Define Awkward

31 1 0
                                    

Sige Yellow, I will see you tomorrow sa school okay? sabi ni Lemon sa kaibigan bago ito pumasok sa bahay nila.

Tumango si Yellow, Okay salamat uli. Sige, tomorrow na lang ulit.

Napalunok si Lemon, dati rati, pag ganitong hinahatid nya si Yellow eh kahit na hindi sya nito yayain eh papasok pa rin siya. Sabay pa silang magmemerienda o di kaya, they will watch tv together. What changed? Dahil lang ba sa makeover, something like this would happen? Naguguluhang tanong ni Lemon sa sarili. It is not just the makeover, Lemon- it was way before that. The makeover only opened yourself up, to the reality about what Yellow is to you. 

Hayy..I don't like this. I don't like this. Not at all. But, we already agreed to pretend we're on. Hindi ko naman puedeng bawiin coz she will ask me why, and honestly, I don't know what excuses I can give her. And knowing her, she doesn't stop until she gets the answer she wants. 

Awkward. This is definitely awkward, and I don't like it.

He walked lazily back towards their house. His minds afloat with different thoughts. 


Anong nangyari don? napapaisip si Yellow sa inaasta ng kaibigan. Ever since nakita sya nito pagkatapos ng makeover, something changed about him. Oo nga halata namang nagustuhan nito ang transformation nya pero para bang may iba. Hindi nya lang matanto kung ano.


Sinara nya ang pinto at papanhik na sana pataas sa silid nya nang...

Who you?  pabirong arte ng kapatid nya at nang-aalaska pa.

Talk to the hand... wala sa mood na sabi niya dito.

Ay, KJ. Ganda mo ate ah, san ang punta natin?  hindi pa rin to titigil.

Hindi na nya ito sinagot kasi lalo pang hahaba ang pang-aalaska nito.

Bumuntot pa sa kanya at sumunod hanggang sa silid nya. 

Bigla naman syang humarap dito at nagpameywang.

Please...ngayon lang. Seryoso ako. Leave me be muna okay? pakiusap nya, especially madaming gumugulo sa utak nya.

Nahalata naman siguro ng kapatid nya na seryoso nga siya kaya napakamot na lang ito at bumaba.

Napaupo sya sa bed nya sabay kuha ng phone nya. 

Selfie, click. selfie..click.

Pretty nga pala talaga ako,  sabi ni Yellow sa sarili habang tinitingnan ang selfie pictures niya sa phone.

Nang biglang umilaw ang utak nya, para bang may biglang nagclick sa utak nya habang tinitingnan ang picture nya.

Di nga, hindi kaya.... ah no way...si Lemon? No way....hindi..hindi... hindi nya masabi ang nasa isip, dahil alam niyang imposible. Para sa kanya, imposible ngang humanga sa kanya ang kaibigan hindi bilang best friend nito, bilang babae. Kaya sabi nya, imposible, dahil alam niya ang mga tipong babae ng kaibigan. At hindi sya yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

April FoolsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon