"Danie."
O__O
"Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong sa'kin ni Noel.
"Wala tayong dapat pag-usapan."
"Please. Danie. Importante to."
"Ayoko. Ayokong makipag-usap sa isang kagaya mo."
"Please danie! Importante." nahila na niya yung braso ko at parang kinaladkad na ako.
"Ganun ba yan ka-importante? yung nasasaktan mo na ako."
"Sorry Danie. Pero--"
"Bitawan mo siya!"
Lumingon ako doon sa direksiyon ng pinanggagalingan ng boses.
"Walang paki-elamanan pare!"
"Anong wala?! E kita namang nasasaktan na siya oh."
"Wala kang karapatan sa kanya!"
"Ikaw ba, meron?!"
"Tara na Danie!"
Inabot niya yung kamay niya sa'kin.
Naguluhan ako sa kanilang dalawa. Left at right ang tingin ko.
"Danie"
"Ah..Umm."
Inabot ko yung kamay ko sa kamay ni Denzel at umalis kami papalayo kay Noel.
"ang sama nung lalaking yun ah."
"Hayaan mo na, Ganun talaga yun."
"Psh. Mabuti na lang at nagpigil ako. Baka nasuntok ko yun."
"Ano ka ba. Tama na. Ngiti ka na lang."
Hinawakan ko yung magkabilang dulo ng labi niya at pinangiti siya.
"Ganito oh. ^_________^"
"Ba yan. Tama na! Haha" Tinanggal niya yung kamay ko.
"Ayan masaya ka na!"
"Oo. Basta para sa'yo."
huh? ano daw?..
"Hatid na kita sa inyo."
"Huwag na kaya ko na sarili ko."
"Hindi ko naman tinatanong. Kaya gagawin ko pa din"
"Huwag na kasi."
"I insist."
"O sige. Sabi mo e."
Habang hinahatid niya ako pauwi sa amin, nagkwe-kwentuhan lang kami sa loob ng sasakyan niya ng about sa mga sarili namin.
Nakwento ko rin sa kanya ang about kay Noel at ang sabi niya, Pro-protektahan niya daw ako sa lalaking yun.
Sabi ko di ko kailangan pero ang sabi nanaman niya na hindi niya tinatanong at syempre gagawin niya daw yun.
Nang makarating na kami sa bahay, pagkapasok ko sa pintuan, naka-abang na si Mama. Nakita niya rin si Denzel.
"Sino siya anak? at bakit late ka na naka-uwi."
"Siya po si Denzel, schoolmate ko po."
itutuloy ko pa dapat ang sasabihin ko kay Mama ng sumingit si Denzel.
"Sorry po kung late na po naka-uwi ang anak niyo. Napagod po kasi siya sa school kanina at late ko na rin po siya na ihatid dito."
lumapit sa akin si Mama at bumulong sa akin.
"Ang gwapo naman niya anak at magalang pa. Boyfriend mo ba?"
"Ma! hindi."
"Okay. Okay."
"Ay ganun ba iho. O siya sige. Dito ka na lang din kumain ng hapunan."
"Huwag na po."
"I insist. iho"
Ay hala? kayo ata ang mag-ina e. Parehas silang dalawa ni Mama. Haha
Kumakain na kami ng hanupan at si Ailee kinukulit si Denzel. Pero hindi naman nagagalit si Denzel, mabait pa nga siya e.
Maya-maya pa ay dumating si Papa.
"Sino siya Danie?"
"Kaibigan ko po. Si Denzel."
"Nice to meet you po." nag-bow siya.
"Ako po si Denzel Grey De Guzman. Hinatid ko po ang anak niyo kanina."
"ah mabuti iho. Salamat ah."
Lumapit sa tabi ko si papa at bumulong.
"Boyfriend mo ba anak? Payag na payag ako. Mabait, gwapo at Magalang siya."
"Papa!"
"Okay. Okay."
Ano bang nangyayari ha? bakit ganito ang mga tao?
Haaaayyy.
"Pasensya na po Tita, Tito. pero pwede na po ba ako maka-uwi?"
"Oo naman iho. Ikaw naman masyado kang magalang." ang sabi ni mama sa kanya.
"ehehehe." ngumiti lang si Denzel
"Alis na po ako."
"Sige. Mag-ingat ka ha." Sabi naman ni Papa sa kanya.
=============================================================================
Dear Bff,
ang daming nangyari sa araw na ito. Naging best dancer ako. Nakilala ko si Denzel Grey De Guzman na isang mabait, magalang at gwapo daw na lalaki sabi nila mama at papa. Pilit akong gustong kausapin ni Noel na tinulungan naman ako ni Denzel na maka-alis. Hinatid niya ako pauwi at pinagstay siya sa bahay. Haaaaaaaayyy! nakakapagod noh? sana hindi naman nakakapagod ang mga mangyayari bukas o sa mga susunod na araw. O siya. Tulog na ako. ~
++++++++++++++++++++++++++++++
[a/n] talagang matutulog na po ang author. Haha midnight na. Short story na 'to hindi na one shot. XD
BINABASA MO ANG
Diary of A Nerdy Lover ~♥ (Re-Writing/Updating)
RomanceWELL, HE'S A JERK! A FREAKING JERK! THANKS TO HIM I COULDN'T RECOGNIZE MYSELF ANYMORE. I never imagined that I would become the most popular girl in our school and the reason for that is this boy who had treated me like I'm a ghost. I've changed mys...