CHAPTER FIVE: BULLIED

13 0 0
                                    

CHAPTER FIVE: BULLIED

MAG-ISA akong naglalakad sa hallway ng school at napapansin kong kanina pa nagbubulungan ang mga babaeng 'to, hindi ko naman alam kung bakit. Nakakairita na ha!

"Bessy!"

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Aina.

"Oh?"

Bigla naman niya akong niyakap.

"Okay ka na ba?" Tumango lang ako sa tanong niya.

"Hindi mo ba natanggap ang text ko?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

Text? Luh. Naiwan ko nga pala phone ko sa bahay pagmamadali kanina kasi baka maabutan ko pa si Quen, sumama lang araw ko.

"Hindi ka kasi pwedeng pumasok ngayon kasi delikado," pagpapatuloy niya.

"Ha?" Naguguluhan kong tanong sa kanya.

Agad naman siyang luminga sa paligid. Tinignan niya ng masama ang mga babaeng nasa paligid namin tapos ay hinila niya ko sa may locker room kung saan kami lang ang tao.

"Hindi ka pa dapat pumasok kasi mainit ka pa sa mata ng madlang pipol!"

Lalo namang napakunot ang noo ko sa mga pinagsasabi ni Aina at mukhang na-gets naman niya na hindi ko talaga siya maintindihan.

"Look, alam na ng buong school ang tungkol sa inyo ni Fafa Ace. May nakakita kasi sa inyong naghahalikan sa may hallway. At alam mo ba kung anong ginawa ng mukhang hipon na nakakita? Pinicturan lang naman kayo at pinaprint ang photos ang then ipinaskil pa sa buong school."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Aina.

Oh hindeee! This is the end na nga ba?

May nakakita pala samin nung araw na yon?

"S-si Ace? A-anong ginagawa niya? Bakit hindi niya pinipigilan ang mga dulong na yon?!" Naiinis na sambit ko habang napapasabunot sa buhok ko.

"Yun nga bessy. Wala kasi ang Cards ngayon."

"What?!" Napapanic na tanong ko.

"Walang nakakaalam kung nasaan sila pero ako lang may alam kung nasaan sila kasi sinabi sakin ni My loves. Nagpunta sila sa Paris dahil daw ikakasal ang kapatid ni Jack my loves doon kaya talagang mapapahamak ka."

"Shit! Ano nang gagawin ko ngayon?! Eh mukhang mangangain ng buhay yung mga babaeng nakakasalubong ko?"

"Umuwi ka na lang kaya bessy?"

Napaisip ako sa sinabi ni Aina pero dahil nandon ang kinaiinisan ko sa bahay. I don't have a choice but to stay here dahil alam kong mas mabuti nang nandito ako kaysa naman nasa bahay ako.

"No, I don't care. Wala naman akong ginawang masama sa kanila. Subukan lang nilang saktan ako. Lintik lang ang walang ganti."

Napangiti naman si Aina sa sinabi ko sabay sabing, "Go bessy! Aja!"

Hala! Bigla naman akong kinabahan.

"Pero bessy, ikwento mo sakin ang buong pangyayari ha? Kung paano mo nabihag ang puso ng isang dakilang Ace Park," ngiting-ngiting sabi nito sakin.

Napailing naman ako sa kanya. Hay nako! May lahi talagang pagka-chismosa 'tong si Aina.

~*~

Mabilis ang naging pagtakbo ko papunta sa likod ng building ng Business Ad. Department. Hindi ko na kaya to! Pagod na pagod na ako. It's been three days since it all started. Mukhang seryoso ang fans club ni Ace na pahirapan ako.

A Painful RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon