jun.

That's he's Korean name, pero mas kilala siya sa pangalang Jack. The Casanova in the group.

Sampung babae sa isang araw ang umiiyak dahil lang sa kanya. Pero kahit na madaming babae ang pinapaiyak niyan, madami pa ding naghahabol at gustong mapabilang sa mga koleksyon niya. They've said that he's irresistible. Like duh! Parang hindi naman.

"I don't know. I'm bored, tired and sleepy. Let's just end this sh*t."

Sagot ng isa sa kanila na para bang bored na bored.

Naghikab pa ito sabay ng pagkarinig ko ng pagtunog ng click ng mga cameras ng mga babaeng chismosa at kilig na kilig kahit naghihikab lang siya.

But yeah, I won't deny it, si Park Hyeong Seok also known as Spade is one hell of a dazzling, dashing, sizzling, shimmering guy.

Ah basta! Kahit ano pang may 'ing' sa dulo 'yan. Gwapo talaga siya in all fairness. Idagdag pa ang kulay asul nitong buhok na lalong nakadagdag sa karisma nito. Pero kabaligtaran ng ugali ni Jack ang ugali ni Spade.

He don't give a damn to any girls, I don't know why. Maybe he's a misogynist.

"C'mon! Hindi pa tayo nagsisimula guys!" Disappointed na sagot ni Lee Chi Hoon a.k.a King.

Siya ang joker ng barkada. Mas kilala bilang the Manipulative jerk dahil kaya niyang paikutin ang lahat.

Siya rin ang may-ari ng Lee Academy. Hindi naman masyadong halata sa pangalan no?

"H-hey Ace! Where are you going? We're not going to finish this?" Sabi ni King ng mapansin niyang aalis na sa eksena ang isa sa mga kagrupo niya.

Si Park Tae Jun or should I say, Ace Park.

Ang pinakatahimik, monosyllabic guy at pinakamisteryoso sa grupo. Pinakalapitin ng mga babae kahit na ini-ignore niya ang mga ito.

Pareho sila ng ugali ng pinsan niyang si Spade. Well, ano pa bang iba don eh magpinsan nga sila.

Silang apat ang kilabot at kinatatakutan ng mga lalaki sa eskwelahan na 'to. At syempre, kinakikiligan naman ng mga babae.

Sila ang grupo na tinatawag na The cards.

Yes. As in cards, baraha. Tama ang pagkakabasa niyo guys. Just check they're names para naman ma-gets niyo.

Balik tayo sa eksena. Kasalukuyan ng umaalis si Ace ng tawagin ulit siya ng makulit na si King. He stopped walking then he faced King. Tumama pa ang maitim na maitim niyang buhok sa araw.

Shocks! Hindi ko maintindihan pero bakit parang pati mata ko kumislap, kasabay ng pagkislap ng buhok niya?

"Just do what you want to do King."

Gasp!

OA! Ang OA ng mga babaeng to!

Nagsalita lang ng mahaba si Ace, napa-gasp na sila? Tsk! Sabagay, kahit ako nagulat. Nakakapagsalita pala 'yan ng ganyan kahaba?! Kala ko kasi bulol 'yan kaya one word lang kung magsalita.

Oh well, kanina pa 'ko nagsasalita dito pero hindi niyo pa nga pala ako kilala.

My name is Raine Sandoval. Common na right? Well, 'yan ang pinangalan sakin ng parents ko e. You might as well ask why I'm here kaya naman sasabihin ko na.

Wag na wag niyong iisipin na nakiki-chismis din ako ha, because it's a big NO! Kaya ako nandito dahil sa bff ko.

Si Aina.

Why? Kasi gusto niyang makita ang lovey-dovey daw niya.

Eew!

Sino kamo?

Tentenene-nenen!

The great Casanova, Jack.

Oh diba? Kaimbyerna! Sa lahat pa ng magugustuhan nitong babaeng to si Jack pa!

Si Jack na babaero.

Si Jack na paasa.

Si Jack na malandi.

At higit sa lahat, si Jack na walang ibang gagawin kundi ang lokohin at saktan siya.

Hays! Naghahanap yata ng sakit sa puso itong kaibigan ko. Kung hindi ko lang mahal 'to, nasipa 'ko na 'to papunta sa bermuda triangle.

Sumasakit ang ulo ko! Ayaw ko na! Makaalis na nga dito, tutal tapos na naman ang pelikula. Hinila ko na ang best friend ko papunta sa room.

"Oy Raine, bakit mo 'ko hinila? Nandoon pa ang Jack ng buhay ko!"

Yuck! Kinilabutan ako sa sinabi ni Aina kaya naman humarap ako sa kanya.

"Hoy Aina! Pinayagan na kitang hilahin ako 'don kanina ha! Tigil-tigilan mo na 'ko diyan sa kaka-Jack mo!" Sabi ko sa kanya habang naka-cross arms with matching taas ang kilay pa.

"Ehhh! Bessy naman eh~! Bakit ka ba ganyan? Bakit hinahadlangan mo ang kasiyahan ko?" Sabi niya sabay iyak pa kunyari.

"Hoy, hoy, hoy! Hindi kita hinahadlangan diyan sa love life mo o kung ano man 'yan. Nako! Binabalaan kita Aina! Maganda ka, kaya 'wag kang magpakatanga sa Jack na 'yon."

Heto na naman kami sa sermon mode. Palagi ko kasi siyang pinangangaralan sa bagay na 'to dahil alam ko naman kung san to tutungo, kaya mas mabuti pang ibaling na lang niya ang pagtingin niya sa iba.

"P-pero, malapit na niya akong maging Rose. Kanina lang kinindatan niya 'ko. Tapos kahapon, he even called me Rose. Ako daw ang magiging Rose ng buhay niya katulad sa Titanic. See that bessy? Ako lang ang tinatawag niyang Rose. Kahit sa mga naging babae niya hindi niya tinatawag ang mga 'yun ng ganon."

Porjosporsanto!

Tinamaan ka nga naman ng kidlat!

Bigla na namang nagbago ang aura ni Aina. Kulang na lang maging hugis puso na ang mata niya.

"Can you please stop that Aina? Bahala ka! Basta yung sinabi ko sayo ha? Hindi na 'ko magsasalita kapag nasaktan ka," I said bago ako nag-walk out papuntang classroom.

Jack is into Aina. Hindi ko alam kung anong gusto niyang mangyari. Pero kapag talagang sinaktan niya ang best friend ko, lintik lang ang walang ganti at maghahalo ang balat sa tinalupan! Itaga niyo yan sa matigas na tinapay.

Nasa gitna ako ng drama ko habang mabilis akong naglalakad papuntang room nang mapabaling ang tingin ko sa isang puno malapit sa may bench sa gilid ng soccer field.

He's just standing there, staring at me.

Nakasunod ang mga mata niya sakin.

Pumasok na 'ko sa room at dumiretso sa upuan ko sa dulo katabi ng bintana. Sinilip kong muli yung puno kung saan siya nakasandal at nakatayo, pero nung pagtingin ko, wala na siya 'don.

Am I just dreaming or hallucinating that the great Ace Park of The Cards is standing there and looking directly at me?

Suddenly, I felt shiver down my spine, together with the loud thumping inside my chest. It's weird, really weird.

A Painful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon