Chapter four

3 0 0
                                    

Oh my god.

Bigla akong napatayo sa kama nang maramdam kong masusuka na ako. Shit, I hate this feeling.

Dumiretso agad ako sa cr ng hotel para doon sumuka at napaupo ako sa sahig dahil medyo hindi parin maganda ang pakiramdam ko. Ang dami naming nainom kagabi, tequila, vodka at bacardi, putangina.

Get yourself together, Wave! Akala ko ba healthy living tayo?

Please, nandyan pa sila Lei at Max.

"Ayos ka lang, girl?" pagsilip ng ulo ni Lei sa cr after kong i-flush 'yung bowl.

"Hmm mhm.." mahina kong sagot at napadukdok sa upuan ng bowl. 

"Come on, maligo ka para mahimasmasan ka.. gawan kita coffee.." napasilip naman ako kay Lei at nakita kong freshly showered na siya.

Wow, sanaol.

Tumango naman ako sa sinabi niya at dinala niya ang damit at towel sa cr para makaligo narin ako.

Umiinom lang ako occassionally at hindi rin sagaran kaya this is actually my first time being so drunk that I can't remember what I did last night. Napansin ko nalang agad na nasa hotel na kami ni Lei.

After showering ay lumabas na agad ako ng cr at nakita kong nag aayos na si Lei ng sarili niya. Saan naman ang punta nito?

"Here oh, inumin mo na," sabi nito habang nagm-make up.

Naupo ako sa tabi nito at ininom ang kapeng ginawa niya sa akin, "thanks."

"Saan ka pupunta?" tanong ko dahil nakapang alis ito at naka-make up pa ang gaga. 

Ang aga aga ha.

"Huy! Magb-breakfast tayong lahat, baliw!" natatawa nitong sabi, "Hindi mo na siguro naalala pero sinabi 'yun kagabi nila Leon at Max."

"Ha? Anong oras naba?" antok na tanong ko sabay abot ng malamig na tubig.

Grabe, kahit naligo at uminom na ako ng kape ay para paring nanunuyo ang lalamunan ko at gustong gusto ko ng malamig na tubig.

"8:00 am na gaga, 7:30 nga ang usapan pero sabi ko hintayin kita kasi tulog kapa," ngisi niya.

"What?! Napakaaga niyo naman gumising!" sigaw ko.

"Yeah, nandoon na nga sila sa function hall lahat.." tumayo ito at sinuklay ang buhok ko.

Agad naman akong tumayo pagkatapos niya akong suklayin. Kinuha ko narin ang cellphone ko saka inayos ang hinigaan ko.

"Tara na," mabilis kong aya kay Lei.

"Let's go, hinihintay na nila tayo."

Shit, nakakahiya naman.

Lumabas na kami ng hotel room namin at saka dumiretso sa elevator para makapunta na sa function ng hotel at makakain ng breakfast kasama sila Max and friends.

Habang naglalakad ako ay nararamdaman ko parin na parang ang bigat bigat ng ulo ko at para akong masusuka kahit hindi naman. Kanina parin ako uhaw na uhaw at gusto ko lang ay malamig na tubig.

Nakarating na kami sa table nila Max at nakita ko naman na naghihintay sila sa amin.

"Sorry guys.." mahina kong banggit at naupo sa gitna ni Lei at Leon.

"Hang over, girl?" natatawang tanong ni Max at tinanguan ko siya habang nakasimangot.

"Tingin tingin mo diyan?" inis na tanong ko kay Leon na parang tanga kung makangiti sa akin.

"You look like a zombie hahaha," asar nito.

"Eh kung sampalin kaya kita diyan?"

"Pasalamat ka hindi bumaba si Theo, nako!" makahulugang sabi nito sabay iwas ng tingin.

See WaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon