TBM-7(Edited)

6.2K 115 1
                                    

Aziza's P.O.V

Sa dumating na umaga, nasa bahay lang ako habang nakaupong mag-isa sa sofa. Hindi na ako pumasok sa resto dahil nagresign na ako kahapon. Hindi ko alam kung tama ba ang ginawa kong desisyon kahapon, ngunit paninindigan ko 'yun. Wala ng atrasan 'to. Ngayon pa ba ako aatras? Once you blow the air from your mouth, you cannot take it back. Hinatid na rin ni Shaneil si Wayne sa STES kanina. Gusto ko sanang samahan ang anak ko upang bantayan siya until uwian nila, ngunit may gagawin ako ngayong araw. Ano ba ang gagawin ko ngayon? 

Ngayon kasi ako maghahanap ng trabaho. Ewan ko ba kung may makikita akong job hiring sa panahon ngayon, ngunit sana meron dahil hindi na madaling maghanap ng trabaho. Mahirap pa naman ang ekonomiya ngayon sa Pilipinas. 

Ayon sa matandang napanood ko sa telebisyon, we don't need pity, we need opportunity. Hindi naman pwedeng tutunganga lang ako rito at manglimos lagi kay Shaneil 'di ba.

Kailangan ko na palang mag-ayos. Baka maubusan na ako ng oras. Napahinga ako nang malalim habang naalala ko ang narinig ko sa kanya kanina. 

Narinig ko kasi kay Shaneil kanina na nag-aaral ang anak niyang si Shaneila ng nursery isa isang private school. Gusto niya sanang ipasok sa STES, ngunit hindi nag-offer ang STES ng nursery. Hindi naman 'yun ang problema ko. Narinig ko kasing si Neil ang nag-aasikaso sa anak nila. Dahil dito, kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho. Nakaka-hiya na talaga kay Shaneil eh. Para na talagang responsibilidad niya kami.

Umalis na ako sa sala at pumasok sa kwarto. Nagbihis ako ng simpleng shirt na may Hello Kitty design at maong jeans na sinuot ko 'nung isang araw. Matagal na ang shirt ko na ito. Bili pa ito ni nanay sa akin 'nung nag-first year college ako sa university. Hindi ko ito masyado na-isuot no'n kasi loose pa sa akin. Parang kawayan kasi ako no'n eh. Ngayon, fit na fit na talaga sa katawan ko. Kitang-kita ang makurba kong katawan dahil sa paglalaba at iba pang gawaing bahay. 

Lumuhod ako sa sahig at kinuha sa ilalim ang lumang box. Binuksan ko ito at sinimulan kong halukayin ang mga gamit doon.

Nandito pa rin 'yung mga kimpit kong pambata. Yung halaga ay tag-5 pesos lang. Nabili namin ito ni nanay sa gilid ng daan. Kikay kasi ako no'n eh. Meron din dito yung bracelet ko na maraming pekeng perlas. Bili rin namin ito ni nanay noon. Hindi kami bumili ng earrings at kwentas na gawa sa pekeng gold kasi nangangati ang leeg ko at tainga. Doon ko nalaman na allergy ako. Ewan ko ba kung nagbibiro lang si nanay sa akin no'n, ngunit naniniwala naman ako kasi 'yun ang sabi niya. Halos lahat yata rito ay bili namin ni nanay. Ay! Hindi pala. May isa ritong bigay ng kaibigan niya.  

Kinuha ko ang kwentas na may nakabitay na heart shape habang nakasulat dito ang pangalan ko. Aziza Grace. Ito ang sinasabi ni nanay na bigay ng kaibigan niya. Binigay niya sa akin 'to 'nung nakapasok ako sa university. Hindi ko nga alam kung bakit binigay niya sa akin 'to, eh unang-una, may allergy ako at pangalawa, pwede namang kay Ate Faith niya ibigay. Dahil doon, hindi ko ito sinuot dahil natatakot akong makita ito ni Ate Faith. Ang weird nga lang eh kasi sabi ni nanay, huwag ko raw itong i-wala dahil importante ito sa pagkatao ko. Nagtaka naman ako kasi ano'ng connect? Bigay kaya 'to ng kaibigan niya sa kanya. Basta, sa pagkaka-alam ko lang, ampon lang talaga ako kasi magka-iba kami ng apelyidong dinadala. Nijaga sila at Gomez naman ako.

Sinuot ko 'yung kwentas habang lumapit ako sa salamin. Napa-awang ang labi ko nang nakita kong bumagay sa akin. Ang ganda pala! Umikot-ikot ako habang ang imahinasyon ko ay nakasuot ako ng gown. Kailan kaya ako magiging prinsesa? Ah, hindi. Magiging reyna? Napahinga ako nang malalim habang napatigil ako sa pag-ikot dahil sa hilo. Hindi pala ako pwede magiging reyna. Dapat kasi may hari. Eh, gusto kong reyna lang ako at prinsepe naman ang anak ko. Nabalik ako sa realidad nang narinig ko ang tunog ng alarm clock sa maliit na mesa. 

The Beautiful MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon