Cat Got Your Tongue?

28 1 0
                                    

Ewan ba niya, the more he looks at her after the makeover- only then did he realize na babae nga pala talaga ang kaibigan nya. Not that he is not aware of it, hindi naman siya istupido, try thinking straight Lemon. What I meant was, he never really looked at her as a girl, best friends sila regardless of what their gender is. When they started as friends which was way back when they were little - when gender is not an issue between them. Dahil gusto nilang maglaro, dahil gusto nila ang company ng isa't isa. Hindi niya inisip ang ganitong komplikasyon.


Komplikasyon ng utak nya.


Napabuntung hininga sya.


O, Lemon bakit? para ka yatang natutulalang ano, sigurado kang I look ok? tanong ni Yellow sa kaibigan.


Naglalakad sila pauwi, at napansin ni Yellow and sunod sunod na buntong hininga ng kaibigan, at parang wala sa sarili.


Bigla namang napabaling si Lemon sa kaibigan, he almost forgot he was with her! Damn it Lemon. Nasaang lupalop ka ba dinala ng confusion mo?


Naiilang na tumingin si Lemon sa kaibigan, Ah wala I just thought of something, and...of course naman- you look good ! Galing talaga ni Sparkles!


Napataas naman ang kilay ni Yellow, Hindi convincing ang sagot mo noh! At saka anong ang galing ni Sparkles so you mean gumanda lang ako dahil sa kanya. Hmmp! Inilabas lang nya yong ganda ko, kasi kung wala naman akong nakatagong ganda - kahit pa ba i-make over ako ng isang daang beses eh wala din di ba? sabi pa ni Yellow at sabay simangot sa kaibigan.


Napakamot naman ng ulo si Lemon, wala siyang maisagot sa sinabi ng kaibigan.


Oo nga naman Lemon, maganda nga naman ang kaibigan mo. At saka bakit ba kumakabog kabog ang dibdib mo at para kang kinakabahan. Hindi ka naman dating ganyan. Kahit pa nga akbay o hawakan mo ang kamay nya dati wala ka namang nararamdamang ganyan ah? Eh bakit ngayon kahit kunting kilos o galaw lang ng bibig ni Yellow eh binibigyan mo ng kahulugan.


Napatingin kasi sya sa nakangusong kaibigan. Ewan ba nya kung bakit. Dati naman gumaganyan si Yellow eh wala lang sa kanya. Tatawanan nya lang. Pero ngayon, kahit gusto nyang tumawa eh di nya magawa- kasi imbes na tawa parang may ibang gustong gawin ang utak nya na alam nyang hindi tama - dahil magkaibigan sila.


Hayyy Lemon, wake up. You are a fool. She is your friend, huwag mo syang tingnan ng ganyan. Baka mawala ang friendship nyo kung ganyan ka!


Napailing-iling si Lemon. What kind of predicament is he in? And what was he thinking asking her to pretend as his girlfriend?


Napatingin uli sya kay Yellow na biglang tumingin din sa kanya.


Napalunok sya, ibinaling naman ni Yellow ang tingin. Parang naasiwa sa tingin nya.


For the first time since they become friends- ito yong unang beses na nagkaroon ng awkwardness sa pagitan nila.


What was the reason? Yellow and Lemon should figure it out why...soon.



April FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon