Aziza's P.O.V
This can't be. Bakit siya pa? Bakit sa lahat ng mga taong makikita ko kanina, siya pa? Pwede namang ibang tao 'di ba?
God, bakit ganito? Akala ko ba kakampi kita? Bakit pinagtagpo niyo po sila?
Napahinga ako nang malalim habang lalo akong kinabahan sa lumilipas na oras. I'm so afraid right now. Natatakot akong malaman niyang anak niya si Wayne. Natatakot akong kunin niya si Wayne sa akin. Ayaw kong mawala si Wayne! Anak ko siya at ayaw kong mawala siya sa buhay ko. Siya nalang ang mayroon ako. Paano na ako kung mawala siya sa akin?
Hindi. Hindi pwede! Hindi ako makakapayag na kunin niya sa akin si Wayne. Alam kong hindi sasama si Wayne sa kanya. Hindi maaakit ang anak ko sa kayamanan nila. Napahinga ako nang malalim habang naalala ko ang nangyari kanina.
Nang narinig ko ang boses niya, nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan. Feeling ko nga rin pati buhok ko sa ulo ko nagsitayuan eh, at saka 'nung napatitig ako sa kanya, may naalala lang ako.
Ang tingin niya kasi sa akin ay 'yun din ang tingin niya sa akin dati. 'Nung nagkakilala kami at 'nung naging kami, ngunit alam kong iba ang noon at ngayon. May kasama siyang babae at mukhang girlfriend niya ito.
Nang nakita ko silang magkasama, wala ng epekto sa akin, ngunit sa kalooban ko, parang..ang sakit?
Oo, may sakit dito oh. Dito sa dibdib ko. Hindi naman siguro ibig sabihin non nasasaktan ako nang dahil may kasama siyang ibang babae. Sa akin, nasasaktan ako dahil sa nagawa niya sa akin noon. Sino bang magiging masaya kung iiwanan ka nalang bigla? Tuwing naalala ko ang ginawa niyang pag-iwan sa akin sa ere, parang gusto ko siyang patayin dahil sa galit.
Oo, galit na galit ako sa kanya. Gusto ko siyang gantihan, ngunit hindi ko kaya kasi ano namang kaya ko? Mayaman sila at ako, mahirap lamang, ngunit hindi ko rin naman magawang maghiganti dahil ayaw ko ng gulo.
May kasabihan kasi na Ang taong umiiwas sa gulo ay palaging panalo. Nakuha ko ito sa librong nabasa ko noon.
Nang matauhan ako ay mabilis kong hinila ang anak ko habang dumaan ako malapit sa kanya. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay randam ko ang titig niya sa akin. Randam kong nakasunod ang tingin niya sa akin patungo sa labas. Nang nasa labas na kami ay napahinga ako nang malalim.
"Mommy, what's wrong po?"
I bowed my head para makita ang anak ko. I saw how his dark eyes innoncently looked at me. Nakokonsensya ako dahil sa ginawa ko kanina. Napahinga ako nang malalim.
Hindi. Hindi dapat ako nakokonsensya. Dapat lang sa kanya 'yun. Wala siyang karapatan sa anak ko. Mabuti rin 'yung ginawa ko dahil nakikita ko ang pagtataka niya nang nakita niya ang anak ko. Napapikit ako. Natatakot akong biglang pumasok sa isip niya na kamukha niya ang anak ko. Duplicate na duplicate ang anak ko sa kanya eh. Kung may makakita sa kanila, iisipin talagang mag-ama sila.
"Best!"dinig ko ang pagtawag sa akin ng best friend ko.
Naihatid na kami ni Shaneil dito sa bahay. Hindi ko napansing sumunod siya sa amin kanina. Sinabi niya kasi sa aking iniwasan niya 'yung kaibigan niyang si Alyssa para lang maihatid kami nang safe ni Wayne. Tinanong ko pa nga siya kung paano niya nagawang umalis doon at sabi niya may sinabi siyang palusot. Hindi ko na rin inalam ang palusot niya kasi hindi na 'yun importante at magaling sa palusot ang kaibigan ko. Ang importante ay nakauwi kami nang maayos at magkasama ni Wayne.
According to her, Alyssa Nicole Tars is her friend, or pwedeng tawagin nating close friend niya. Kaibigan niya ito dahil may bond ang Tars at Dela Cruz. Matagal na silang walang communication sa isa't isa dahil nangingibang bansa ito 5 years ago. Sinabi niya ring ikakasal ito sa walang hiyang ama ng anak ko. Hindi na ako nagtaka. 5 years ago rin umalis si Harvy. Ibig sabihin, magkasama silang umalis.
BINABASA MO ANG
The Beautiful Mistake
General FictionDiscover the love story of a single mother who has the beautiful mistake she ever did in her whole life. [1st Novel by Rooarrf] [From October 2015 to February 28, 2017] #35 of Genfic Highest Rank of 2019: #1 of Acceptance