Pretend Dating: Ang Umpisa

189 8 3
                                    

Sinundo ni Lemon si Yellow sa bahay nila. Ngayong araw ang pinag-usapan nilang magpa-pa-make over si Yellow. May appointment si Yellow sa salon at magsa-shopping sila after.

Pinapasok si Lemon ng kapatid ni Yellow na si Red.

"O Kuya Lemon, ikaw pala. Sandali lang..tawagin ko si Ate Dilaw hi hi.." sabi ni Red kay Lemon na nakangiti.

Napangiti si Lemon sa tawag nito kay Yellow...oo nga naman, dilaw ang tagalog ng Yellow. 

"Sige, Red...upo lang ako dito..antay ko sya..."  sagot naman ni Lemon na natatawa pa rin. 

Tumingin si Lemon sa loob ng bahay nina Yellow, hindi ito ang unang beses na nakapunta sya sa bahay nina Yellow. Pero ito ang unang beses na mag-boyfriend na sila. Napasigaw ang isang bahagi ng utak nya. Ungas, anong boyfriend? Pretend lang kayo? hindi totoo, feeling mo naman. Para namang binatukan si Lemon sa narinig sa sariling isipan nya. Namula tuloy sya.

Bakit ba kasi habang naiisip nyang kahit nagkukunwari lang naman sila, eh para naman syang kinikilig na kung ano. At bakit naman hindi, first time ko lang namang magkagirlfriend, kahit nga ba kunwari lang ah! Okay lang naman kiligin, kahit na ba sa uhuging bestfriend nya pa ito na-e-experience.

Ah ewan ba nya..basta kahit kunwari lang, masaya na sya. Bakit nga ba kailangan nilang magkunwari? Para kanino? Tila hindi na rin mahanap ni Lemon ang rason kung bakit nga ba sila dapat magkunwari ng kaibigan.

"Ate Dilaw, andyan na si love of your life mo...bilisan mo na..." sabi ni Red na dumungaw lang sa kanya sa maliit na siwang ng pinto, hindi na sya pumasok sa silid ng kapatid.

Napadilat naman sa kanya si Yellow...

"Heh...shhhhhh umayos ka...huwag kang maingay at baka marinig ka non....alaska evaporada na naman ang aabutin ko nito..ikaw talaga Red..."  nanlalaki ang mga matang sabi ni Yellow sa kapatid na nakangisi pa rin at nanunukso ang tingin sa kanya. Alam kasi ng mga kapatid kung ano ang tunay na nararamdaman nya para sa kanyang best friend. 

"Ang lagay ganon na lang Te? "  balik sagot naman ni Red na napakamot sa ulo.

"Hmmmmpppp....oo na....mamya may pasalubong ka sa akin..." 

"Ano naman? Baka cheap ha? Yong worth it naman sa pananahimik ko ha.....kung hindi..."  binitin pa nitong pagbabanta sa kanya.

"Hayyy oo na..alam ko naman ang weakness mo. Isang damukal na reese's chocolate ....oo na...mukha kang tsokolate talaga...o sige na alis na..." 

Ang mga kapatid nya naman talaga eh. Kung bakit naman kasi nabuking pa ng mga ito ang sekreto nya. Kumbakit pa kasi naisulat-sulat pa nya sa diary nya. Kumbakit kasi masyado siyang burara, alam naman nyang mga pakialamero sa gamit ang mga kapatid nya! Hay, naiimbyernang singhal ni Yellow sa sarili habang inaayos ang buhok at tinitingnan ang sarili sa salamin.

Oo na maganda ka na Yellow....pero mamaya mas gaganda ka pa after ng make over mo...for sure masisindak ang bruhong best friend mo pag nasilayan nya ang ganda mo! nangingiting sabi ni Yellow sa sarili.

Pagkatapos nyang mag-ayos, bumaba na si Yellow para harapin ang bestfriend...este boyfriend nya. In your dreams girl- remember pretend lang naman! Paalala ng isang bahagi ng utak nya. Oo nga naman, baka masyado syang madala at mag-expect, wag naman. Lalo syang masasaktan. 

Nirelax ni Yellow ang sarili at pilit ang ngiti at kumpyansa sa sarili ng harapin ang kaibigan.

"Lemon, let's go..." sabi ni Yellow sa kaibigan

"Hmmm something's different...pero medyo nagsuklay ka lang ata kasi kaya medyo naiiba ka ngayon bestfriend..." tukso ni Lemon.

"Heh wag ka nang dumagdag sa inis ko ha...halika na nga...excited na'ko sa make over ko eh.." pag-iiba ng usapan ni Yellow.

"Sabi mo eh..." ani Lemon na nakangiti habang nakaabresiyete sa kanya ang kaibigan.

-----------------------------------------------

MAKE OVER TIME

Pumunta sa isang sikat na salon sina Yellow at Lemon. Isa ito sa mga paboritong pinupuntahan ng mga celebrities. At dahil can afford naman ni Lemon ang presyo dito, full make over ang inorder nya para sa kaibigan.Kilala ng mga ito si Lemon dahil dito rin nagpupunta ang Mommy nya, at dito rin nagpapagupit si Lemon. 

"O Lemon dear, sino naman to? Huwag mong sabihing girlfriend mo to ha?" tukso ni Sparkle, ang transgender na stylist na kaibigan ni Lemon. 

"Huh...ah hindi noh...kaibigan ko yan..bestfriend ko.....nagpapasama lang...kaya ito nirekomenda kita..alam kung forte mo to di ba.." palusot ni Lemon na parang ikinatuwa naman ni Sparkle ang sinabi nya.

"Ok ineng...mukha namang natural beauty ka...kaya hindi naman ako mahihirapang ayusan ka....let me work my magic then...dyan ka lang Lemon ....wait and see how I transform her.." sabi pa ni Sparkle.

Nag-thumbs up si Lemon at kinuha ang isang magazine at nag-umpisang magbasa. 

Goodluck bestfriend.... sabi nya kay Yellow...

Tumango lang si Yellow na parang nahihiya sa kanya.

Tarantadong Lemon yon...akala ko ba magpi-pretend kami, bakit hindi nya magawang mag-pretend dito? Ikinahihiya nya ba talaga ako? Wait lang sya pag namake-over-an na ako! Hmmmmp!Malalaglag sya sa upuan nya!At pag nangyari yon...sa akin ang huling halakhak...nagmamaktol ang dibdib na sabi ni Yellow sa sarili.

 Ngumiti siya kay Sparkle nang sinabi nitong maupo sya. 

"Hija, maganda ka anoh? Konting kembot lang ang kailangan ko eh pretty ka na!sabi nito sabay sipat sa mukha nya at tiningnan sya. 

Ngumiti lang sya, tama maganda na talaga ako, konting ayos lang...o Lemon narinig mo yon? Haiiist....sige na bakla mag-umpisa ka na ng sinasabi mong magic mo, singhal ni Yellow kay Sparkle pero sa sarili lang nya, baka batukan at hindi na siya nito i-make over eh mahirap na.

Ngumiti na lang siya ulit at saka nag-thank you.

April FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon