Kurt's P.O.V
Hindi pa rin ako maka-get over sa nangyari, like what was that? Ako na boss dito ay sinisermunan niya? Sino ba siya sa tingin niya? Nasapo ko ang noo ko habang naalala ko kung sino siya. Fuck. Hindi ko akalaing makikita ko siya rito. After all what happened in the past, kinalimutan ko na siya, silang dalawa. Nakakagulat lang dahil nakikita ko siya this year. Akala ko namamalik-mata lang ako kanina, but shit. Siya nga. Hindi kaya niya ako namumukhaan? The last time we saw each other ay sa elevator doon sa isang condominium. Napailing-iling ako habang may ngiti sa labi ko.
Nag-break pala sila huh. Tingnan mo nga naman ang ginawa ng gagong 'yun. May pasabi-sabi pang gusto niya ang babae, eh mukha namang ginaya niya lang sa ibang babae niya. Naalala ko tuloy 'yung nangyari 'nung nakaraang araw. Tsk. It was still fresh in the flesh ang nangyari. Akalain mo 'yun, pinagpalit niya ako sa lalaking 'yun. Ang dami kong akala ngayong araw. Napahinga ako nang malalim at tumayo na.
Aalis na ako eh. Sinayang lang ng babaeng 'yun ang oras ko. Ang daming arte sa buhay. Siya na nga ang tinutulungan, siya pa ang may ganang magalit. Dapat nga magpasalamat siya sa akin dahil concern ako sa budget niya. Papalabas na sana ako nang may natapakan ang paa ko. May nakita akong kumikinang na kuwentas doon. Pinulot ko 'yun at tiningnan.
It's a necklace that has a heart shape hanging. May nakita akong nakasulat doon, kaya nilapit ko 'yun sa tingin ko para mabasa ko ang nakasulat doon.
Aziza Grace.
Woah! Sa kanya pala 'to. Sa babaeng 'yun. Bakit ba 'to nandito? Ah, nahulog niya yata 'nung umalis siya. Napahinga ako nang malalim habang napahawak ako sa sentido ko. Saan ko naman 'yun hahanapin? She already wasted my time, and now I am obligated to return this to her. Hindi ko alam kung saan siya nakatira. Parang binibigyan pa ako ng porblema ng babaeng 'yun. Tangina.
Nilagay ko nalang sa bulsa ko ang kuwentas at tuluyan na akong lumabas sa opisina. Pagbaba ko sa hagdanan ay nakatingin lang ang mga waiters at waitresses sa akin at mabilis na nag-iwasan nang tingin nang nahagip ko sila. Ano naman kaya'ng tiningin-tingin ng mga taong 'to? Mabuti pa at magfocus sila sa trabaho nila. May problema na nga sa restaurant na 'to, may panahon pa silang magsayang ng oras. Ako pa naman ang tumatayong manager nila ngayon. I need to prove to the board na karapat-dapat akong maging C.E.O ng negosyo namin. Hindi ko nalang sila pinansin habang napatingin ako sa mini-stage dito.
I didn't expect that I was brought by a woman on the stage, where I was mesmerized by her voice while she was singing. I couldn't explain what I felt earlier. Para akong nadadala sa kinakanta niya dahil ako ang pinapatamaan niya.
Speaking about the song she sang, I have a strange feeling na may pinaghuhugutan siya sa kantang 'yun. Napailing-iling ako bago tinahak ang daan palabas. They are just wasting my precious time like earlier. Wala rin palang patutunguhan ang pakikinig sa babaeng 'yun. Not just that!
Nag-iwan pa ng kuwentas dito. Ano 'to, remembrance?
"Good bye, boss."walang ganang paalam ni Mimi habang bagsak ang magkabilang balikat niya. I knew she was disappointed. Ewan ko ba't parang close na agad sila ng babaeng 'yun, eh kakatawag niya lang sa akin kanina na may kakanta. Hindi ko nalang siya pinansin habang tuluyan na akong nakalabas sa restaurant.
Biglang uminit ang ulo ko. Ewan ko ba. Was it because of what that lady did earlier? Imbes na umuwi ako nang deritso sa amin ay dumeritso ako rito para lang makinig sa kanya? Tapos sa huli, wala akong mapapala? At may iniwan pa talaga at ako ngayon ang namomroblema kung paano ko isasauli sa kanya? Nakita kong umuulan, kaya mabilis akong nagtatakbo patungo sa sasakyan ko.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Mistake
General FictionDiscover the love story of a single mother who has the beautiful mistake she ever did in her whole life. [1st Novel by Rooarrf] [From October 2015 to February 28, 2017] #35 of Genfic Highest Rank of 2019: #1 of Acceptance