TBM-3(Edited)

7.6K 138 0
                                    

Nasa bahay na ako ngayon. Nakakapagod talaga kanina. Ang daming um-order na customers. Kadalasan pa roon sa customers ay mayayaman at maraming inorder na pagkain. Malapit na akong mahimatay kanina. Syempre, joke lang 'yan. Malusog kaya ako.

Hinatid na pala kanina ni Shaneil si Wayne sa bahay. Dahil nga sa excitement ko ay nawala sa isip kong sunduin ang anak ko. First day of class pa naman niya. Kawawa nga si Shaneil eh kasi pinahirapan pa siya ni Wayne kanina. Hindi kasi siya mapilit na umuwi kung wala ako, ngunit nabola niya ang anak ko ng ice cream. 'Yan ang kuwento ng anak ko pagdating ko rito sa bahay.

Nakasandal ako ngayon sa headboard ng kama habang si Wayne naman ay natutulog sa lap ko. Pagod na pagod siya sa first day niya. Hindi ko rin alam kung ano ang ginawa niya buong araw habang hindi ako nakauwi kanina. Half-day lang kasi siya. Sinuklay-suklay ko ang buhok niya habang mahimbing pa rin siyang natutulog. Habang nakatingin ako sa kanya ay biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng ama niya.

Napahinga ako nang malalim. Magkamukha nga sila ni Harvy. Oo, inamin kong magkamukha talaga sila. Kapag natutulog kasi si Wayne ay naalala ko si Harvy kung paano siya noon natutulog din sa lap ko.

"You're so pretty, labs."komento niya sakin.

"Psh. Bolero ka talaga."sabi ko at hinampas ko siya nang mahina.

"I love you, labs."he said in his sweetest tone.

"I love too, labs. Forever and always."

"Always and forever."hinalikan niya ako.

Ewan ko ba at nasabi ng principal kanina na magkamukha kami ni Wayne. Wala naman kaming resemblance eh. Namana kaya niya sa ama niya lahat. Kahit kulay man lang sa mata ko, hindi. Naramdaman kong may kumawalang luha sa mata ko.

Tsk. Pisteng luha 'to. Ang O.A lang ha. Hanggang ngayon ba ay affected pa rin ako? Mahal ko pa rin ba siya? Napahinga ako nang malalim at mabilis na pinunasan ang pisngi ko.

Parang, oo. Mahal ko pa rin yata siya hanggang ngayon. Hindi pa rin kasi nawawala ang sakit sa dibdib ko eh. Ang sakit kaya. Hindi kami nag-break up at walang closure na nangyayari. Mahirap mag-move on kung ang taong mahal mo ay bigla-bigla ka nalang iiwan sa ere. Hindi ko namalayang nagising ang anak ko.

"Mommy, are you crying?"mahinang tanong ng anak ko habang kinusut-kusot ang mga mata niya. Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Agad kong kinapa ang pisngi ko at baka may luha pang naiwan. Ayaw na ayaw ko talagang makita ako ng anak ko na umiyak. Ayaw kong makita niya ang paghihirap ko. Gusto kong malaman niyang masaya ako araw-araw kasama siya, at hinding-hindi ako nag-regret na ipinanganak siya.

"Baby? Did I wake you up?"nag-alalang tanong ko habang nakatingin sa kanya. Imbes na sagutin niya ako ay tumayo siya at umupo sa tabi ko at saka niyakap ako nang mahigpit.

"Mommy, don't cry na po. Daddy will get angry if you cry po. He is happy now po in heaven. I know he is still watching to us. I can feel it po."malungkot niyang banggit habang inatake ako ng konsensya ko.

Kung alam mo lang Wayne, gusto ko sanang sabihin sayo na buhay pa ang ama mo kaso hindi ko pwedeng sabihin eh. Lalo ng nandito na siya ngayon. Baka masaktan ka lang at ayaw kong masaktan ka. Mahal ka ni mommy. Ayaw kong pagsalitaan ka ng hindi maganda sa mata ng sosyalidad. May hindi magandang nangyari kasi noon. Ganito 'yung nangyari.

Pumunta kaming palengke ni Shaneil kasama ang anak ko. Sabi kasi ni Shaneil na sasamahan niya raw kami, kaya ayon. 2 years old pa si Wayne this time.

Buhat na buhat ko ang anak ko dahil natatakot ito sa mga palaboy na mga aso. Alam niyo naman kasi, sa public market kami pumunta. Nakatingin lahat ng tao sa akin lalo na sa aking anak. Hindi ko nga alam kung bakit iba ang tingin nila sa akin eh. Todo ngiti pa naman ako sa kanila.

The Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon