Chapter one

12 0 0
                                    

I've been so busy for the past months na hindi na ako nakakalabas ng bahay. Kapag may kailangan akong bilhin, ino-order ko nalang kasi sayang ang oras. If I go out and buy the necessary things for school, tiyak na hindi lang pagbili ng gamit ang gagawin ko dahil magliliwaliw pa ako thinking always na deserve ko 'to. I don't trust myself going out at saka it's tiring to walk outside tapos laging umuulan dito sa baguio. 

Malapit na.

1 month nalang.

Graduate na ako!

Kaya ngayon, nagkukulong talaga ako sa kwarto para mag focus lang sa studies ko kasi mahirap na. Mahirap na baka bumagsak. I'm not the type of person na kahit hindi aralin 'yung mga subjects niya ay nakakasagot pa rin. I am a fast learner pero syempre kapag tinamad, wala na.

Mabilis ako mag memorize ng bagay bagay and I can easily learn something fast if I focused on it pero dahil may pagka-adik ako sa social media, hindi ko nagagawa 'yung mga bagay na gusto kong gawin. Well, that was before. Kasi ngayon, I am really determined to learn something new and thanks to the book I bought, it really helped a lot.

Thanks to James Clear for creating a masterpiece, Atomic Habits.

It's a really good book for someone who wants to break their bad habits and create a good one. 

I've been seeing the results for the past weeks and I'm really proud of myself.

Gumagawa ako ngayon ng thesis paper because our final defense is so near at ayokong bumagsak doon 'no. I have group members pero not all of them are really helpful kasi kailangan mo pang i-mention sila sa group chat para lang magseen at mag react. It's so frustrating.

Hindi ako matalino. May mga simple at mahirap na bagay talaga na hindi ko alam pero kapag curious ako at may gustong malaman, nagse-search ako. Ako lang ba 'yung tao na naiinis kapag may nagtatanong sayo tapos sobrang obvious at self-explanatory naman o kaya sobrang simple e hindi pa ma-search? Itatanong pa sa akin kahit ang dami kong ginagawa. 

I've been a real help sa mga taong nagtatanong sakin na kahit hindi ko alam 'yung tinatanong niya, ako pa ang maghahanap ng sagot para sa kanya. Why can't they do it in their own?

That was one of my problem, not saying no to people.

"Nilalamig ka 'te?" biglang pasok ng kapatid ko sabay tanong.

"Ay hindi naiinitan ako kaya ako nag jacket!" sarkastikong sagot ko pero binato ako ng unan sa ulo.

Napa-aray naman ako at susugurin na siya ng bigla siyang tumakbo palabas ng kwarto sabay sara ng pintuan. Oh 'di ba! Isa pa 'yang kapatid ko na bwisit. Pumasok lang sa kwarto ko para mang-asar. 

Pinagpatuloy ko na lang ulit ang paggawa sa research paper namin hanggang sa tawagin na rin ako ni Mama para kumain ng hapunan. Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa kusina dahil nakahain na lahat at nandoon na rin sila.

Naupo ako katabi ng kapatid ko at nahuli ko naman na nilagay niya 'yung sili sa ilalim ng kanin ko. Akala mo ha.

Sinigang ang ulam namin ngayon kaya patis at sobrang daming sili ang sawsawan ko.

"Ano ba 'yan, dati ka bang dragon?" inis na sambit ng kapatid ko dahil hindi siya mahilig sa super duper anghang, ako lang.

"Oo," sagot ko naman.

"Kaya pala ganyan mukha mo eh," pang aasar niya tapos nginisihan ko lang siya.

Sinasaway naman kami ng magulang namin na akala ata nila ay nag aaway kaming magkapatid.

"Gusto mo gawin din kitang dragon?" ngiti ko sa kanya habang dinudurog 'yung sili sa patis na sawsawan ko. 

Uy, pulang pula na 'yung patis hahaha.

See WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon